Epilogue

220 8 2
                                    


Epilogue

Zach's POV

Hindi ko akalain na may mas babaduy pa pala kay Saff, iyon ay si Alex. Hindi ko mailarawan ang kanyang mukha habang nagtatapat ito ng damdamin sa harapan ni Magie. Lahat kami ay nakikinig sa mga salitang binibitawan nito.

Naaalala ko pa noon kung gaano ka-pogi itong si Alex kapag nag iinuman kaming magpipinsan sa isang bar na siya mismo ang nag suggest.

That bar seems familiar. I knew it. Sa bar na iyon nagsimula ang lahat limang taon na ang nakararaan. Hindi ko lang napansin agad dahil medyo umiba na ang istilo at interior design nito.

Sinundan ko ng tingin itong si Alex at napagtantong may nilapitan itong babae mula sa kabilang table. At last, for the first time ay nilapitan niya na ang chikababe na hinahabol-habol niya. Hinanap rin ng paningin ko ang nawawala kong pinsan na si Sage. Tumingin ako sa dance floor at doon ko iyon nakita na parang may hinahanap. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil sa kabaliwang ginagawa ng mga pinsan ko. Naiwan akong kasama sina Sech at Erisse na  halatang nakarami na din ng inom. Hinayaan ko na lamang silang magkwentuhan tungkol sa isang lalaki na kinaiinisan nila.

Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Pagkatapos niya akong angkinin ng gabing iyon, nilayasan lang ako.

Angkinin? Seryoso ka ba jan Zach? Bigla naman akong natawa sa sarili ko ng sumagi iyon sa aking utak. Nilagok ko ang isang shot ng iniinom ko at inalala ang babaeng hindi ko na malala ang mukha. Ang natatandaan ko lamang ay meron itong nunal sa may leeg nito at sa kanyang dibdib.

Enough Zach. Hindi mo na makikita ang babaeng iyon.

"Yes, I will marry you Alexander Louise Abuevo." Iyon ang huling narinig ko bago nagpalakpakan ang mga bisitang nakasaksi ng gabing ito. I'm happy for my cousin. Finally, naging matagumpay din ang kanyang special birthday gift sa kanyang iniirog.

Sa sobrang saya ng pinsan ko, sumagi ulit sa isipan ko ang pangyayari noong opening ng hotel and resorts branch nina Magie sa Albay. Tinawagan ko ang aking pinsan dahil hindi ko makita si Magie sa party. Bigla kasi itong nawala sa table namin.

"Hello bro, nakita mo ba ang date ko?" Casual na sabi ko. Ang aking agenda sa gabing iyon ay pagselosin ang pinsan ko kaya't pumayag ako sa alok sa akin ng aking ina na maging date si Magie sa gabing iyon. Napag-alaman kong magkumare pala sina Mama at ang ina ni Magie. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang mapagtanto nito ang tunay na saloobin nito kay Magie. Hindi ko man sabihin ay halata naman sa kanya na kanina niya pa ako tinitignan ng matalim sa tuwing kasama ko si Magie.

"Hello babe.." sagot nito mula sa kabilang linya. What the fuck? Tinignan kong muli ang aking cellphone dahil baka mali ang na-dial ko. Pero hindi, numero at pangalan ni Alex ang nakikita ko sa screen.

"What the fuck bro! I'm not you're babe! Nakita mo ba si Magie? Miss ko na kasi siya." Pang aasar ko sa kanya. Ngayon pa lang ay nailalarawan ko na ang asar na mukha ng pinsan. Ngunit parang mali ako.

"Yes babe... May kausap lang ako. I'll be there in a minute.." may lambing sa boses nito. Parang gusto kong sumuka dahil sa narinig. Nakakapanindig balahibo ang kagaguhan ng lalaking to.

"Tangina mo Alex kadiri ka. Wala yata ako makukuhang impormasyon sayo. Hahanapin ko na lang si Magie ng mag isa!" Huling sabi ko. I heard him chuckled on the other line. Binaba ko na ang tawag dahil wala naman siyang kwentang kausap. Wag ka magpapakita sa akin Alex, bibigwasan kita. Kung ano man ang trip mo, masyadong nakakadiri.

It makes me wonder kung bakit iyon ang mga sinasambit ni Alex. Hindi kaya'y may chikababe na humarang sa kanya na hindi niya type at sadyang pinaparinig niya dito ang pinagsasasabi niya?

Napailing na lamang ako dahil naalala ko na palagi niya pala iyon ginagawa kapag may babae na gusto niyang dispatsahin.

"Hey Zach, kanina pa tumutunog phone mo. May balak ka bang sagutin yan?" Nagulat ako ng may kung anong bagay na itinapon sa akin si Sage na agad ko naman nasalo.

Isang kendi.

"Aanhin ko to?" Sabi ko ng may pagtataka.

"Kainin mo. Kanina ka pa lutang. Yung cellphone mo ang ingay." Sabi naman ni Sech habang kumakain ito ng Leche flan. Nauna na palang umuwi ang parents ni Alex at maging ang parents nina Magie at pumasok na rin sa bahay nila. Nagpaiwan kami dito upang i-extend ang celebration ng kakaengage lang na couple na ngayon ay busy sa pag aasikaso sa mga kaibigan at mga pinsan nito.

"Excuse me." Paalam ko sa kanila bago tumayo sa kinauupuan at hunanap ng magandang signal upang tawagan ang aking sekretarya na kanina pa tumatawag. It must be important.

"Hello?"

"Hello sir! Salamat po at tumawag kayo." Sabi nito na para bang nahihirapan.

"What's wrong?"

"Sir, hindi na po muna ako makakapasok sa trabaho. Manganganak na po ako ---aaah!!" What the? Manganganak na pala siya, bakit ako ang tinawagan niya?

"Are you okay? Where are you?"

"Nasa ospital na po kami sir ng asawa ko. Maglileave po muna ako sir kahit dalawa o tatlong buwan lang." Sabi pa nito na naghahabol ng kanyang hininga.

"O-okay okay. Pumasok ka na lang kapag kaya mo na." Maging ako ay nataranta din.

"S-salamat sir! Sir, hanap na muna po kayo ng temporary secretary niyo po. Nag aalala po ako dahil marami po kayong schedule next week. Wala po mag aasikaso at maglalakad ng mga papeles." Sabi pa nito.
Kung ano man ang nagustuhan ko sa sekretarya ko, ito ay ang pagiging maasikaso nito. She is more like an older sister to me. Not to mention that she's my cousin too, sa mother side. Bata pa lang kami ay malapit na kami sa isa't isa lalo na't wala akong kapatid na babae. Hindi ko naranasan ang magkaroon ng ate kaya lubos akong natutuwa dahil sa katauhan ni Ate Czarina ay nakahanap ako ng taong pwede kong pagsabihan ng problema, lalo na sa babae.

"Wag mo na isipin iyon ate. Relax ka lang. Ako na bahala sa schedule ko. I can do it. Ako pa ba?" Pagyayabang ko sa aking pinsan na manganganak na. Ngunit ang totoo, mukhang dodoble ang sakit sa ulo ko dahil sa marami akong aasikasuhin.

"Sige salamat! Nga pala, nakahanap na ko ng temporary secretary mo. Just check your email para makita mo resumé niya. Okay? Ah! Ang sakit! O siya babye na!" Pagmamadali nito na siyang pagkawala niya sa linya.

Bumalik ako sa aming mesa at pinagpatuloy ang pakikipag asaran sa mga pinsan kong mga lasing na.

Bukas ko na lang siguro tignan ang sinend sa akin na email ni Ate Czarina. Good thing, hindi na ako mahihirapang maghanap ng temporary secretary.

******

A/N: Hello guys! Gusto ko lang po magpasalamat sa mga sumubaybay at naghintay (kung meron man. Haha) sa kwento nina Magie at Alex. Grabe mas nauna ko pa itong natapos kaysa sa Chasing Memories. Haha. Don't worry, isusunod ko na po iyon as soon as possible.

Alex and Magie are now signing off.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon