Chapter 19 (Nothing but Work)

35 10 1
                                        


DM's POV

"How's your first week?"

"Dunno what to say."

Kausap ko ngayon ang walang iba kundi ang nag recruit sakin sa kompanya na to, Jax Stimo.

"Why? Di ba't maganda naman ang nakukuha mong benefits sa trabaho mo?"

"Yeah, pero bakit di mo sinabi saking kapatid pala ni Rheed ang magiging boss ko."

"Bakit naman? Anong meron dun?"

Inirapan ko nalang sya, ayokong ilabas ang tinatago kong ugali. 

"Whatever Jax. I'm going in, 30 minutes break is up."

Iniwan ko na si Jax sa cafeteria. So far, maganda pa naman ang kinalalagyan ko. Unti unti na akong nag aadjust sa pagiging secretary kahit kalahati sakin humihiyaw sa inis. Sa dami ba namang trabaho, secretary pa ng taong pinakainiinisan mo. Pero andito na ako, there is no turning back now or else he'll laugh at me saying I'm a spoiled dependent brat.

"Where have you been? May pinapagawa ako sayong reports. I need it before 4 pm."

"30 minutes break" I answered him not too rude yet not too respectful.  Yung tipong boring pagkasagot. Tinignan na lang nya ako.

"Yung reports, unahin mo."

"I'm working on it."

"Good"

Bumalik na sya sa room nya. Haay, buti nalang di nya ako pinipikon, hindi na nya ako iniirita gaya dati na napaka sarcastic nya. Everything he showed me is about him being the boss, not a friend, not an enemy, just merely my boss.

Tama ba talaga ang naging desisyon ko? Tama bang ang pagiging secretary nya ang tinatrabaho ko? How about Mom and Dad? What would they say if they'll know about this? Business Management ang tinapos ko, mataas ang background ko since we are famous in the field, to think pwede pa akong maging boss sa ibang company pero eto ako, ended up as a secretary.

"Here are the reports Sir."

Nilapag ko na sa table nya ang needed reports.

"Thank you Secretary Chelson."

Bumalik agad ako sa desk ko after kong ibigay sa kanya ang kailangan nya. Until nag uwian na. Nauna na akong umalis sa opisina at sasabay na sa workmates ko.

"Where are you going? Supposedly you should come home with me."

Napalingon ako sa likuran. Andun ang boss at ang driver.

"No, thanks sir. Kaya ko namang umuwi." I smiled pero di totoong ngiti.

"Oh really? We're living in the same compound and I'm your boss. I'm giving you orders and you must follow those." He playfully smiled.

Err the heck.

"Okay fine!"

Padabog akong sumakay sa kotse. Well okay na rin kasi di pa din naman ako marunong mag commute baka maulit lang yung nangyari noon. 

"We should share the same ride from now on Secretary Chelson since pareho lang naman tayo ng uuwian."

I just looked at him at di nalang sumagot. A moment of silence until nag ring ang phone nya. Personal phone, so it means personal matter ang pag uusapan nila ng caller since nasa akin naman ang company phone. Tinignan nya muna ako bago sinagot ang call. Is he asking permission? Nakakatawa naman. Tss.

"Yes Sir?"

Sir? May boss pa ba sya? I thought personal matter kasi nga di naman sa company phone?

"Okay. On my way."

He ended the call tapos bumaling kay Mang Ernesto, driver nya.

"Mang Ern, pakihatid nalang po muna kay Miss Chelson sa Staff house, bababa ako sa Chariot Hotel tapos balikan mo nalang ako mamaya pagkatapos. I'll just call you."

Di ako sasama? Di ba dapat andun ako coz I'm his secretary at mukhang business matter naman yun? 

"Sige ho Sir." Tumango naman si Mang Ernesto.

Duh whatever, mabuti nga't di ako sasama kasi naman napakaboring ng mga business talks na ginagawa nya, for a week being his secretary I often witnessed business meetings with him.

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon