CHAPTER 2 Josh

69 11 2
                                    

Kainis naman si Ciel oh!

May kumatok sa kwarto ni Josh.

"Walang papasok dito! Hanggat walang sorry kiss na naka handa!" inis na sigaw ni Josh.

"Papasok ako! Josh! Sorry na kasi!" pagsusuyo ni Odette.

Wow! Si Odette pala to, yes! Pag pumasok siya may kiss ako! Bwahahaha!

"Sorry kiss muna!" sagot ni Josh.

"Sige na nga! Hmp!"

Yes! Yes! Yes! May kiss ako! Pinaka masayang lalaki na ako sa buong mundo! Wahahaha!

"Promise? Gagawin mo talaga?" paniguro ni Josh.

"Oo nga! Sige na! Papasok na ko!" sabi ni Odette.

Ayan na ang kiss koooo!

"Uy sorry na, bakit ka kasi pikon? Bata lang pinatulan mo pa." sermon ni Odette.

"Eh totoo naman sinabi ko eh, young adult tawag sa atin diba?"

"Oo nga, pero bata parin yun." paalala ni Odette.

"O sige na! Panalo ka na! At least may kiss naman ako! Bwahahaha!"

"Utut mo! Naloko ka naman! Hahaha!" tawa ni Odette.

Halaaaa! Napagtripan ako ni Odette! Waaah! Inaasahan ko pa naman yung kiss! Huhu!

"Madaya! Liar! Nag promise ka!" sumbat ni Josh.

"Fine! May kiss ka na!" sabi ni Odette.

"Sa lips ha?" sabi ni Josh habang naka ngisi.

"Ano!? Sa pisngi lang noh!" angal ni Odette.

"Okay."

Hinalikan ni Odette si Josh sa pisngi niya.

"Yan na! M-may kiss ka na!"

"Thanks..."

Waaaaah! Kinikilig akooooo! Umiinit yung mukha ko. Hala! Sana hindi mahalata ni Odette.

Namula silang dalawa. Napansin ni Odette na namumula si Josh.

"Uyyyy! Bakit ka namumula? Kinilig ka noh?"

Halaaaaa! Napansin niya! Ano na sasabihin ko!? Teka, namumula din siya! Ha! Patay ka sakin Odette. Bwahahaha!

"Nag salita! See yourself! Humarap ka nga sa salamin! Mas mapula pa yung sayo oh!"

Tinignan nga ni Odette ang mukha niya sa salamin. Sa sobrang shock niya ay napasigaw siya.

"Waaaaaaahhhhhhh!"

Pagkasigaw ni Odette sa sobrang hiya kay Josh ay namula pa siya lalo.

Nakakabingi naman sigaw ni Odette! Sakit sa tenga! But! Namula pa siya lalo! Bwahahaha!

"Oy! Wag ka nga sumigaw diyan! Baka ano isipin ni mama!"

Napatahimik si Odette bigla. Nag smirk si Josh. Nakita ni Odette at kinabahan siya ng todo, pero namumula parin siya.

"Anong balak mo Josh?" kinakabahang tanong ni Odette.

"Waaaah!" sigaw ni Josh.

Sinugod ni Josh si Odette at kiniliti niya ito.

"Hahahahahaha! Tigilan mo ko Josh! Matatamaan ka sakin! Hahaha!" sabi ni Odette habang tumatawa nonstop.

"Ayoko nga! Hahahaha!"

Tawa sila ng tawa. Biglang natisod so Odette sa bag ni Josh na nasa sahig, malapit na bed. Nahaltak ni Odette si Josh pag bagsak niya. Ang malupet don ay nakapaibabaw si Josh kay Odette. 1 inch nalang ang agwat ng mukha nila sa isa't isa. Napatitig si Josh kay Odette. Bigla niya hinalikan si Odette. Nagulat nalang si Josh sa ginawa niya kay Odette.

Pataaaaaay! Anong ginawa ko!? Bakit ko ginawa yun!? Shit! Shit! Shit!

"Shit! Sorry!"

Umalis sa pagdagan si Josh kay Odette ay umupo sa may study table niya.

~AWKWARD SILENCE ~

"Josh."

"Odette."

Nagtawanan silang dalawa.

"Sige ikaw muna Odette, ladies first diba?"

"Hindi, sige ikaw muna, gays first diba?" biro ni Odette.

Gay!? Ako gay!? Nak ng tokwa naman oh! Kaputa naman!

"Ang sama mo naman!"

"Ay, oo nga pala. Hinalikan mo nga pala ako. Hahaha!" nabigla si Odette sa sinabi niya.

Ano daw!? Shit! Naaalala ko naman! Nakakahiya sakanya!

"Ano sabi mo!?"

Nanlaki ang mga mata ni Odette dahil sa sinabi niya.

"Aaaaah! Wala wala! Hehe." palusot ni Odette.

"Sorry nga pala."

"Di okay lang yon." nerbyos na sagot ni Odette.

~AWKWARD SILENCE ~

"Ah... Sige Josh mauna na ko ah? Bye bye!"

Nag madali si Odette palabas ng kwarto ni Josh.

~End of Chapter~

You and Me Best friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon