Josh's POV
Arrggggghhh! Bakit hinalikan ni Mark si Odette?! Di naman papayag si Odette ah! Bakit?! BAKIIIIITTTT?!?! Waaaaaaaaahhhhh! Makakapatay ako ng taooooo! Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko!
"Hoy lalaki!"
"Ay pigilan niyo ko!"
"Anong pigilan ka dyan? Anong nangyayari sayo? Parang ang sama ng tingin mo sa lahat ng tao ahh." Sabi ni Lydien.
"Makakapatay na kasi ako ng tao eh. Iuuntog ko siya sa lahat ng pader dito sa buong campus."
"Sobra ka naman! Kawawa naman yung hayop na yun! Love animals nga daw eh." Pagbiro naman ni Lydien.
"Sa pusa at aso lang ako mabait pero sa ahas hindi."
"Inahas ka ba? Sayo ba talaga siya simula nung una?"
"H-hindi. Ayy basta! Bwisit kang babae ka! Guluhin mo si Luke wag ako!"
"Nabwisit mo pa kong gunggong ka! Hmp! Tumutulong lang eh!"
"Ayy nako! Uuwi na nga ako!"
"Eh di umuwi ka! Madapa ka sana! Bleeeeehhh!"
Di na pinansin ni Josh ang pang aasar ni Lydien at dumeretso na sa parking. Umuwi ang binata na maraming iniisip na kung ano ano.
Bakit ba kasi ganito lahat ang pangyayari?! May nagawa ba kong hindi maganda at masama na ang mga nangyayari? Haaaaaayyyy! Bahala na si Batman!
Odette's POV
"Buti nalang umalis na yung lalaking yun."
"Ano?"
"Sabi ko buti nalang umalis na yung lalaking yun."
"Bakit naman?"
"Ayokong nakikita yun eh. Lagi ka nalang niya kasama."
"Ano ka ba Mark! Best friend ko yun eh!"
"So mas pipiliin mo siya kesa sakin?"
Shit! Bakit di ako makasagot?! At teka! Bakit nagdadalawang isip ako sa tanong niya? Dapat sagot kagad! Hindi yung napapatahimik ako.
"Bakit di ka makasagot?"
"H-ha?"
"Mas pipiliin mo siya no?"
Halaaaaaaa! Hindi nanaman ako makasagot! Kasi naman eh!
"Never mind. Forget what I said."
After that walang nag pansinan saming dalawa.
"Uwi na ko."
Tinignan ki nalang si Mark habang papalayo siya. Bakit parang gumaan ang loob ko nung makita ko siyang papalayo? Anong nangyayari sakin? Makauwi na nga rin. Haaaaaaayyyy.
Pagkauwi ko deresto ako sa higaan ko. Nakakapagoooooood! Tapos gutom pa ko! Haaaaaaayyyy! Nakakatamad mag luto kaso kelangan para di na magpagod si lola. Nagluto nalang ako at kumain. Nagtabi ako ng ulam para kay Lola pag gising niya. Buti nalang walang assigment ulit! Hahaha! Makatulog na nga.
Natulog na si Odette biglang may tumatawag sa phone niya. Di niya to naririnig kasi na vibrate lang ang phone niya. Pagkagising niya ay bigla siyang natauhan. Hinanap niya kagad yung phone niya.
Emeged! Asan na ang phone ko?! Ang aking minamahal na phone asan ka na?! Wag kang mag taco! Don't be shy baby! Come out, come out wherever you are!
"Asan na ba yung lecheng phone na yun?!"
Nakita na ni Odette ang phone niya. Napunta lang naman sa ilalim ng kama niya. Nakita niyang may 3 missed calls siya at may 1 message.
From: Mark
Odette mag usap tayo bukas. May gusto akong pag usapan.
Oh my. Oh my, my, my! Ano pag uusapan namin?! Oh my! Jusko Lord! Go lang Odette! Push mo yan! Don't worry! Chill!
~End of Chapter~
BINABASA MO ANG
You and Me Best friends Forever
Roman pour AdolescentsPlease read my story!! :D pafollow na din po, follow ko din po kayo ASAP :D ^_^