Chapter 7 (Deal Accepted)

65 14 0
                                        




DM's POV

I can't stop pacing back and forth. The conversation I had with Rheed last day bothered me so much pati yung sinabi nyang hindi na sya mag momodel at mag aactor. And... and he's offering me a deal kapalit ng matitirhan and makakain ko everyday til I can stand on my own.

Wanna know our deal?

FLASHBACK

"I'm really sorry kung ikaw pa ang napili kong madamay sa sitwasyon na to. I can't let rumors ruin Audrey's career. Sakto din naman kasi ang pagdating mo nung kailangan ko ng lusot. I know I'm being selfish but let me correct it. I can see you're in a big mess, why don't we have a deal?"

Tinignan nya ako ng seryoso, parang sasabog na naman ang puso ko sa sobrang kaba.

"A deal? What's with the deal?" I really had no idea. Basta't alam ko lang yung reasons nya kung bakit nya ako ginawang lusot sa sitwasyon nya. And right now, may articles na nga regarding samin ni Rheed but expectedly hindi pa ito ang worst, hindi pa alam ng public na hindi na sya magaartista.

"Mikaela, since we are already in this situation and I already told Audrey a silly lie between us... why don't we just act like everything's true? Anyways, andyan na naman sa internet ang rumors and speculations and besides this deal is both beneficial to us."

A seconds of silence...

Napakurap ako sa sinabi nya. He's asking me to be his fake date? Or much better to say, we are going to engage in a fake relationship?

I supposed I should get angry for his silly thoughts but I found myself giggling with the idea. Bakit parang mas trip ko ngang ipalabas na may relasyon kami? Is it because I like him? Yeah, definitely.

"Don't worry Mikaela, I'll pay you for it. Just accept the deal and you can have a place to stay, food and money. Let us say, you're gonna work for me and being my fake girlfriend is your job. Pakitang tao lang naman lahat, I'll announce you as my girl in front of my parents, siblings and... Audrey. Ako na rin ang bahala sa lahat ng posibleng mangyari kaya wag kang mag-alala. What do you think?"

Did he say he'll announce me as his girl in front of his parents, siblings and Audrey!? This is silly at alam kong lugi ako sa huli pero sa huli pa naman yun so bakit hindi?

"As long as it's a win-win solution then why not?" I smiled excitedly. Kahit pa totohanin ay di rin talaga ako magpapakipot. *naughty laugh*

"Then I guess that's supposed to be a Yes?"

Nakita kong nagliwanag ang mukha nya, but I still can see pain in his eyes. Aww, don't be sorry for Audrey baby boy, malay mo ako nga talaga ang para sayo? Ganito naman sa mga stories na nababasa ko sa mga novels eh pati sa movies ganito din, yung nagsimula sa fake dating tapos nagkatuluyan din naman sa huli. Isa pa, I like him the only thing that's lacking is him, liking me back.

End of Flashback

Kaya ayun na nga, gaya ng nasa deal namin may place to stay ako, food and money. Ako na ngayon ang gumagamit sa condo nya, may mga groceries at may pocket money pa ako. Today is the first day na gaganap akong girlfriend nya.

Nagpagulong-gulong ako sa kama sa sobrang saya, akalain mo yun? Ang sarap na nga ng trabaho ko, ang ganda pa ng sweldo ko. Kaya ko ngang mabuhay kahit walang sustento nina Dad and Mom. Who said I can't be tough? I know I can pass all of this. Kakayanin at kakayanin ko.

Napatigil ako nang may kumatok sa pinto. Agad ko namang binuksan at tumambad sakin ang gwapong nilalang na si Rheed, bihis na bihis sya as always.

"Hey lady, ready for our first mission?"

"First mission? Agad?"

"Yep, agad agad. Di mo ba ako papasukin sa bahay mo?" Kinindatan nya ako, sheyt laglag ang dapat malaglag ko mga ate.

"Ohh, I'm sorry, please come in." Binuksan ko ng pagkalawak ang pintuan para papasukin sya he chuckled at ginulo-gulo ang buhok ko, hmp! Palibhasa matangkad.

"We are going to a party. Wag kang mag-alala friends ko lang ang makakasama natin.."

"Oh I see, friends mo lang pala eh bat sasama pa ako? Di naman kasali dun sa deal na ipakilala mo ko sa friends mo diba? Just to your parents, siblings and Audrey diba?"

"Of course, that's what I exactly stated. Kaya nga isasama kita eh, Audrey's going to be there too with my sibling, sila yung friends na sinasabi ko."

What!? Makakatapat ko na agad si Audrey Roberts? Malaki-laki rin ang insecurities ko sa babaeng yun knowing na may something sa kanila ni Rheed, I guess I'm not yet ready.

"Hey, okay ka lang? Nakasimangot ka dyan?"

Napatingin ako sa kanya.

"Yeah.. I.. I'm okay and I'm ready."

"Okay then, first let us get you dressed."

At sumama na ako sa kanya para makapag ayos. Bumili na sya ng isusuot ko at pumunta kami sa isang exclusive beauty house, inayosan ako ng buhok and nilagyan ng make up, konti lang ang nilagay sakin revealing my natural yet elegant look. After few minutes I'm done with fixing, kahit naman hindi mag fix eh, alam ko namang may ibubuga ako. I was born as a Princess and always be a Princess at ano namang inexpect nyo sa isang Prinsesa di ba?

Pagharap ko kay Rheed, I can see the obvious admiration in his face, ang lawak nga ng ngiti nya habang sinalubong ako para ikapit ang mga kamay ko sa braso nya.

"God, I was really lucky to have a perfect fake girlfriend like you. I like Audrey so much but I must be honest, malayong mas maganda ka sa kanya."

Awww, that's so sweet of him. Halos mapatumbling na ako sa sinabi nya. Hells, kahit pa naman may insecurities ako sa Audrey na yun alam ko namang walang-wala sya sa beauty ko. *evil laugh*

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon