Chapter 1 (The Chelson Heiress)

107 21 11
                                    

Third Person's POV

"I'm sorry Mr. President pero di po namin nahanap si Miss Mikaela." Nakayukong sabi ng isang lalaki in black suit, isa sya sa mga inutusan ni Dr. Chelson na hanapin ang kanyang anak na isang linggo ng nawawala.

Napabuntong hininga nalang ang doktor at pinalabas na ang mga tauhan nya. He's not worried na napahamak na ang anak niya but rather he's feeling so done with her stubborness, sanay na kasi syang palagi itong nawawala o kaya'y napapahamak. For Pete's Sake this is the nth time.

Napaisip ang doktor kung ano bang nagawa nilang mali para maging ganito ka sakit sa ulo ang anak nya, binigay naman niya lahat ng gusto nito, pinag-aral sa  ibang bansa, binigyan ng sasakyan, malaki ang pera sa bangko, at lahat ng karangyaan pero di nya naisip na hindi pa din tumino ang anak nya. Worse, babae ito.

He's about to call someone nang biglang may bumukas sa pintuan ng office nya.

"Hi Dad! I heard pinapahanap mo ko?"

Lumapit sa kanya ang dalaga at malawak ang ngiti na para bang walang nangyari. Tinignan nya ito ng strikto pero kalmado.

"Where have you been?"

Tinignan lang sya nito at dumiretso sa swivel chair na bakante at nagpa ikot-ikot.

"I just came from London, pumunta ako sa show ni Rheed. Bakit po ba?"

Parang wala lang talaga ito sa dalaga. Pero sa loob-loob ng ama sobra na ang pagtitimpi nya. Pano ba naman kasi. Nawala ang anak nya ng isang linggo kasabay ng pagkaubos din ng savings nito sa banko ng 2million pesos. Anong ginawa ng anak nya? Bumili ba sya ng pagkaing ginto?

Sinundan nya lang ng tingin ang dalaga dahil pagod na din naman sya sa kakasermon nito. She's always been so stubborn. Tumayo na anak nito at akmang lalabas na sa office nya nang bigla itong humarap sa kanya.

"And oh Dad, before I forget. Uhhh... pwede bang pakidagdagan ang savings ko sa isang account, halos inubos ko na kasi last week for my expenses sa London. I'd be very happy if you do so. Mauna na ako Dad, may Jetlag."

At di na sya nakapagsalita nang tuluyan na itong lumabas at rumampa sa hallway ng companya.

Matagal na nyang gustong disiplinahin ang anak nya pero napaisip din sya na baka di nito makaya ang magiging parusa nya. Pilitin man nyang pigilin ang sariling turuan ng leksyon ang anak ay wala syang magawa, sumusobra na ito kaya kailangan na nyang kumilos.

Tinignan nya ang anak na rumampa paalis at kinuha nya ang phone nya at may tinawagan.

"Hello, I made up my mind. I want you to take care of the things."

Agad namang sumang-ayon ang nasa kabilang linya.

Tingnan natin ngayon kung san aabot ang pagiging spoiled brat mo Mikaela.

DOWA MIKAELA's POV

Wait, isn't this his new cover? Napahinto  ako  sa isang estante ng magazines nang makita ko ang picture ng loveydovey ko, si Rheed. Oh my gosh! Bumilis tuloy ang pintig ng puso ko.

"I missed you already na Rheed baby..." hinalik halikan ko pa ang magazine. Haha! Bahala sila, eh nakakamiss naman kasi sya  kahit kakabalik ko lang ng Pinas galing sa show nya sa London.

And about that thing, alam kong galit na naman si Dad dun. Duh, I'm young at gusto kong eenjoy ang sarili ko kesa naman tumulad sa kanila ni Mom na business lang ang inaatupag. We only live once for the heck's sake! 

Kinuha ko na ang magazine at nagtungo sa counter.

"Cash or Card po maam?"

"Card" maikling sagot ko sa kahera at binigay ang card ko--no, card pala ni Dad pero ako ang gumagamit. May cards ako pero pinapahinga ko na muna baka napagod pa, di ko kasi tinigilan sa kakaswipe nun last few weeks.

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon