Chapter 22

118 4 0
                                    

A/N: Hi Guys! Balik na tayo sa POV ni Magie. Hehe.

Moment


"Huy Magie gumising ka na! Ikaw na lang hinihintay oh." Napamulat ako ng isang mata ng marinig ko ang pangalan ko. Pamilyar ang boses na iyon. Sandali kong inumulat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin. Napagtanto kong hindi ko ito kwarto. Mabuti at naalala ko agad na nandito kami sa bahay nina Gy.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa taong nasa gilid ng kama. Si Ivy iyon. Napahikab pa ako dahil sa antok. Anong oras ba kami nakatulog kagabi?

"Alas otso na ate kaya bumangon ka na jan at sabay sabay na tayo mag breakfast." Sabi pa nito. Hinila niya ang dalawang kamay ko upang mapaupo ako. Ba yan! Alas otso pa naman eh. Gusto ko pa matulog kahit isang oras lang. Nang binitawan na niya ang kamay ko, humiga muli ako at nagpikit mata. Mamayang hapon pa naman ang kasal.

"Anak ng! Hoy Magie ano ka ba. Mamaya dadating na yung mag aayos sa satin! Kaya dapat after breakfast ay maliligo na tayo. Madaming mimake-up'an dito kaya bumangon ka na jan!" Naiimbyernang sabi ni Ivy. Natawa na lang ako sa loob ko. Bakit, isa lang ba ang kinuha nilang make up artist? I don't think so. I'm sure they will hire move than two make up artist para hindi masayang ang oras.

Nagkunwari akong humihilik at ang sunod na nangyari ay nakatanggap ako ng hampas sa braso ko. Napabalikwas ako sa sakit. Grabe parang kamay lang ni Georgette, parang bakal sa bigat.

"Ouch. Oo na babangon na." Iyon na lamang ang nasabi ko at nagsimulang iistretch ang mga braso ko bago bumangon.

***

Alas dos na ng hapon ng matapos ang preparation. Kanina pa nga ako naaasiwa dito sa suot kong off shoulder na gown. Basta kita ang balikat. Hindi ako masyadong mahilig magdescribe ng damit dahil hindi ko naman ugali ang ganoon. Iisa lang din ang kulay ng gown naming mga abay, which is silver gray. Iba iba nga lang ang style ng gown namin. Sa akin ang off shoulder.

Pinauna na nila kami sa simbahan upang maicheck daw kung nasa simbahan na din ang ibang bisita at para makapag-handa na rin.

"Ang init naman dito. Doon tayo sa lilim." Pag-aaya sa akin ni Georgette. Sumama naman ako dahil ang init nga naman. Mabuti na lang at may puno na malapit lang sa may entrance. If ever na hanapin kami ay makikita agad nila kami.

Hindi namin alam na sumunod pala sina Ivy at Marune. Naiinitan din siguro. Bakit kasi sarado pa ang simbahan, gayong dumadami na ang dumarating na bisita.

Maya-maya ay bumukas na ang simbahan. Nagsipasukan din yung ibang imbitado. Pero kami, kailangan pa namin mag hintay ng signal kung kailan kami rarampa sa aisle ng  simbahan.

Habang nagkukwentuhan kaming apat ay siya namang pagdating ng puting van. Nagsibabaan ang mga sakay nito. Kahit malayo ay kitang-kita at kilalang-kilala ko ang isa sa mga lalaki doon.

"The Abuevos.." mahinang sambit ni Georgette sa tabi ko. Kanina pa siya doon nakatingin na para bang may hinahanap.

"Uyyy, may hinahanap.." mahina at pabirong sabi ko kay Georgette. Kunot-noo itong tumingin sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

"Wala akong hinahanap." Malamig na sagot nito at muling natahimik.

"Ang gugwapo naman nila! Kaso nasaan yung doctor?" Pag uusisa ni Ivy na kanina pa humahaba ang leeg sa kakahanap sa lalaking tinutukoy niya. Tinignan ko naman si Georgette na parang ang lalim ng iniisip.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"O-oo naman. Grabe ang init. Wala pa ba yung sasakyan nina Gy?" Pag iiba niya ng topic. Pinaypay nito ang sarili gamit ang kanyang kamay. Ramdam ko ang kaba niya. I can sense na alam niya kung saang bagay ako concern. Hindi naman imposibleng mangyari ang bagay na ayaw niyang mangyari. But that's life. Nasa iisang circle of friends lang kami at hindi niya talaga maiiwasang hindi mag-krus ang landas nila ng pinagtataguan niya.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon