Chapter 10 (The night and the Knight)

54 10 2
                                    


DM's POV

Napadilat ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko. Ang sakit sa mata, what time is it already?

I checked my phone and it's oh my! Alas dos na ng hapon!? Ang aga ko atang magising para bukas? Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para mag mumog, pagkatapos ay nagpunta na ako sa kusina para uminom ng tubig. I was about to open the fridge  nang may nakadikit dun sa magnet. Kinuha ko agad para basahin.

Hey sleepy head,

I left you my credit card at the center table. If you wanna have some fun or go shopping just feel free to use it. That's my gift of gratitude sa pagtulong mo kagabi. Anyways, di na ako nagpaalam kanina na pumasok sa condo coz I know you're at the land of Nod ayaw kitang gisingin. I have a meeting to attend pala kaya don't expect me to be there mamaya. Take care lady, Enjoy yourself :)

Rheed :)

Is this true!? Iniwan nya sakin ang credit card nya para mag enjoy ako? Ohhh goodness, I didn't think he's been this kind-hearted person.

Chineck ko ang  center table at andun nga sa ibabaw nito ang card. Parang nakakita bigla ako ng mga bituin sa harapan ng paningin ko. 

A CARD... so this means...

GOING OUT!!!

After a quick moment, andito na ako sa mall. Tapos na akong manood ng sine kahit ako lang mag-isa. Ang dami ko na ring bitbit na shopping bags kasi para akong nakawala ngayon sa kulungan eh, kung hindi ko pala nasasabi, forte ko ang pag gamit ng credit card lalo na pag di akin *evil laugh*

Halos nilibot ko na lahat ng apparel shops sa mall pero di pa din ako nakontentong maglakad sa labas para pumunta sa ibang shops. Ngayon ko lang napansin na gabi na pala. Sabagay hapon na akong nagstart lumabas kanina. 

Tutuloy pa ba ako sa ibang shops? It's already 8 pm. Ay bahala na, kakain nalang muna ako. 

Actually di ako sure kung ano na ang itsura ko ngayon, ang dami ko kasing bitbit na shopping bags. Wala akong car eh? At first time ko tong maranasang mag shopping na walang dalang sasakyan.

Pumasok ako sa loob ng isang restaurant. Medyo shocked yung staff sa dami ng bitbit ko bago ako tinulungan, duh? May card ako ngayon mga tao kaya hayaan nyo na ako. Matagal-tagal ko na rin kasi itong di naranasan simula nang itinaboy ako. Tss, heartless Dad and senseless Mom!

"Ma'am, can I take  your order please?"

Tinignan ko yung menu, tapos pinagtuturo ang mga kung ano-ano ang dami na nga nun kaya inakala pa ng waiter na may kasama akong friends. Actually di naman ako ganun ka gutom, wala lang, may card eh, saka di naman ako ang magbabayad ng mga inutang ko kundi ang boyfriend kong si Rheed, uh-uh fake boyfriend.

Bago umalis ang waiter tumitig pa sya sakin. Nung problema nya? Napansin ko din ang ibang tao sa loob ng restaurant, pasulyap-sulyap sila sakin. Tigilan nyo ko baka matarayan ko tong mga taong to?

"Diba sya yung rumoured girlfriend ni Rheed? Oh my God!" 

"Oo nga girl, sya nga yun. No wonder, ang ganda pala talaga nya... nakakainggit."

Ahh okay, kaya pala nila ako tinitigan. Hmp, mainggit nga kayo, sanay naman na akong kinaiingitan *confident laugh*

After few minutes, dumating ang order ko at agad kong nilantakan. Yung iba di ko kinain kasi nga diba? Di ako gutom, wala lang gusto ko lang gamitin ang card.

Pagkatapos magsawa ay natapos din ako sa restaurant. It's 9:45 pm already. I hate this pero kailangan, pumara ako ng taxi and YES, this is my first time riding a taxi cab. Palagi naman akong hinahatid nang driver nung teenager pa ako, and recently I was driving with my own car. Kaya goodluck sakin ngayon. 

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon