Chapter 2

153 6 0
                                    

Sisters




"Rouche?" Tanong ng lalaking nasa harapan ko. Naagaw kasi ang atensyon ko ng lalaking kakapasok lang dito sa bar at nagtungo sa table na hindi kalayuan sa table namin. Nag apir pa ito sa mga taong nakaupo doon at naupo na rin siya.

Si Rouche kaya iyon? Kamukha niya kasi. Hays. Kahit na malabo mata ko, malinaw na malinaw sa akin na siya iyon. Pero ano naman ginagawa niya doon?

Sabagay, hindi naman impossible na mag-krus ang landas namin. Ilang years na ba ang nakakaraan noong huli kaming nagkita?

Pero bakit ngayon pa?

After ng break up namin noon ni Rouche, wala na akong nasagap na balita sa kanya. I bet na masaya na siya ngayon sa family niya. As far as I know, nakabuntis siya. At ang nabuntis niya ay yung pinsan ko na si Samantha. Kakainis no? Dati hindi naman ako nagdududa sa kanilang dalawa. Pero ayun na nga ang nangyari. Inaahas na pala ng pinsan ko boyfriend ko, I mean Ex-boyfriend. At nagbunga pa nga ang kataksilan nila sa akin.

Well, matagal na yun.

Let's move on.

"Hey.." Sabi ng lalaking nasa harapan ko. Oo nga pala, may lalaki pala sa harapan ko. Tinignan nito kung saan ako nakatingin.

"I'm sorry. Who are you again?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Next time, I'll introduce myself to you." I saw him smile and after that, tumayo na ito at umalis na sa harap ko.

Sino ba yun?

Pagka-gising ko, naalala ko agad yung nangyari kagabi. Hindi na ako uminom after that dahil ako ang maghahatid sa mga kasama ko. Hindi ko pwede ikatiwala ang mga kaibigan ko kung kani-kanino except kay Georgette at Marune. Nakita ko kagabi kung paano agawin ni Doc Sage doon sa lalaking kasayaw niya si Georgette. Akala ko pa naman ay may magsusuntukan na naman sa dance floor. I know Doc Sage since siya ang naging doktor ng kaibigan namin. And I know that there is something between them kaya hinayaan ko na.  Tinawagan ko rin ang pinsan kong si Reon upang sunduin si Marune. I know may LQ sila kaya atat din uminom kagabi si Marune. Hindi ko alam kung ano ang real score sakanila  but I hope na sila ang magkatuluyan.

Kaya ang ending, si Ivy lang ang naihatid ko sa condo niya. Actually dito na rin ako nakitulog.

Bumangon na rin naman ako dahil alas syete na. Nagtungo ako ng kusina ay nagluto ng breakfast at kumain. Mamaya pa yan magigising si Ivy kaya nag iwan na lang ako ng note bago umalis.

Siyempre tinirahan ko siya ng pagkain. Baka sabihin nun, wala akong respeto sa may ari ng bahay.

**

Dumaan muna ako ng grocery dahil naalala ko na paubos na pala ang stock ko sa ref. Kumuha ako ng cart at nagsimulang magdampot ng kung ano ang makita ko.

Nagtungo ako sa may sanitary section. Hinanap ko yung brand ng napkin na madalas kong binibili.

Sisters dry with wings night use.

At dahil kapos ako sa height, lumingon muna ako sa paligid. Wala akong makitang matangkad na tao na pwedeng tumulong sakin na mag abot ng napkin.

Nasaan kaya mga sales man dito?

Potek. Bakit kasi nasa mataas yan nakalagay? No choice kundi pinilit kong abutin iyon.

Pinipilit kong abutin iyong napkin na kanina ko pa inaabot nang may isang kamay ang umabot sa napkin at binigay ito sa akin. Hindi ko man lang namalayan na may tao na pala sa gilid ko. Ganoon ba ako ka-busy sa pag aabot ng napkin? Humarap ako sa taong nasa tabi ko at laking gulat ko lang dahil si Sir Alex iyon! Binigyan niya ko ng isang nakakatunaw na ngiti.

Sir Alex naman..

"Isa lang ba kailangan mo?" Tanong niya.

"Dalawa pa po Sir.." Sabi ko naman sakanya na nahihiya. Kumuha naman ito ng dalawang pack at ibibigay sa akin.

"Thank you and sorry po Sir Alex.." Nahihiya kong sabi. Kahit naman sino siguro mahihiya kapag kaibigan ng boss mo ang nag abot ng napkin sayo.

Hays...ang pogi talaga ni Sir Alex..

Oo pogi naman talaga si Sir Alex, but it doesn't mean na crush ko na siya. Marunong lang ako mag appreciate ng nature. Parang si James Reid, gwapo pero hindi ko crush.

Kaibigan nga pala siya ng boss ko slash friend na si Gy. Sa pagkaka-alam ko, sila dapat yung engaged kaso hanggang friends lang daw talaga tingin ni Gy kay Sir Alex. Ewan ko lang kay Sir Alex kung kaibigan din ang tingin niya dun. Palagi kasi yun bumibisita doon sa shop. Minsan siya pa yung nagsusundo kay Gy. Parang manliligaw ampeg pero nilinaw naman ni Gy sa amin na mga friends niya na hindi siya nito nililigawan. May gusto daw itong diskartehan na kakilala niya kaya palagi itong nasa shop, at gustong magpatulong.

"Ipakilala mo ko Gy!! Bet ko yun si Fafa Alex!" Sabi ni Ivy na kinikilig.

Haha. Biglang sumagap sa memory ko yung sinabi ni Ivy. Kahit ano naman eh type nun. Ganun talaga kapag malapit na mag 30 yung edad. Kahit sino na lang na available ay papatusin niya na.

Sino kayang kakilala ni Gy ang hindi namin kilala? I mean, kilala namin ang lahat ng friends ni Gy. But who knows, ilang years din namin siyang hindi nakita o nakasama kaya malamang, may mga nakilala na din itong bagong kaibigan.

Para sa hindi nakaka-alam, si Sir Alex ang successor ng AI, Corp., isa sa mga kompanya na kilala pagdating sa insurances dito sa Pilipinas. At ang grocery na ito, pagmamay-ari naman ng fiance ngayon ni Gy.

Mga big time no?

"Sorry for what?"

"Naistorbo ko po yata kayo.." Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"No worries. Sanay din naman ako tumulong sa mga babaeng kinapos sa height." Huh? Napa-blink ako dahil sa narinig. Seryoso ba yung narinig ko?

Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya sa harapan ko.

Tangina? Ano sabi niya???

Kinapos sa height?!

Masyado naman yatang personal iyon Sir Alex!

**

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon