"Hoy! Anong ginagawa niyo sa best friend ko!?" sigaw ni Josh.
Wut? Nandito siya!? So narinig niya ang mga pinagsasabi ng mga ambisyosang frogs na ito!? Oh my, anong gagawin niya? Lagot sila!
"Well!?" galit na tanong ni Josh.
"She's a social climber papa Josh!" - ambisyosang frog 1.
"Just look at her! She's not even pretty!" - ambisyosang frog 2.
"Yeah! And how she acts! She's like an amazona! Yuuuck!" - ambisyosang frog 3.
Ahh ganon? Yuck? Eh ikaw nga mukhang lumaklak ng gluta at naging clown ka pa sa sobrang kapal ng makeup mo!
"No one should say or do anything bad to her! She's my best friend! Wag na wag ko mababalitaan na may ginawa ulit kayo sakanya kung hindi, hindi ko na papalampasin yon." sermon ni Josh
Tumango nalang yung tatlo at umalis na. Tinulungan ni Josh maka tayo si Odette sa pag kakaupo niya sa damohan.
"Pag inaway ka nung mga yon sabihin mo lang saakin ah? Hindi ako papayag na ganunin ka nila." nakangiting sabi ni Josh.
"Oo naman! Lalaban muna ako! Pero pag di ko na kaya saka ako mag susumbong. Okay ba yon?"
"Yup!"
"Ahh sige Josh, punta na ako sa next class ko. Bye!"
Patayo na sana si Odette ng biglang hinawakan ni Josh ang wrist niya para huminto si Odette.
"Hatid na kita."
"Nako wag na, okay na ako."
"No. I insist."
Tumango nalang si Odette at sabay sila nag lakad. Pag dating sa classroom ni Odette nag hiyawan ang mga barkada ni Josh na classmate ni Odette.
"Kayo ah! Ayieeee!" -barkada ni Josh.
"Ano ba yun!?" tanong ni Josh sa kanila.
"Tinatanong pa ba yan pare?" sabi ng isang kabarkada ni Josh.
"Sira!" sigaw ni Josh.
Natawa nalang ako sakanilang bangayan. Pagkadating ng teacher nila ay umalis na si Josh.
"Bye Odette! Kitakits nalang mamayang music class." paalam ni Josh.
"Sige! Bye bye!"
Pagkatapos nila magpaalam, tinitignan na si Odette ng buong klase.
Anong problema nila? May dumi ba mukha ko?
"Ano tinitingin-tingin ninyo diyan ha?"
"Ayyyyiiiieeeee!"
"Kilig moments!"
"Kainggit laaaaang!"
"Sweet ninyo ah!"
"Ang daming langgam!"
Naghiyawan silang lahat. Naka ngiti rin ang professor namin.
Kaloka! Pati si sir boto na sa love team namin ni Josh? Wala naman kasi talaga eh.
Umupo na lang ako at nag start na ang class. Madali lang ito natapos. Parang ilang minuto lang. Pagkatapos ng subject namin ay pumunta na ako sa next class ko. Pag dating ko don ay nandon na si Josh na kasalukuyang tinotono ang gitara niya.
"Hi Josh!"
"Odette! Aga mo ah?"
"Masama? Masama maging maaga?"
"Di naman bakit?"
"Parang ayaw mo ata eh. Ge balik ako after 10 minutes. Bye!"
"Ay hindi hindi. Ito naman di mabiro."

BINABASA MO ANG
You and Me Best friends Forever
Teen FictionPlease read my story!! :D pafollow na din po, follow ko din po kayo ASAP :D ^_^