DM's POV
Hinatid na ako ni Manong Ernesto sa Staff House, napatingin ako sa kabuohan ng area. Hmm, too massive for just the two of us. Mas masaya siguro kung yung ibang mga workmates ko ay dito na din tumutuloy. Kung bakit pa ba kasi exclusive lang ang staff house na to para sa isang Boss at sekretarya nya.
"Good evening ma'am, kayo ho ba si Secretary Chelson?"
Napalingon ako sa likuran ko. May ibang tao palang andito? Nakangiti sakin ang isang matandang babae na may dalang vacuum cleaner. Obviously, she's a maid.
"Yes po."
Naks! Ang bait ko ata ngayon. Ngumiti naman ng malapad sakin ang matandang babae at bahagyang yumuko para bumati.
"Ako ho si Rosa, matagal na akong naninilbihan sa pamilyang Sy at isa narin itong staff house sa mga areas na lilinisin ko."
"Ganun po ba?"
Tinignan ko sya ng maigi, may tumutulong pawis sa noo nya. Payat din si Manang Rosa siguro dahil nasa mga 56 na sya. Hindi ko alam pero parang ang bait ko na talaga, first time kong maawa sa isang matandang katulong.
"Oo, sya nga pala. Tapos na akong maglinis sa buong area. Nakakapagod nga talaga ngayong nadagdagan na ng isa pang building ang staff house na to."
"Po? May nadagdag pong building?"
Seriously? May nadagdag ba? Mukhang wala naman akong napansing kinoconstruct na bagong building ah?
"Opo, yan pong unit nyo po ang nadagdag. Dati kasi company's President House lang to pero last month pinapadali ang pag construct ng bagong unit kasi kailangan na daw ng President na kasama nya sa iisang staff house ang sekretarya nya. Mas naging busy kasi si Sir ngayong bumalik na sa bansa ang kambal nya kaya kailangan nyang magtrabaho kahit wala sya sa opisina at mas mapadali ang trabaho nya pag kasama nya ang sekretarya nya dito."
I was shocked by that. Bago pa tung unit ko? Is this some kind of coincidence or something? Bakit pakiramdam ko, intended talaga sakin ang pagkakagawa ng unit for the secretary? Bakit di to noon nangyari na hindi pa ako ang naging secretary ng Zero na yun?
Err, whatever. Baka nga nagkataon lang since gaya ng sabi ni Manang Rosa, mas naging busy si Zero nang dumating ang kambal nya.
"Sige Secretary Chelson, aalis na ako nang maihatid narin ako ni Ernesto sa mansion ng Sy."
"Sige po Manang Rosa. Salamat." I smiled at her ganun din sya at lumabas na sya sa gate.
THIRD PERSON's POV
Pinagmasdan ng maigi ni Mikaela ang phone nyang ginagamit noong wala pa sya sa kompanya ni Zero. It's been weeks na hindi na nya yun ginamit at hinayaang battery empty, after kasi itong ma lowbat ay hindi na nya chinarge pa. Ayaw nya kasi na magkatoon pa sila ng koneksyon ni Rheed at ayaw din nyang umasang tatawag ang mga magulang nya at papauwiin sya. She needed an escape and she had it pero di nya maiwasang ma curious. She really wanted to know kung hinanap ba sya ni Rheed nung nawala sya. Kung nakigpareach out na ba ang parents nya.
Kinuha nya ang phone nya at bumuntong hininga ng malalim. With a final sigh, she opened her phone again.
"No. This can't be real!" Napabulaslas sya ng mag flash sa screen ang hundred times missed calls and missed messages. Lahat kay Rheed galing.
October 3, 2018
From: Rheed
Mikaela where are you? Wala ka sa condo.
BINABASA MO ANG
Days with the Dethroned Princess
RomanceHighest Rank Achieved #23 in LIFE as of 09/30/2018 #3 in Freedom as of 10/03/2018 She's young and beautiful. She got all the wealth in the world. She talks so much and care less about people. She does not fear anything for she knows she got all the...
