Chapter 19

108 6 0
                                    


Cold treatment





Pagkatapos makausap ni Alex ang Head Engineer at ibang staff doon ay umalis na rin kami. Kung ano man ang pinag-usapan nila ay hindi ko alam. Nagpaiwan na lang kasi ako doon sa may tent na parang silungan na ginawa nila. Dalawang tent iyon. Ang isa ay para sa staff at ang isa ay para sa mga boss. Nag stay ako doon sa tent ng mga staff. Akala nga nila ay architect ako. Nang sinabi ko na kasama ko si Alex ay parang naging aloof na sila sa akin. I don't mind though.

Bago man kami umalis ay naglunch muna kami kasabay sina Erisse. Pansin ko din na parang naaasiwa siya sa presence nung Head Engineer kanina.

"You must be the wife of Mr. Abuevo?" Sabi ng lalaki sa likuran ko. Agad ko naman hinarap iyon dahil bukod sa akin ay ako lang ang nandito sa tent na nakaupo sa gilid at nagmamasid-masid.

"Hi. I'm Engr. Janiola." Pakilala ng lalaki. He extend his hand na siya naman na inabot ko.

"I'm Magie."

"Magie...Abuevo?" Usisa niya. Sounds good pero hindi iyon ang apelyido ko.

"Altamirano." Sagot ko naman sa kanya. Napataas naman ang isang kilay nito, parang may tinitimbang na kung ano.

"Hindi ako asawa ng Client mo." Casual na sagot ko na siya namang pagtawa niya. Anong nakakatawa doon?

"Mr. Abuevo must do something." Sabi pa niya. Napailing na lang ito. Maya-maya ay may dumating na isa pang lalaki sa amin.

"Hey Mag!" Tawag sa akin ng bagong dating na lalaki. Nagulat ako ng makita si Reon.

"Reon!"

"Di nga ako nagkamali. Kamusta na pinsan?"

"Mag-pinsan kayo Architect Lopez?" Tanong ni Engr. Janiola na parang na-surprise siya.

"Yes Engr. Janiola. 1st cousin."

"Di mo sinabi na may maganda ka pala na pinsan." Pagbibiro ng Enhinyero. Mula sa malapit sa may narinig akong tumikhim. Napaayos ng tayo ang dalawa at ako naman ay napalingon sa likod ko.

"Mr. Abuevo." Sambit ni Engr. Janiola.

"Engr. Janiola, hinahanap ka ni Erisse." Seryosong sabi ni Alex. Anong meron at parang napaka-seryoso niya yata ngayon..



Hanggang ngayon ay hindi parin kumikibo itong nasa harapan ko. Nandito kami ngayon sa isang fast food chain at kumakain. Nagutom daw siya bigla kaya naisipan niyang kumain muna.

Nakakapagtaka dahil ngayon lang yata kami nagkasabay na kumain na wala man lang pinag-uusapan. Kaya natapos kaming kumain na walang nagsasalita.

"Let's go." Iyon ang huling salita na narinig ko. Hindi ako mapakali kaya sinunod ko na lang siya papunta sa sasakyan, baka maiwan pa ko.

**

This is our next destination. Parang divisoria ang peg ng market nila. Since nandito na rin ako sa Baguio, bumili na ako ng mga souvenir na ipapamigay ko sa mga friends ko. Nakabili na rin kami ng regalo para sa dalawang ikakasal. Alas tres na din ng hapon. Pagkatapos namin bumili ng souvenirs ay nagyaya ng umuwi ang kasama ko dahil bibyahe pa.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon