DM's POV
"I bet you owe me a talk.."
"What are you doing!? Dahan-dahan ka nga naka heels ako idiot!"
Kinaladkad ako ng baliw na si Zero palabas ng party hall. Nashock nga kami ng parents nya at ni Audrey kanina nang bigla nalang nya akong hinawakan at sinama palabas. Nasa labas na kami ng mansion at dito nya ako dinala sa garden nila.
"Ano bang problema mo?"
"Tinatanong pa ba yan Ms. Chelson? Di ba binalaan na kita na itigil mo na ang kalokohang to? You should thank me at inilayo kita sa toxic na sitwasyon kasama ang Mom ko. Di ka pa ba talaga titigil?"
"Ano bang pakialam mo? You know what, wala ka naman dapat ipakialam sa amin eh, hindi ka naman namin kinakalaban. Kaya pwede ba? Wag ka ng makialam." I glared at him and decided to leave pero pinigilan nya akong umalis sa pamamagitan ng pagharang nya sa dadaanan ko. He's really getting into my nerves.
"Masaya ba kayo sa ginagawa nyo? Fooling people around, is this how you think it'll work?"
"We did it for a reason Zero kaya wag kang kumwestyon sa mga desisyon namin!"
"And what could be your reason?" Hindi pa din sya umalis sa harapan ko.
"It's none of your business, pwede ba umalis ka na dyan?" Nagkasalubong na talaga ang kilay ko sa pagka pakialamero ng taong to.
"No wonder kung bakit mo pala tinanggap ang deal nyo ng immature na kambal ko, kasi aside na pareho kayong batang mag-isip, wala ka nga palang matitirhan, no money, no friends, kaya mo to ginawa kasi kailangan mo ng may kumupkop sayo diba? You're pathetic Ms. Chelson, magkano bang binayad ng kambal ko sayo, babayran na rin kita para tumigil ka na."
Di ako nakagalaw sa sinabi nya, for the second time he insulted me pero wala man lang akong magawa, gusto ko syang sampalin pero di ko naman kayang gawin, maybe because he's right, wala nga akong kaibigan, wala akong pera at kailangan ko ng matitirhan. Ramdam ko ang mga luha sa gilid ng mata ko pero pinilit ko itong pigilan. May kinuha sya at kitang-kita ko kung gaano karami yun.. gusto ko syang sabunutan ngayon din.
Ang sumunod na ginawa nya ang nagpapakulo talaga ng dugo ko.
"I guess these are enough to pay for your living for a week? Balik ka nalang sakin pag kinulang." Inihagis nya sa mukha ko ang libo-libong perang kinuha nya sa attache case nya.
Biglang nagdilim ang paningin ko at ang kanina pang pagtitimpi ay di ko na napigilan.
PAK!
Sinampal ko sya ng pagkalakas-lakas kaya napangiwi at napahawak sya sa pisngi nya.
"How dare you, you son of a b*tch!? Do that to me again I swear I'll kill you!"
And with that statement I stormed out from the garden. Galit akong pumasok sa loob ng mansion at bumalik sa table para kunin ang pouch ko. I"ll give up in this fucking game.
"Hija, are you okay? Rheed's been looking for you." Alalang tanong ni Mr. Sy sakin.
"I'm sorry Ma'am and Sir, but I think I have to go. Nice meeting you again."
Nagshock sila sa sinabi ko kaya sinamantala ko ng umalis. Gusto kong magwala, ganon na ba ako ka pulubi sa paningin ng Zero na yun?
Nagmadali akong lumabas sa residence nila, I need to go, ayoko na, I'll stop this. All my life hindi pa ako nainsulto ng ganito just because I'm in this silly act.
Napatingin ako sa daan, it's so quiet and dark. Kaya ko bang sumakay ulit ng taxi? Bumalik na naman sa isip ko ang nangyari nung gabing muntik na akong napahamak.
May paparating na taxi, akma kong mag signal na sasakay ako pero di ko talaga kayang ituloy. Natatakot na akong sumakay sa sasakyan ng taong di ko man lang kakilala. But I want to escape from this place. Ayokong madatnan ako ni Rheed baka magbago pa ang isip ko at ipagpatuloy ko pa tung kahibangan na to.
God, do I really have to do this? Napaupo ako sa naisip ko, bakit ba di man lang tumawag si Dad? Si Mom di man lang sya nag alala sakin? Eh di nga kami nagkausap nung oras na itinaboy ako ni Dad. Hindi naman sila ganun sakin ah? They loved me so much before, they never let anybody or anything hurt me, pero asan na ba sila ngayon? Naiisip ba nila ako bago sila matutulog? Namimiss ba nila ako? Bakit ba nila ako pinabayaan?
Di ko namalayang napahikbi na pala ako sa naiisip ko. Ayoko na sa buhay ko...
Naramdaman kong may tuxedong lumapat sa malamig kong braso.
"Mikaela, why are you here? You wanna go home?"
Napatingala ako sa kanya and without any other thoughts, I hugged him at dun humikbi ng humikbi.
BINABASA MO ANG
Days with the Dethroned Princess
RomanceHighest Rank Achieved #23 in LIFE as of 09/30/2018 #3 in Freedom as of 10/03/2018 She's young and beautiful. She got all the wealth in the world. She talks so much and care less about people. She does not fear anything for she knows she got all the...
