"Lola! Alis na po ako ah?" paalam ni Odette.
"Sige apo, para hindi ka ma-late." sabi ng lola niya.
Late na nga ako lola eh.
6:45
"Waaaaaah! Late na ako!" sigaw ni Odette pag labas niya ng bahay.
7:15
"Ms. Mendez! You're 10 minutes late! Pinapayagan na nga kayo pumasok hanggang 7:05 tapos nale-late ka pa! What's your excuse this time!?" sermon ng mabungangang English teacher niya.
7:05!? Graaaaabeeee! Parang nakakatulong ang 5 minutes! Kaloka!
"Ma'am Alvares, uhmm...I...woke up late." Nahihiyang sagot ni Odette.
"What!? That excuse again!? For God's sake Ms. Mendez! You're a third year highschool student! You need to have self-discipline!" sigaw ni Ms. Alvares.
Kaya MS. ka parin eh, masungit masyado, nakakatakot! hahaha!
"Yes ma'am, it will not happen again." sabi ni Odette habang naka yuko.
Umupo na si Odette sa pwesto niya, biglang may nag pasa ng note na naka tupi sa kaniya. Binuksan niya ito.
-------------------------------------------------------------
Hoy! Dapat nag pasundo ka nalang sakin. Yan tuloy, na-late ka na, na-sermonan ka pa. Text mo lang ako kung mag papa hati o sundo ka.
-J.M.
-------------------------------------------------------------
Ay sosyal! May dakilang taga hatid sundo ako! Kabog kayo! hahahaha!
Natapos na rin ang classes niya. Naisipan ni Odette na bumili ng makakain niya habang pauwi, biglang may humila sa kanya habang tinatakpan ang mga mata niya. Dinala siya sa parking lot ng school niya.
Halaaaaaa! Sino to!? Juice ko! Ayoko pang mamatay! Ayoko mawala ang pagka-maria clara ko!
Tinignan ni Odette ang taong kinidnap siya. Laking gulat niya lang na si Josh ang kumidnap sakanya! Best friend niya!
"Hoy! Langya ka! Bakit--- Josh!? Bakit mo ko kinidnap este dinala dito!? Nak ng kalabaw ah! Kinabahan ako dun!" sabi ni Odette na kinakabahan sa lahat ng pangyayari.
"Sorry na... Napag-tripan lang kita eh... Tara na, hatid kita pauwi." alok ni Josh.
"Ha? Di naman ako nag text ah?" pag tataka ni Odette.
"Ehhh gusto ko eh. Hahaha! Dali na, tapos tambay tayo samin!" excited na sabi ni Josh.
"Hala? May assignment pa kaya tayo." sabi ni Odette.
"Samin nalang tayo gumawa. Dali na kasi, payag ka na." pagmamakaawa ni Josh with matching puppy dog eyes pa.
"Sige na nga! Nakakaloka ka ah!"
Pumasok na si Odette sa loob ng kotse ni Josh at pumunta na sila sa bahay nila Josh.
"Oy! Labas ka na diyan!" sigaw ni Josh.
"Ayoko nga! Nakakahiya kila tita noh!" sagot ni Odette.
"Okay lang yan! Nami-miss ka na nga nila mama eh." sabi ni Josh.
Ay! May naka miss pala sakin! Ang saya! Hahahaha!
"Fine!" sagot ni Odette habang naka simangot.
Lumabas na si Odette sa kotse ni Josh at sabay sila lumakad hanggang sa pintuan ng bahay nila Josh.
"Odette! Ikaw na mag doorbell!" sabi ni Josh.
Ganun? Walang susi!? Bahay mo ba talaga to o hindi? Yung totoo!?
"Ano ka? Chixx? Dinala mo ko sa bahay mo tapos magdo-doorbell tayo? Wala kang key!? Nakakaloka ka ah." inis na sabi ni Odette.
"Fine, bubuksan ko na. Ito na ang mahiwagang key sa bahay." sabi ni Josh sarcastically.
Binuksan na ni Josh ang pinto. Saktong sakto naman na nakita sila ng nanay at kapatid ni Josh.
"Odette! Long time no see! Namiss ka namin dito!"
Namiss nga ako! Hahaha!
"Hello po tita! nakangiting sabi ni Odette.
"Halika na, pasok ka na sa bahay." sabi ng nanay ni Josh.
"Hi ate Odette!" bati ng batang kapatid ni Josh. Si Ciel.
"Hi Ciel! Musta na? Mabait ka ba?" tanong ni Odette.
"Opo ate Odette. Ate namiss kita, wala akong kalaro dito eh." malungkot na sabi ni Ciel.
"Ha? Bakit naman? Nandito naman si kuya Josh mo ah?" sabay turo kay Josh.
"Matanda na daw po kasi siya sabi niya sakin." sibi ni Ciel habang naka pout.
Hala ka!? Matanda!? Senior citizen ampeg? Hahahaha!
"Senior citizen ba?" tanong ni Odette kay Ciel.
Napuno ng hagalakhak ang sala nila Josh, habang si Josh naman pinapagalitan si Ciel na tawa ng tawa.
"Hoy Ciel! Ano pinagsasabi mo kay Odette!? Anong matanda ka diyan!? Oo matanda ako pero hindi senior citizen! Young adult! Hindi senior citizen!" inis na sabi ni Josh.
Wow sosyal si Josh! Young adult ang lolo mo! San ka pa!? Bwahahahaha!
Habang galit na galit si Josh, si Odette at si Ciel naman ay tawa ng tawa.
"Hahahahaha! Josh kalma lang, bata lang yan! Pinapatulan mo pa! Hahaha!" walang tigil na tawa ni Odette.
"Okay!" sabay walkout ni Josh.
Taraaaaay! May walkout walkout pa siyang nalalaman! Bwahahahaha!
Umakyat si Josh sa kwarto niya at sinara yung pinto na padabog.
"Halaaaaa! Lagoooot kaaaa! Galit na si kuya ate Odette! Ikaw kasi eh." sisi ni Ciel kay Odette.
Wow ako pa ah!? Wilab lang?
"Luuuuh!? Bakit ako? Ikaw nanguna diyan eh!" sumbat ni Odette.
-End of Chapter-
BINABASA MO ANG
You and Me Best friends Forever
Ficțiune adolescențiPlease read my story!! :D pafollow na din po, follow ko din po kayo ASAP :D ^_^