Chapter 16 (Meet the other Man)

36 8 0
                                    


DM's POV

I'm standing here in front of Chelson's building. Nakatayo ako dito for almost an hour na, Hindi ko alam kung susuko na ba ako at tatanggapin ang kamalian ko o tutuloy pa ako sa laban. Sinauli ko na ang card na pinahiram sakin ni Rheed kaya tanging yung 5k na baon ko nalang ang andito sa pitaka ko. 

Haay, should I turn in?

I took small steps papasok sa loob nakita pa ako ng guard at nag bow sakin sa kalayuan bilang pag respect. 

I took small steps again... but I stopped.

No, Hindi ko dapat to ginagawa. Hindi pwedeng babalik ako sa amin at patunayang tama sina Dad, na hindi ko kayang mamuhay mag-isa na I am nothing without them. Hindi pwede.

Dali-dali akong tumalikod at napatakbo paalis. Starting from this day, I'd do everything just to raise myself. Kailngan ko ng gumawa ng paraan na mabuhay ako sa sarili kong pagsisikap. No matter what it takes, I'll definitely do it!

Beep.. Beep!

Napatigil ako sa iniisip ko nang may bumisinang sasakyan sa likuran ko. I halt and looked back. Lumabas ang isang pamilyar na lalaki, matangkad, singkit at talagang gwapo. He looked so familiar pero di ko lang matanto kung san kami nagkita.

"Hi, you're Miss Mikaela right?" Lumapit sya sakin at nakangiti.

"Yeah, you looked familiar. Do I know you?"

Napatawa naman sya sa sinabi ko. Nung problema nya?

"Grabe ka, di mo na ako natatandaan? I'm Jax Stimo the brother's Friend.." he chuckled at inilahad ang kamay nya para sa shake hands siguro. Tinignan ko lang ito at magkasalubong ang kilay na tinignan sya. Sya pala yung kaibigan ng kambal. Tss, ayoko ng isipin ang mga yun.

"What do you want?" Diretsong tanong ko. He shrugged.

"Wala naman, nakita lang kita dyan then I realized I know you. Masama bang hintuan ang isang kaibigan?" He is still wearing a big smile, napakamasiyahin naman nyang tao ano?

Bakit ba palagi nalang ako nadadatnan ng mga lalaking tu sa daan? 

"I'm not a friend." Mahinang sabi ko  tapos tumalikod na para umalis. I'm always this rude at nakakamiss maging rude cause last few days were weakening  days for me.

"Hey, saan ka pupunta hatid na kita." Sigaw nya mula sa likod

Ayan na naman nyang katagang yan, san ka punta? Hatid na kita? Alam ba nilang yan ang pinakamahirap na tanong sa buhay ko ngayon? I don't have a place to go. Di ko na sya pinansin at nagpatuloy sa paglakad pero bigla nalang nyang kinuha ang maleta ko at kinaladkad ako papasok sa kotse nya.

"Hey what are you doing!?"

"Wag ka ng magreklamo, hatid na kita." Malapad parin ang ngiti nya, nasa loob na kami ng kotse nya.

I glared at him, nagstart na sya sa engine.

"San ka ba uuwi?" Nakangiti pa din, I wonder, ganito ba talaga ang itsura nya palaging nakangiti? Baka may sakit sya.

"Miss Mikaela, san ba ang inyo?"

"Tss, Wala akong pupuntahan." 

Bigla kaming napabrake. Nawala ang ngiti nya at nanlaki ang mga mata. 

"Wait, are you saying na hindi ka na tumitira sa condo ni Rheed? Kaya ba dala-dala mo ang maleta na yun?" Tinuro nya ang maleta ko sa back seat. 

Shunga pala tu, kinuha lang nya ang maleta at wala man lang namuong guniguni sa isip nya na umaalis ako? Saka panu nya nalamang sa Condo ako ni Rheed tumutuloy?

Days with the Dethroned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon