Chapter 2 (Stray Princess)

108 20 10
                                    

DM's POV

"Dad! What happened to my cards?"

I slammed the door at galit na sumugod kay Dad. I know sya ang may kagagawan sa cards ko. Alam kong galit sya sa pag alis ko dala ang 2 million sa account ko but still it's not reasonable to put me on shame like what happened at the shop.

"So alam mo ng di gumagana ang cards mo?"

Binaba nya ang documents na kinaabalahan nyang basahin kanina at tumingin sakin ng determinado.

"How could you do this to me Dad?"

"Mikaela, ayokong gawin sana sayo ang mga to kaso iba na eh, hindi ka na tumitino. Last 2 months pinaalis mo sa bahay ang katulong natin for 5 years dahil lang ginising ka ng maaga, last month sinira mo ang sasakyan ng kasosyo ko sa negosyo dahil sinabihan kang maganda ka sana kaso suplada ka, last week umalis ka papuntang London at inubos lahat ng nasa savings account mo. Ano bang nangyare sayo Mikaela? All my life I tried my best to give you everything para maging mabuti kang anak. Look at you, for God's sake you're 24 Mikaela! Matanda ka na sa edad mo pero napaka irresponsable mo! At my young age of 20 pinangasiwaan ko na ang kompanya pero ikaw? Palagi nalang party dito party doon, supladahan dito, malditahan dun. You're giving me bullshits everyday!"

I can't believe this, sa kauna-unahang pagkakataon sinigawan ako ni Dad. Oo palagi nya akong sinesermonan pero iba to ngayon. I could see anger and disappointment in his eyes. Ganun na ba talaga ako kasama? Di ako nakapagsalita dahil di ko alam ang erereact.

"I want you to live your life Mikaela, tutal yan naman ang gusto mo di ba? Gusto mong makalaya sa lahat ng panenermon ko at ng Mom mo. Then go on, live your life but this time you can't take any cents from us. I'll take back all we gave you before."

"Dad, What do you mean?" Naguguluhan ako sa pinagsasabi ni Dad.

"I'm letting you go Mikaela. Kung ganyan ka lang rin naman sa amin mas mabuti pang mamuhay ka sa sarili mong sikap. Humanap ka ng trabaho, ng matitirhan at makakain. Ayoko ng mag sustento sayo kasi sumusobra ka na. Magmula ngayon wag ka ng umuwi sa bahay o magpunta pa dito, gusto kong maranasan mong maghirap para maisip mo kung pano mo sinayang ang 2 million sa isang linggo, gusto kong maunawaan mo kung gano kasakit mawalan ng trabaho gaya ng ginawa mo sa yaya mo, at lalong lalo gusto kong maranasan mong rumespeto sa kapwa mo. You're always at the top Mikaela na hindi man lang narasanang bumagsak. Siguro kahit minsan lang kailangan mo ring matutunan ang mga bagay na inakala mong di mo mararanasan. Mikaela, I want you to get out of here and live your life."

No! This can't be happening.

Di ko alam ang sasabihin ko, mahina lang ang pagkasabi ni Dad pero bawat kataga ay dumidiin sa puso ko. Pinapalayas nya ko? Kukunin nya lahat na meron ako? Paano ako mabubuhay? Parang yun lang ginawa ko magkakaganito na? Masyado ba akong walang direksyon sa buhay kaya tinuturuan nya ako ng leksyon? I admit I'm being unreasonable but isn't this too much? I don't deserve this.

"Dad, if this is not a joke I swear masasaktan mo ako ng husto." Dumaloy na sa pisngi ko ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Nakita yun ni Dad pero umiwas sya ng tingin at tumalikod.

"If this is the only way to discipline you then I'm going to hurt you."

"No way Dad!"

"Yes Mikaela, I'm going to take your condo tutal sakin naman nakapangalan yun, you're car? Oh dear you know I'm going to take it back too, your card? Useless na yan."

"No dad! Not the car, not even the cards!"

"I already did Mikaela at sa oras mismo ng paglabas mo sa office nato, you have nothing but you're clothes and yourself. Makakaalis ka na."

Tinulak ako ni Dad palabas ng office nya. Dito pa talaga sa workplace? So this is what they called pinagtabuyan? Walang pakialaman? Fine! Hindi ako yung tipong magmamakaawa sa kanila at sasabihing sorry sa mga nagawa ko, that is not the real me. They want me to live my life by my own! Okay! Not a problem!

3 hours later...

Not a problem? I'm wrong. Problema nga pala talaga. I can't believe any of these! Totoo ngang pinabayaan ako ni Dad ni di man lang ako tinawagan kung nasan ako? Si Mom nakaya ring tiisin ako. Ganun na ba ako kasama?

Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Oo nasa gilid ako ng kalsada at nakakahiya, halatang pinalayas ako dahil bitbit ko ang maletang hinatid sakin ng mga katulong sa bahay. Pinapalayas na nga ako.

Haay, ano ng gagawin ko? Gusto kong mag hotel kaso 5 thousand lang ang pera ko. Ito lamang ang nakaya kong halughugin sa mga naiwang mga sukli sa bag.

Argh! Nakakainis!! Kung di lang ako mapride matagal na akong umuwi sa mansyon. Pero di pwede kailangan kong panindigang malakas ako at di basta-bastang susuko. Kakayanin ko to.

Ang lamig ng hangin, napatingala ako, parang uulan dahil makulimlim ang langit at walang mga bituin.

Di nagtagal ay unti-unti ng pumapatak ang mga butil ng ulan. Hay kung mamalasin ka nga naman, wala pa namang malapit na masisilungan kaya ang ginawa ko ay tumakbo hila-hila ang malaking maleta. Buti nalang di ako naka red dress kundi mapagkamalan akong nag paparody kay Dani girl.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtakbo nang may humarang na sasakyan sa harapan ko. Napahinto ako ng lumabas ang isang lalaking naka suit, parang galing sa office? May bitbit syang payong.

Napatawa ako, kita mo nga naman si Dad oh, kunyareng walang pakialam sakin eh di pala ako matiis at pinasundo pala ako ng mga tauhan nya. Lumapit sakin ang lalaki at nakapameywang na ako na sobrang malapad ang ngiti.

Ngunit agad nabura ang mga ngiti ko nang makita ko ang lalaking papalapit sakin...

Hindi maari... sya yun... yung lalaking inutangan ko.

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon