Chapter 3 (Rescued from the Rain)

96 19 10
                                    

DM's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DM's POV

Papalapit na sya sakin at mas naging malinaw sakin ang mukha nya, sya nga. Bakit sya andito? Tama! May babayaran pa pala ako sa kanya. Shit! Bakit pa ba ngayon? Dali-dali akong tumalikod para iwasan sya, di pwede! Wala akong pambayad!

Tatakbo na sana ako nang hinawakan nya ang braso ko dahilan na napaharap ako sa kanya.

"Not so fast lady."

Gosh! Halos masubsob na ang mukha ko sa dibdib nya sa paghila nya sakin paharap. Napalunok ako ng tinignan nya ako. As in eyes to eyes kaming dalawa. Mas nasilayan ko pa ang mukha nya, ang singkit nyang mga mata, ang matangos na ilong at ang mapupulang labi...

No! Erase! Erase!

Tinulak ko sya at napaatras ako.

"Di kita kilala, wala akong utang sayo!" Tumalikod ako.

My gosh! Sana di nya ako mamukhaan. Narinig kong napatawa sya pero agad din yang pinigilan.

"Sounds so defensive young woman, anyways don't worry di naman ako andito para maningil sayo. Why don't you hop in? Masyadong malakas ang ulan at basa ka na. Ihahatid kita sa inyo."

Totoo? Nag ooffer sya sa kin? Who knows murderer pala sya? Di ko nga sya kilala.

"No thanks, kaya kung umuwing mag isa."

Pero may mauuwian nga ba ako? Narinig kong napabuntong-hininga sya.

"Okay then, bye."

Walangya! Umalis nga sya at di man lang ako pinilit? Bumalik sya sa loob ng kotse nya at nagsimulang paandarin yon. Di ko inakalang aalis nga sya at iwan ako sa ilalim ng malakas na ulan.

Ay tanga rin kasi ako, nagpapakipot pa eh gusto ko naman talagang sumabay sa kanya kahit pa nagdadalawang isip din ako kasi di ko nga sya kilala, ano namang magagawa ko? Ang basa ko na nga dahil sa lakas ng ulan

BEEP BEEP!

Leche talaga at talagang bumusina pa para patabihin ako, tch!

Ayokong habulin ang sasakyan nya kahit ginaw na ginaw na ako. Hindi ako ganung klaseng babae—-

Pero

After few seconds...

"Tigil!"

Third Person's POV

Pinagmasdan ng lalaki sa salamin ang babaeng nasa back seat nya. Pumipikit ito at humahalukipkip, halatang giniginaw.

Tss weird, di halata sa itsura nyang sasama pala sya sa lalaking di man lang nya kilala. She looks so foxy pero look at her?

Nasabi nya sa sarili. Hindi sya yung tipong nangingialam sa ibang tao pero di rin naman nya kayang daanan lang to sa gitna ng daan kanina at nagtatampisaw sa ulan.

"San ba ang inyo?" Tanong nya pero di ito sumagot, alam nyang di naman ito natutulog.

"Hey woman, I said saan ka nakatira?"

This time dumilat ito at tinignan sya ng blanko ang ekspresyon.

"I don't have a home. You can take me to your place, pero wag kang magsasaya dahil di kita type, di ako papatol sayo." Sabi nito sabay irap

What the? At di man lang nya naisip na baka masama palang tao tong kasama nya?

"Are you not afraid? What if isa pala akong kriminal at sumama ka kaagad?"

Tinignan lang sya ulit ng dalaga at nagsmirk pa.

"I can smell desperate people Mr. Stranger, at kahit pa naman mukha kang kriminal I know you don't and you wont do crime."

Agad nabato ang lalaki sa sinabi ni Mikaela at di nalang ito umimik.

Maya maya pay nakarating na sila sa bahay ng lalaki. Bumaba naman agad si Mikaela at naunang pumasok sa sala pagkabukas nya.

"Hmm, I didn't expect you have such a great taste. Maganda ang bahay mo." Inihagis nito ang maleta sa couch nya kaya agad naman syang naalarma.

"Who told you to put your dirty things on my couch?" Napasalubong ang kilay ng lalaki nang tinignan lang sya ni Mikaela ng wala sa emosyon.

"So tell me, san ang magiging kwarto ko?"

"Excuse me? Your room?" Di makapaniwalang pag uulit nya, tumango naman si Mikaela ng napaka kaswal.

"Yes, my room. For tonight."

Napahawak sya sa batok nya. Bakit nya ba kasi dinala dito ang babaeng to? Ayan tuloy nahihirapan sya.

"You can have the sofa, di pwede sa guest room may pinaparenovate."

"Wait, you want me to sleep here? " nanlaki ang mga mata nito

"Yes" maikling sagot nya

"Sa sofa?" Tanong ulit ng dalaga

"Yes"

Nabigla sya ng napatawa ito ng malakas.

"Haha! You're kidding me, aren't you?"

"No, I mean it" seryosong sagot nya kaya napatigil ang dalaga sa pagtawa.

"Seriously? Sa tingin mo makakatulog ako sa isang maliit na sofa? Do I look like a cowgirl? Thanks for the offer but I need a room."

Demanding nitong si Mikaela. Palibhasa nabuhay na prinsesa.

"What do you want me to do? I ooffer ko sayo ang kwarto ko tapos ako dito sa sala?" Di makapaniwalang tanong ng lalaking sumagip sa kanya kanina pero sakit sa ulo lang ang sinukli nya.

"Di ba dapat yan naman talaga ang mangyayari? You're a gentleman, aren't you? Para san pa ba't sinimulan mong magpaka bayani kanina kung hanggang dun lang pala ang kaya mong maitulong?" Binigyan sya ni Mikaela ng sarcastic sweet look.

"No, if you want my room then you better get out."

Agad namang napawi ang ngiti ni Mikaela at biglang napailing.

"Tss, such a jerk. Tutulong-tulong ka e di naman pala kokompletuhin. Tse! Papunta na nga lang sa banyo magbibihis ako." Inirapan sya nito at padabog na hinanap ang banyo. Feel at home talaga.

Napahawak nalang sa batok ang lalaki at di makapaniwala sa ugali ng babaeng sinagip nya sa ilalim ng ulan. Di man lang nagpasalamat ah? What a girl!

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon