Chapter 11 (Who was it?)

51 9 0
                                    




THIRD PERSON's POV

Matapos ang nangyari ay nagising si Mikaela sa sariling kama, nasa condo na sya. Nagamot na ang sugat at nakapagbihis na din sya. Nahihilo man ay pinilit nyang bumangon, napahawak sya sa noo nya nang maramdamang ang bigat nito. Napatingin sya sa side table sa may kama may medicines at andun din ang shopping bags.

Naalala nya ang nangyari kagabi, bigla naman sumakit ang ulo nya nang piliting linawin sa isipan kung sino yung lalaking tumulong sa kanya, di kaya si Rheed?

Bumangon sya at nagtungo sa kusina, gulat pa sya nang makitang may nakahanda ng pagkain. Buo na ang hinala nya, si Rheed nga ang tumulong sa kanya. Wala namang ibang taong makakapasok sa condo nito diba?

DM's POV

I hurriedly dialed his number para itanong kung okay lang ba sya. Pano kung nasaktan din sya sa nangyari kagabi? I am so touched and grateful sa pagtulong nya sakin but I felt guilty at the same time, dahil sakin nadamay pa sya sa gulo to think na mainit pa ang dating rumor namin.

I dialed for seconds at agad naman nyang sinagot.

"Hello Mikaela?" Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, this is the first time na kausap ko sya sa phone at ang sarap lang sa tenga.

"Ahh.. Rheed.." di ko alam kung pano simulan. I can't find the exact words to say.

"Yes? You okay?" I can feel his concern tone.

"No, I mean yes I'm okay... ano kasi about last night, I-I want to thank you for saving me from that lunatic asshole. I'm so grateful kasi kung di dahil sayo malamang nasa news na naman ako di dahil sa dating rumor kundi nasa obituary section na ang pangalan ko at naging rape victim. Salamat talaga at ano.. I-I'm sorry kung pati ikaw nadamay sa gulo. Hindi ka ba nasaktan kagabi?"

Damn, this is my first time to utter the word "sorry" wala yan sa vocabulary ko noon. Napatingin ako sa phone ko nang di nagsalita si Rheed, di pa naman nya binaba ang call, di rin naka hold pero wala akong marinig mula sa kanya. Is he mad at me?

"R-rheed—"

"Wait.. you're—My God Mikaela! What are you talk—, are you okay now? May masakit ba sayo? Just wait for me there papunta naman na ako dyan."

Huh? Ba't ganun ang reaksyon nya? Di pa ba sya tapos mag alala sakin eh ginamot na nga nya ang sugat ko at binihisan pa.. wait! Binihisan nya ako!?

"Rheed! Oh my God! Did you undressed me last night!?"

Di ko alam kung pano nalabas sa bibig ko yun basta ang alam ko lang namumula ako at sobrang hiyang-hiya. Waahh!! Kahit pa naman crush ko sya eh panu nalang kung ang sagwa kong tingnan na you know.. ahm.. naked!? Shittt!

"What? Whatever, papunta na ako dyan. Bye." Sabi ni Rheed tapos binaba na nya.

No! Panu ako haharap sa kanya? Nakita na nya diba? Oh my! Nakakahiya ka talaga Mikaela.

Di katagalan ay narinig ko ngang may kumatok. I'm sure it's him kahit di ko pa tignan sa peephole. Pagkabukas ko agad naman nya akong niyakap. I suddenly felt my world stops, literally parang pakiramdam ko nawawala ako sa mundo. Yung taong fan na fan ko ngayon kayakap ko na without buying VIP ticket sa concert at di gumastos ng 2 million. I cannot! Napangiti tuloy ako ng napakalawak. Kumalas naman sya at alalang tinignan ako.

"Hey, okay ka lang ba?" Tanong nya sakin.

"Yeah, I'm okay na. Salamat talaga Rheed, utang ko sayo ang buhay ko.."

Saglit syang tumitig sa akin ng naguguluhan pero agad naman syang ngumiti at niyakap ako.

"No, kasalanan ko nga kung may masamang nangyari sayo. Boyfriend mo ako tapos pinabayaan kita? Di ba ang sama ko naman sa girlfriend ko? I'm so sorry honey."

Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya at gulat at namumulang tinitigan sya. Did I hear it right? O talagang napapraning na ako?

"Anong sabi mo? Boyfriend? Girlfriend?"

Tinignan nya ako ng seryoso tapos nilapit ang mukha nya sa mukha ko tapos—-

"Pfft! Of course I'm kidding! Kinilig ka naman dyan, haha!" Lumayo sya at ginugulo-gulo ang buhok ko.

Leche, umasa ako dun ah? Joke lang pala. Di ko tuloy maiwasang irapan sya. After nyang tumawa ay naging seryoso na naman sya.

"Mikaela, ano nga bang nangyari sayo kagabi? Bakit ka napahamak?"

Mahabang kwento pero kailangang sabihin.

"I thought kasi taxi yung sinakyan ko, di talaga kasi ako sanay mag commute saka di ko rin napansin na wala palang sign na taxi nga yung sinakyan ko, para kasi talagang taxi cab eh. Tapos manyak pala ang driver nun.."

Naalala ko na naman ang nakakatakot na tawa ng adik na manong driver. Kinabahan na naman ako pero di na masyado, kasi alam ko ng ligtas ako.

"I'm sorry Mikaela, kung di ko lang siguro sinuggest na lumabas ka para mag enjoy hindi pa siguro nangyari yun, I'm so sorry."

"No it's okay, sinave mo naman ako eh so we're even now." I smiled at him. He sighed.

"Yeah right..." at umiwas sya ng tingin. Haay, ba't ba sya naguguilty eh di nga naman nya kasalanang tanga ako.

Di na sya nagsalita at parang ang lalim ng iniisip, nagkibit balikat nalang din ako ayokong magsatsat baka mapunta pa ang topic namin kung pano nya ako binihisan kagabi, waah, sana di na nya maalala yun. Nakakahiya lang.

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon