Chapter 10

122 6 0
                                    

Dinner




Monday.

Wag niyo na ko tanungin kung ano nangyari nung Saturday at Sunday dahil ayoko na alalahanin. Pagkatapos mag breakfast nung dalawa sa condo ay umalis na sila. After nun ay natulog ako. I mean, pinilit kong matulog.

Kung kayo nasa sitwasyon ko, sa tingin niyo makakatulog pa kayo?

"Maam? Anyare po sa mga mata niyo?" Pag uusisa sa akin ni Remi. Tinignan niya pang mabuti na parang sinusuri niya ang bawat sulok ng mga mata ko. Hay naku Remi, kapag nagka-gusto ko na sa isang tao, magkakaroon ka rin ng eyebags dahil hindi ka papatulugin.

I shook my head and smiled at her. "Maganda kasi yung KDrama na napanood ko.." Pagdadahilan ko. Pero totoo naman na nanuod na lang ako ng KDrama. Tutal ayaw naman ako patulugin ng kaluluwa ko kaya I took the opportunity to watch KDrama. Tumango naman siya at nag excuse.

I felt relieved ng maalala ko na wala pala ngayon si Sir Alex. Makaka-focus ako ngayon sa trabaho. Pero paano na bukas? For sure nandito na yun. And I can't help myself  from thinking. What should I do? Paano ko iiwasan bukas si Sir Alex? Eh magkaharap lang office namin. Kahit anong iwas na gawin ko bukas, magkikita at magkikita parin ako. See? Dati ay isa lang ang pinuproblema ko. Ngayon, dalawa na. Argh!!

Kung maaari sana ay ayaw ko muna siya makita dahil nahihiya parin ako sa ginawa ko. Ako yung nauna na mag-kiss. Tapos sumunod naman siya. Bakit niya ba kasi ginawa yun? Pwede ko ba yun iconsider as a sign na may gusto sakin si Sir Alex? Hays.  Bakit kasi gumanti siya ng halik! Normal ba yun? Ganun ba talaga ang mga boys kapag nauuna silang halikan ng mga girls? Gumaganti with matching gigil?

Lasing din ba siya that night?

Argh!

I was about to open the door nung marinig kong bumukas yung pinto na kaharap ng office ko. Hindi ako agad nakagalaw. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino yung taong lumabas doon ay ramdam kong siya iyon, lalo na't naamoy ko ang pabango niya.

No Magie! Kunwari hindi mo siya napansin kaya buksan mo na ang pinto ng opisina mo at pumasok!

Papasok na sana ako kaso nagsalita pa siya. Napatigil ako sa paghakbang at mariing napapikit.

Kingina

"Camry?" Dahan-dahan akong humarap kay Sir Alex at ngumiti. Pota halatang-halata yata ang pagiging awkward ko towards him.

"Good morning Sir Alex." Bati ko sa kanya. Ngumiti ako. Pinilit ko maging genuine yung ngiti ko pero parang ngiwi yata ang kinalabasan.

"Good morning." Sabi nito sabay excuse at umalis na sa harapan ko.

Wooooh! Nakahinga na ko ng maluwag. Pumasok ako agad sa opisina at dali daling sinara ang pinto. Napa-sandal pa ko sa pinto at napahawak sa dibdib, dinadama ang puso na sobrang lakas na ng tibok. Pakiramdam ko ay hinabol ako ng aso sa daan. Muntik pa ko mag walling para kunwari madrama. Haha. Sympre joke lang. Di ako ganun ka-OA. Lol.

Teka, bakit nandito si Sir Alex? Diba sabi niya ay hindi siya makakapasok ngayon?!

***

Laking pasasalamat ko at 6pm na. Mabuti na lang talaga at pumayag si Georgette na samahan ako mag lunch. Niyaya na naman kasi ako kanina ni Sir Alex mag lunch! Buti at may reason ako kung bakit hindi ako makakasama sa kanya. Pero alam niyo yung feeling na parang nanghinayang ka dahil hindi mo siya nakasama?

Tss. Stop it Magie!

"Bakit kasi di mo na pinagbigyan? Edi sana nakalibre ka kaninang lunch." Pagbibiro sa akin ni Georgette. Kung hindi ko lang talaga hinalikan si Sir Alex that time, baka talaga sumama ako sa kanya kanina.

Iba na kasi ngayon. Kung noon ay pwede ko pa mapeke ang awkward moments ko kay Sir Alex, ngayon ay hindi na. Halos hindi na nga ako makatingin sa kanya kapag nanjan siya sa tabi. Palagi ako naka-yuko. Hahaha.

"Eh nahihiya nga ako." Totoo naman kasi. Gusto ko na nga pagsampal sampalin mukha ko sa kahihiyan. Dinagdagan ko lang ng stress yung sleeping soul ko.

"Edi mag sorry ka para kahit papano mawala yang kaartehan mo sa katawan mo." Sabi sa akin ni Georgette pagkatapos niya inumin yung coke.

"Paano?" Gusto ko mag sorry pero nahihiya ako. Haha. Kaninang hapon, sinusubukan ko mag sorry sa kanya kaso walang lumalabas na words sa bibig ko. Nalunok ko na yata lahat.

Sabi ko sa sarili ko, bukas na lang ako mag sosorry. Yun ang unang gagawin ko bukas pagpasok ko sa trabaho.

Naglakad lang ako pauwi. Walking distance lang kasi yung condo ko from shop. Papasok na sana ako sa building ng may biglang tumawag sakin sa lobby.

Luh? Yung boses..

"Magie?" Lumingon ako sa taong tumawag sakin.

"Rouche?" Sabi ko. Bakit nandito to? Paano niya nalaman kung nasaan ako?

Lumapit ako sa kanya. Oo nga, si Rouche nga. Haha. Ano kaya ginagawa niya dito?

"Kamusta?" Pambungad niya sa akin.

"Okay naman. Ikaw? Ano ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?" Tanong ko naman sa kanya. Baka meron siyang kaibigan na dito rin nagsistay.

"Okay naman ako. Ah o-oo, may kaibigan ako dito. Hinihintay ko lang." Sagot niya naman sa akin. Tumango na lang ako. Tumunog naman ang phone niya. Agad niya naman iyon chineck. Nag-paalam na din ako na aalis na. Nagtungo ako sa may elevator, pinindot yung key. Bumukas naman agad. Hay salamat, sana makatulog agad ako.

"Magie!" Tawag sa akin ni Rouche. Napigilan niya pa ko makapasok sa elevator, hawak hawak ang braso ko. Napataas naman ang isang kilay ko sa ginawa niya.

"Bakit?" Tanong ko. May nakalimutan ba siya? Hays. Akala ko makakapasok na ko sa elevator at makakatulog na.

"Nag dinner ka na ba?" What?

"Bakit?"

"Tinamad na yung kaibigan ko lumabas sa condo niya. Tara samahan mo ko mag dinner." Ang lapad ng ngiti ni Rouche. Namalayan ko na lang na hinila niya ko papalabas ng building at pinasakay sa kotse niya.

Kung hindi lang kumalam ang tiyan ko, hindi ako sasama sa kanya.

So hindi ako makakatulog ngayon.

Teka, nasaan ba asawa niya? Bakit ako ang niyayaya niya mag dinner?

******

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon