CHAPTER 14 Josh

45 7 6
                                    

(Author's note: this chapter is dedicated to fhemmylove :D thanks sa supporta ah? I really appreciate it :D)

Buti nalang di nila ako nakita na ako yung nag tapon nung lata. Hahahahaha! Ang bad ko talaga! Bwahahaha!

"Hoy Josh! Anong iniisip mo diyan ha? Anong kalokohan nanaman yan?" Tanong ni Luke.

Loko talaga 'to oh! Mamaya may maka rinig bistado kagad ako! Nagpaplano palang ang tao eh!

"Luke ano ba!? Nag paplano palang ang tao eh!"

"Ay ganun ba? Sorry master!" Sabi ni Luke habang naka peace sign.

"Dahil diyan, kasabwat ka na rin."

"Opo boss! Sino ba papatayin?" Nakangising tanong ni Luke.

"Gago! Kung may papatayin ikaw yun!"

"Wag naman po master! Kekelanganin niyo rin naman ako eh. Pag may nangaway sayo. Pag may bumugbog sayo. Lalong lalo na kung may naka sakit sayo lalo na sa puso." Sabi ni Luke sabay turo sa dibdib ni Josh.

"Wag ka ngang ganyan! Kumag no 'to oh!"

"Awww broken nga si master." Sabi ni Luke.

"Alam mo naman pala eh! Kainis ka ah!"

"Marami pa naman diyan master eh! Hindi lang naman siya. Katulad ko. Nandito naman ako kaya tayo nalan-- ARAY!" Sigaw ni Luke.

Binatukan ni Josh si Luke.

"May tama ka nanaman ah! Hithit ka kasi ng hithit eh! Ano ba hinihithit mo? Pahingi naman oh!"

"Ayy yun ba? Alikabok lang eh. Gusto mo rin ba?" Tanong ni Luke habang nakangisi.

"Wag na! Weak ka pala eh! Matagal na ko nag hihithit niyan eh! Makahithit na nga lang ng detergent para next level na!"

"Pwera biro tol. Musta na? Okay ka lang ba? Patayin ko na ba yung gagong yun? Ako mismo gagawa!" Pagyayabang ni Luke.

"Hindi ka nga makalapit kay Lyndien eh! Sus! Babae pa yun ha!"

"Huh? Sino yun?" Pagtanggi ni Luke.

"Sus! Palusot dot com!"

"Wala namang ganyanan tol! Alam mo naman na takot ako dun eh! Makapalo yung babaeng yun ang sakit sakit!" Angal ni Luke.

"Sus! Bahala ka na ngang kumag ka! Uwi na ko!"

"Sige! Ako din! Makikisabay lang po! Hehe!" Sabi ni Luke sabay akbay kay Josh.

"Maglakad ka ulol!"

"Awww tagtipid ka ba?" Tanong ni Luke.

"Oo bakit? Ikaw ba mag babayad sa gas ko pag sasabay ka?"

"Tagtipid din ako eh! Sige! Bye!" Paalam ni Luke.

Tignan mo 'tong gagong 'to. Nakakalito!

Umuwi na si Josh. Pagdating niya sa bahay nakasalubong niya nanay niya na may dalang mga groceries.

"Ma! Tulungan na kita diyan." Sabi ni Josh sabay kuha ng mga dala ng nanay niya.

"Ay salamat Josh." Sabi ng nanay niya at binuksan ang pinto.

"San ko 'to ilapag ma?"

"Diyan nalang sa kusina." Sagot naman ng nanay niya.

Nilapag ni Josh lahat ng dala niya at umakyat na sa kwarto niya.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi yung katawan. Puso lang naman. Ang sakit pala. Huhuhuhu! Gusto ko na mag suicide!

"Kuya Josh!? Kain na daw po sabi ni mama!" Sigaw ni Ciel.

Anong oras na ba? Parang kakarating ko lang ah?

Tinignan ni Josh ang relo niya at nakita niya na 7:48 na pala.

Ay? Bakit ganun? Parang kararating ko lang ah. Ang weird naman.

Bumaba na si Josh at pumunta sa hapagkainan nila.

"Wow! Mukhang masarap ulam natin ah!"

"Opo kuya! Uubusan po kita! Bwahahahaha!" Sabi ni Ciel.

Ngumiti na lang si Josh.

"Josh, anak, may problema ba?" Tanong ng nanay niya.

"H-ha? Wala n-na-naman nay."

Di yan obvious Josh. Sasagot ka na nga lang pautal utal pa. Tanga naman.

"Josh nanay mo ko. Kilala kita pag may tinatago o may problema kang hindi sinasabi." Sabi naman ng nanau niya.

"Ano kasi ma.... Ano kasi.... Kasi ano.... Ma ... Uhhhhmmm."

"Tungkol kay Odette noh?" Tanong ng nanay niya.

Psychic ba si mama!? Bakit di ko na mana! Magkamukha naman kami ah!?

Tumango nalang si Josh.

"May ibang nanligaw sakanya noh?" Tanong ulit ng nanay niya.

Aish! Bakit ang dami tinatanong ni mama!? Bakit konektado lahat ng tanong niya!? Psychic talaga siya!?

"Alam mo anak wag ka suko. Nililigawan palang naman eh. Pwede mo rin namang ligawan." Sabi ng nanay ni Josh.

"Ma talagang gusto ko itanong sayo 'to eh."

"Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ng nanay niya.

"Psychic ka ba?"

Binatukan si Josh ng nanay niya.

"Aray naman nay!"

"Ano ba IQ mo ha!?" Sigaw ng nanay niya.

"Below--- above average po! Oo tama! Above average nga."

"Ay basta! Ipaglaban mo si Odette! Boto ako sakanya." Nakangiting sabi ng nanay niya.

Kumain silang tatlo at peace.

Tama si mama. Ipaglalaban ko si Odette.

~End of Chapter~

Sorry sa lame, short & late UD! ^_^V busy sa school eh! XD abang-abang nalang uli ah? XD thanks sa support! And always remember! Vote, share and comment! :D

You and Me Best friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon