Chapter 5 (Bye for Him, Hello sa Twin)

84 18 2
                                    

DM's POV

"I'm Dowa Mikaela Chelson, I really hate introducing myself to anyone kaya magsaya ka na dahil first time tong nangyare at sayo pa."

Inextend ko ang right hand ko sa kanya. Tinignan nya lang ang kamay ko at di man lang ginawa ang pakipag shake hands. Langya!

"Zero." Sabi lang nya na di naman ako tinitignan. Sa totoo lang di ko nga alam kung bakit nya ko binigyan ng number.

"Aanhin ko ba yang number Zero?" I really don't get it kaya napasalubong ang kilay ko.

"Tss, that's my name idiot. I already gave you my calling card."

Ano daw? Ako idiot?

"Hey, sino ba naman kasing matinong tao ang bigla-bigla nalang magsabi ng "zero" tapos pangalan pala. Malay ko ba kung number pala talaga yun kasi wala namang last name. Ikaw ata tung idiot eh."

Weird din naman ng pangalan "Zero" err, duh whatever. I don't care as long as may pakinabang sya.

"So what now? San ka nagwowork? Ikaw ba ang boss dun?"

Kahit halata namang wala syang balak kausapin ako ng matino, I have no choice but to deal with this f*cking situation, eh sa walang wala na akong mapuntahan? Anyways, nasa byahe kami ngayon, nasa backseat ako ng kotse nya at isasauli raw nya ako kung san nya ako "pinulot" kagabi.

Hindi pa din sya umimik kaya sinapak ko, sapul sa Ulo kaya napa brake sya bigla at nilingon ako na galit na galit ang mukha.

"The f*ck is wrong with you woman!?"

Kung alam nya lang kung gaano na ako ka patient sa pagtitimpi.

"Tss, that's what you get for not answering my questions." Inirapan ko sya.

"You know what? You've been a real badass since I saw you! Yung wala kang pambayad sa magazine na kinuha mo? Yung pagtatampisaw mo sa ulan dala-dala ang maleta mo, I knew you're something! At mali ko lang na tinulungan pa kita, no wonder wala kang mapuntahang iba kasi dyan sa ugali mo. I had enough, so get out."

I was stunned for the second time, how come na wala man lang akong magawang pagtatalak sa mga pinagsasabi nya? Wala ngang makapagsalita ng ganyan sakin sa mansion eh kasi takot sila sakin. I can make them crawl if I wanted to...

Pero, Oo nga pala. I have nothing now, I don't have the guts and power. I looked at him again, and through one deep sigh, kinuha ko na ang maleta ko at bumaba sa kotse nya.

"As you wish asshole!"

Then I slammed out his car, yung malakas na malakas talaga. Agad naman nyang pinaharurot ang sasakyan. Stupid jerk! Sana di nalang sya tumulong in the first place! Nakakainis!.

After several walks, oo naglakad-lakad lang ako sa daan. Gusto ko ngang mag hotel pero anong magagawa ng 5 thousand? I'll just use it pag may emergency. Moments later, may napansin akong pinagkakaguluhan sa isang shop, coffee shop to be exact.

Anong meron? At kahit pa man may dala akong maleta at pagkataas-taas ng heels ko, tumakbo ako papunta sa shop. Di naman halatang chismosa ano?

Di kasi, parang iba ang pakiramdam ko parang bigla akong na excite.

Pagdating ko sa crowd agad akong nagsumiksik.

"Err.. stop blocking the way.. urggh" pinagtutulak ko ang mga babaeng hiyaw ng hiyaw..

"Oh my God girl! Andito nga sya, at kasama nya si Audrey!!! Kyaaahhh!!!"

Audrey? Are they talking about Audrey Roberts?

"Girl! Mukhang may LQ ata sila nakasimangot si Audrey pati narin si Rheed!"

What the!? Confirmed! Kaya pala na excite ako bigla kasi—-

"Waahh ayan na papalabas na sya girrrlll!!"

Halos mabingi na ako sa tilian ng mga babae at nagtutulakan pa. Totoong andito sya?

"Kyaaahhh!!!"

Bago paman ako makaiwas sa tulak ay bumagsak na ako sa gitna kaya napatigil sila, napasubsub ako sa labas ng coffee shop at harapan ng crowd na nagtitilian.

Ang sakin nun ha? Kung mapapahiya lang naman ako sana wag naman sa harap nya kaya Inayos ko kaagad ang sarili ko at akmang babangon na ng—

"There you are! I've been waiting for you, let's go."

Tinayo nya ako at kinuha ang maleta ko tapos kinaladkad ako papunta sa isang kotse at pinasakay.

What on earth is happening to me? Ba't sumunod lang ako na parang lutang na lutang, di rin pala ako ang lutang na lutang pati ang mga babaeng kanina pa tumitili ay natahimik at napanganga, at maging si... si Audrey.

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon