Chapter 12 (Meeting the Family)

49 8 0
                                    




DM's POV

It's been 3 weeks passed nang mangyari yung insidenteng muntik na akong napahamak. Medyo hindi na rin umiingay ang dating rumor namin ni Rheed pero nanatili pa din ako sa condo nya, we did this act for Audrey naman at hindi sa mga fans and bashers nya.

Today I'm preparing for a big event, kinakabahan na nga ako baka hindi maganda ang kahihinatnan nito. WE ARE GOING TO MEET THE FAMILY OF SY, ewan ko ba kung bakit umabot pa to sa ganito. Kahit gusto ko ang ginagawa ko di ko pa din maiwasang mangamba, pakiramdam ko habang pinapatagal namin ang pag aact lalong lumalala ang sitwasyon. I felt so guilty. Pagkatapos ba nito ano na ang mangayayari samin? Worse question, pano ba namin to tatapusin? Kailan?

"Honey, you're ready? I bet we are going to be late kung di ka pa sasakay." Malapad na ngiting sinalubong ako ni Rheed para alalayan ako pasakay ng kotse nya. He called me Honey everytime he wanted to, bigla bigla na rin syang magsesweet kung trip nya lang, noong una kilig na kilig ako pero ngayon, nalulungkot ako kasi alam ko namang hindi pwedeng masanay ako kasi nga pagpapanggap lang to.

"Hey, are you okay? Kinakabahan ka ba?" Alalang tanong nya sakin nang mapansing malalim ang iniisip ko.

"No, I'm not." I honestly answered.

Napapitlag ako ng pinisil nya ang kamay ko to comfort me.

"Relax Mikaela, I promise after masettle ang lahat tatapusin na natin to. Pag tigilan na ako ni Audrey at matanggap na ng mga tao na hindi na ako mag aartista."

Mas lalo pa akong nalungkot sa sinabi nya, pero bakit ka ba malulungkot Mikaela? Disappointed ka ba sa sitwasyon nyo? What did you expect? In the first place alam mo naman ang role mo sa dramang ito diba? Hinga ka lang ng malalim...

"I hope masettle na nga to Rheed."

"Don't worry di naman kita pababayaan, andito lang ako tutulong sayo. For almost a month naging kaibigan na din naman kita. You can always count on your handsome buddy." Nagwink sya sakin at ngumiti.

oohh stop it Rheed, lalo lang akong mahuhulog sayo...

Huminto na kami sa isang eleganteng mansyon. Mayaman kami pero di ganito ka elegante ang bahay namin, iba kasi dito parang lahat ng nasa paligid nakaka intimidate.

Naglakad na kami papunta sa loob, halos sasabog na puso ko sa kaba. I'll be seeing Zero again, naalala ko pa naman ang banta nya sakin nun na pag di ko tinigil ang pagpapanggap ay sya na mismo ang maglalaglag samin at yun ang kinatatakot ko ngayon. I can't imagine na mapahiya sa pamilya ng taong gusto ko.

Pagdating namin sa hall ng mansion, tumambad sakin ang mga mukha ng mga eleganteng tao, mga business tycoons at ang iba nasa politiko. Well, di naman bago sakin tu because we always have this kind of party sa bahay din namin. I was always the head turner everytime may party ang Chelson Group of Companies. Haay, namimiss ko tuloy sa amin. But I should not. Kinalimutan na nga nila ako at di man lang kinamusta kung buhay pa ba.

"Honey, punta muna tayo kina Lolo." Bulong sakin ni Rheed matapos namin batiin ang ibang mga personahe.

"Okay..."

Hinigpitan nya ang pagkakahawak sakin.

"Don't be too nervous, magiging okay naman lahat at remember andito si Audrey kaya dapat confident tayo." Napalingong ako sa paligid at nakita ko nga si Audrey kasama ng middle-aged man and woman mukhang mag-asawa. Di ko maiwasang mamangha kanilang tatlo, they look so glamorous.

"Apo, no words can explain how thankful I am to finally see you as a grown-up man."

"Lolo, nice to see you again too.." niyakap ni Rheed ang isang matandang lalaki na kahit may gray hair na ay gwapo pa din, intimidating si Dad pero mas nakakaintimidate ang lolo nya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang tumingin ito sa'kin ng mapangsuri.

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon