Chapter 7

116 6 0
                                    

Mission Failed





"Magie!" Pangalawang tawag niya sa akin. No choice kaya napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang taong papalapit sa akin.

"S-si Rouche ba yan?!" Pabulong na tanong ni Georgette. Maging siya ay nabigla din.

He changed a lot kung physical ang pag-uusapan. He became the rugged looking guy. Malayo ang itsura niya ngayon sa itsura niya noon na malinis sa mukha. I mean, palagi siya nag aahit noon ng kanyang bigote at balbas. Pero ngayon, parang wala na siyang time para gawin iyon. Naka-pusod rin ang kanyang kulot na buhok. Pati pala pagpapa-hair cut ay wala din siyang oras. Lumaki din ang katawan niya. Parang nag gigym siya base sa physical built niya.

"Magie..Ikaw nga.. Kamusta?" Tanong niya sa akin. Kung makapag-kamusta siya ay parang nagagalak siyang makitang muli ang long lost friend niya na ngayon niya lang nakita. Ganun ang pinapakita ng expression niya. Parang hindi siya makapaniwala sa itsura ko ngayon dahil sa mga mapanuring tingin niya na more on namamanga.

Huh! Ako nga pala si Magie, ang babaeng sinayang mo.

Char.

"Okay naman. Ikaw?" Buong tapang na sagot ko sa kanya. Alam ko naman na darating ang araw na magtatagpo ulit ang landas namin. At sinigurado ko sa sarili ko na kapag dumating ang araw na iyon, ay buong tapang ko siyang haharapin, yung wala ng sakit sa puso ko. Na naka move on na ko.

Sinusuri ko ang aking sarili, tinatantya kung ano man ang sinasabi ng aking puso.

Wala akong maramdaman. Kahit yung pain at hatred, hindi ko na makapa sa puso ko. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko ngayon. Ni hindi na ko kinakabahan.

Naka-move on na ba talaga ako? Kung gayon, masaya ako para sa sarili ko.

"O-okay naman." Pagkasabi niya ay tumingin naman siya sa kasama ko.

"Georgette? Long time no see." Sabi nito sa kasama ko. Sinulyapan ko ang reaction ng kasama ko. Umismid ito ng patago at tumango na lamang ito.

Tinanong niya pa kami kung kumain na daw kami. Yayayain niya pa yata kami kumain pero sinabi namin na kakatapos lang. Sabi ko naman na uuwi na kami at hindi niya naman kami pinigilan. Hinatid niya lang kami sa labas hanggang sa tuluyan na kaming umalis.

"Kamusta puso mo?" Agap na tanong sa akin ni Georgette. Concern siguro siya dahil sa nangyari. Actually, wala na iyon sa akin. He's part of my past. I learned a lot at hindi ko pagsisisihan na nakilala at naging parte siya ng buhay ko.

"Okay naman." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ka ba nasaktan man lang? Or nakaramdam ng hurt nung makita mo siya?" Tanong naman niya. Alam ng barkada kung ano ang kwento namin ni Rouche dahil nasaksihan nila iyon. Pero ano akala nila sakin, hindi marunong mag move on?

"Wala. Tsaka past is past. Siguro kung makikipag-kaibigan siya sa akin ay okay lang. Tutal, matagal na panahon na natapos yung love story namin. Haha. At masaya ako dahil masaya na rin siya sa piling ng pinsan ko." Which is true. Walang halong kaplastikan. Ako kasi yung klase ng tao na forgive and forget. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na nagtatanim ng sama ng loob sa taong nakasakit sa kanila. I'm still open for friendship. Pero kung makikipagbalikan, ibang usapan na yan. At tsaka after Rouche, may naging boyfriends din naman ako. Si Rouche nga lang yung first love ko.

Hindi naman posible na maging kaibigan ang mga ex. Nasa tao na din kasi yan. Meron din iba na hindi kaya. Honestly speaking, friends ko pa sa fb yung mga ex ko. Minsan nakakasalubong pa sa mall, kasama mga girlfriends nila, binabati pa sila. Kapag may okasyon like reunion sa school, nakakausap ko naman sila. Hindi ako nao-awkward. Oo naging bitter ako ng ilang weeks pero sympre naka-move on din naman ako agad. You cannot avoid pain but suffering is a choice. And it will depend on you if you're going to endure the pain or just let it go and move on. Life must go on, hindi magtatapos ang buhay mo dahil lang sa nasaktan ka. Okay lang maging bitter pansamantala pero dapat pagkatapos niyan, muli mo ibangon ang sarili mo mula sa pagkakahulog at magsimulang muli.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon