Chapter 17

113 6 0
                                    


Old friend



Hinanap ko ang alarm clock na kanina pa nakakairita sa sobrang ingay. Nang makapa ko iyon ay agad kong in-off at tsaka inunat ang dalawa kong braso. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto ng kwarto ko. It's already 9 in the morning. Nagpakatulala muna ako at nag isip isip ng mga bagay.


Sa dami ba namang pwedeng maisip, bakit yung kagabi pa? Buti na lang at pinilit kong makatulog kagabi. Nakatulog naman ako ng 11pm. Not bad. Atleast hindi 3am.

Hindi ako mapakali kung sino iyong babae na ka-date kagabi ni Alex at parang ang saya-saya pa niya na kausap iyon. Hindi niya man lang ako namukhaan nang magtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay nabalewala niya ako kagabi.


Nasaan na iyong Alex na sunod ng sunod sakin? Nasaan na yung Alex na kung makatingin sa akin ay akala mo'y ikaw ang natatanging napakagandang dilag sa mga mata niya.

Nasaan na iyon?

Ayan. Assuming ka na naman. Kailan ka naman niya sinunod ng Sinunod aber? Tsaka yung mga titig niya? Eh ganun lang talaga mata non. Ano ka special?



Sa totoo lang ay kumikirot hanggang ngayon ang puso ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagseselos. Worst, wala kang magawa dahil hindi mo naman kasintahan yung lalaki. Wala akong karapatan na magselos pero bakit ganito? Ayoko ng ganito eh.

Napasigaw na lang ako out of frustration. Ginulo-gulo ko pa ang buhok ko sa sobrang inis. Itatapon ko na sana yung unan sa pinto ng biglang bumukas ito.

"Magie! Ano nangyayari?" Si Georgette. Nagmadali itong lumapit sa akin at hinawi ang mga buhok na naka-takip sa mukha ko.

"Huy!" Sabi pa niya. Niyugyog niya pa ko hanggang sa nahilo na ko kaya pinigilan ko na siya dahil baka siya naman ang yugyugin ko.

"Ano ba! Nahihilo na ko. Tsk." Iritang sabi ko. Inayos ko ang sarili ko at sumandal sa headboard.

"Ano ba kasi nangyari? May magnanakaw ba?" Tinignan ko siya ng matalim.

"Magnanakaw sa umaga? Weird." Inirapan ko siya. Sa pagkaka-alam ko kasi, sa gabi lang active ang mga magnanakaw. Sa hindi ko inaasahan ay hinampas niya ang kamay niya sa balikat ko dahilan upang masubsob ako sa side table na katabi ng kama ko. Pinandilatan ko siya.


"Lakas mo girl ah? Ano yun hampas o tulak?" Sabi ko naman. Agad niya naman ako tinulungan at isinandal ulit sa headboard.

"Sorry na. Ikaw kasi bigla kang nagsisisigaw jan. Aalis na dapat ako kasi narinig kitang sumigaw. Malay ko ba na may nakapasok na rapist." Sabi naman niya. Kanina magnanakaw, ngayon naman ay rapist. Sira! Oo nga pala, nag inuman pala kami dito sa condo. Kaya siguro nakatulog ako ng maaga dahil uminom kami. Hindi nga lang karamihan yung nainom ko. Beer lang ininom namin para makatulog kami agad. Dala na rin siguro ng pagod kaya nakatulog ako agad.


"Ganun ba? Sige ingat pauwi." Sabi ko na lang. Nag-paalam na din siya na aalis na. Nagluto na daw siya ng breakfast dahil nakakahiya naman daw sa akin kung hindi niya ako paglulutuan ng breakfast na gayong naubos niya daw ang isang plastic ng Gardenia.

Buti at isang plastic lang. Kung hindi, papabilhin ko siya ng kapalit nun.

***



I'm busy watching KDrama. This is my life kapag Sunday. Tanging panood ng KDrama ang pinagkaka-abalahan ko. Malapit na sana mag kiss yung dalawang bida ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tsk. Wrong timing. Someone's calling. Inabot ko ang cellphone na nasa nakalagay sa center table.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon