CHAPTER 8 Josh

40 8 0
                                    

Nasa bahay ako ng mahal ko. Dapat maayos ako. Dapat magalang ako kay lola. Dapat.... Dapat perfect.

"Oh Josh ito na ang juice at cake mo. Si Odette nag bake niyan." naka ngiting sabi ni lola.

Waaaaah! Si Odette nag bake nito! Kelangan makain ko ito. Gawa ata ng mahal ko tong cake na toh!

"Ah lola, ako na po magluluto mamayang gabi mag pahinga nalang po kayo." sabi ni Odette.

Ang bait talaga ng mahal ko. Ang sarap pa ng mga luto niya! Pede ko na asawahin! De joke lang yun syempre. Hehehe.

"Josh! Okay ba yung cake ko? Approve ba?"

"Oo naman!

"Gusto mo pa?"

"Opo ma'am!"

"Sige sige. Wait lang."

Pumunta si Odette sa kusina at may dalang isang medium size na box.

"Oh Josh! Dalhin mo to. Para sila Tita at Ciel maka kain din ng cake."

"Ahh sige sige. Salamat sa cake!"

"Sus! Yan lang!"

"Ah sige Odette uwi na ko. Hinahanap na ata ako ni mama. Bigla kasi ako umalis nung pag text mo eh."

"Sige. Bye Bye!"

"Bye!'

Umalis na si Josh sa bahay ni Odette at umuwi na.

"Ma!"

"Nako! Bata ka! Saan saan ka pumupunta!"

"Sorry po. Nag text po kasi si Odette na sunduin ko daw siya sa school."

"Ha? Bakit naman? Pumasok siya? Wala namang pasok ngayon ah?"

"Lutang po si Odette ngayong araw."

"Hahaha siguro nga."

"Ah! Oo nga pala ma, pinapabigay ni Odette. Cake yan ma! Ang sarap! Si Odette nag bake."

"Sige sige mamaya kainin natin nila Ciel."

"Osige ma. Matutulog nalang ulit ako, antok pa ako eh."

"Sige lang anak."

Umakyat si Josh sa kwarto niya. Pag pasok niya ay bigla niya naalala yung nangyari sakanila ni Odette. Mayamaya naman ay nag blush siya.

Josh! Tantanan mo yang iniisip moooo!

Nag bihis na si Josh ng pang bahay at natulog. Pag gising niya ay 3:06 na. Nagmadali na siya pababa dahil baka inubusan siya ng cake ni Ciel.

Halaaaa! Yung caaaaake!

Pagdating niya sa dining area ay nakita niya na last slice nalang ng cake ang nasa plate at kukunin ni Ciel. Tumingin si Ciel sa kaliwa at kanan at may balak siya na kainin yung cake.

"Hep! Hep! Hep! Cieeeeeel! Wag mo kainin yaaaan!"

"Bleeeeeh~ akin na toh!" akmang kukunin na ni Ciel.

"Ciel! Kay kuya Josh mo yan!" sermon ng nanay nila.

"Opo mama."

"Ayan... Aagawin mo pa kasi eh."

"Ewan ko sayo kuyaaa! Susumbong kita kay ate Odette!"

Tumakbo si Ciel papuntang telepono habang umiiyak.

*RIIIIIIING*

*RIIIIIIING*

"Hello?"

"Ate Odette?"

"Oh? Ciel? Napatawag ka?"

"Ate, napagalitan ako ni mama kasi kakainin ko yung last slice ng cake para kay kuya."

"Oh? Bakit mo naman kasi kakainin eh para sa kuya mo yun?"

"Ang sarap eh. *sob*"

"Ganun ba? Osige ganito nalang. Punta kayo ni kuya Josh mo dito tapos bake tayo. Okay ba sayo yun?"

"Talaga ate?"

"Yup!"

"Osige sige ate! Bye bye! See you tomorrow!"

"Bye!"

~End of Call~

"Kuyaaaaa!"

"Ano?"

"Punta daw tayo bukas kila ate Odette."

"Bakit daw?"

"Sinumbong kita kay ate Odette."

"Bakit!?"

"Gagawa daw tayo ng cake para sakin lang bleeeh~"

"Okay! Bleeh~"

Sinumbong ako ni Cieeeeeel! Waaaah! Ano kaya sabi ni Ciel!? Patay!

Lumipas ang oras. 9:16 PM na at kelangan maaga sila bukas. Natulog na sila para magising ng maaga.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan ay nauna si Ciel magising at umakyat siya para gising si Josh.

"Kuyaaaaaa! Gisiiiiiiing naaaaaa!"

"Ano ba Odette.... Ang ganda mo kaya."

"Huh?"

"Oo promise maganda ka. Hehehe."

"Si kuya nag sasalita habang natutulog. Ayun! Yung phone niya!"

Vinideohan ni Ciel si Josh na nag sasalita habang tulog.

"Hehehe. Papakita ko to kay ate Odette. Bwahahahahaha."

Pagkatapos ni Ciel videohan si Josh ay binalik niya ang phone at ginising na niya si Josh. Naghanda si Josh then umalis na sila.

~Ding Dong~

"Oy! Halika na kayo. Pasok na!" bati ni Odette.

"Hi ate Odette!"

"Hello"

"Tara! Bake na tayo!"

"Wait lang ate may ipapakita ako. Kuyaaa! Paheram ng phone mo."

Binigay ni Josh yung phone niya. Pinakita ni Ciel yung video at nagulat si Odette at si Josh.

~End of Chapter~

thanks for reading guys! :) please vote for my story if it's deserving :) and share it if it's okay with you :) :* comment if you want to be an extra character! Wanna chat? Sure! Why not? ^_^

You and Me Best friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon