Chapter 4

133 5 0
                                    

That bitch


Isang linggo na ang nakakaraan nung magsimulang magtrabaho si Sir Alex sa opisina ni Gy. Actually, magkatapat lang ang pinutan ng opisina namin kaya hindi naiiwasan na magkasabay kaming lalabas sa pinto ng bawat opisina namin. Kapag nangyayari iyon, nagba-bow ako sa kanya, parang yung mga ginagawa ng mga Koreans kapag nakakasalubong ang mga boss nila, pagbibigay kasi iyon ng respeto o galang sa kanila, na siya namang na-adopt ko.

"Camry, saan ang punta mo?" Natigil  ako sa pag lalakad at napapikit ng tinawag niya ako.

Sa mundong earth na to, ako lang ba ang naiilang kapag tinatawag sa pangalawang name? Like...what the hell? I already told him to call me Magie kasi iyon ang tawag sa akin dito. Pero bakit Camry siya ng Camry?!

Gusto ko na nga siya singhalan kasi ayokong tinatawag ako sa pangalan na yan. Pero hinayaan ko na lang. Kung iyong ang trip niya, edi bahala siya. Tss.

"Sa may kusina po." Sagot ko sa tanong niya. Naubusan na kasi ako ng tubig sa water despenser ko at wala pa yung water delivery kaya kukuha sana ako ng mainit ng tubig para sa kape ko. Inaantok na naman kasi ako. Bakit kasi napaka-antukin ko one of these days?

Tumango na lamang siya at nilagpasan ako.

Tangkad niya din pala. Hanggang sa may kili-kili niya lang ako. At ang amoy niya, parang tinatawag ang lahat ng mga kababaihan para sambahin siya. At ang bango niya pa!

Naalala ko tuloy yung napanood ko dati na movie. Yung 365 days yata title nun. Hindi ko sure kung iyon ang title ah? Basta may 365. Haha. Hindi ko rin kasi natapos panuorin yun dahil kamukha ni Sir Alex yung bidang lalaki. Okay lang sana na tapusin kaso imbes na si Michele Morrone yung nakikita ko, eh mukha ni Sir Alex ang umaappear sa tv screen ko! Kingina.

Ni-refer lang naman iyon sa akin ni Marune na panuorin ko daw kasi ang ganda daw ng story tsaka kahawig ko daw yung bidang babae.

Tapos... Tangina ayoko na mag imagine.

Magie, antukin ka lang, hindi manyak.

Are you lost baby girl?

Kainis. Haha.

Pabalik na sana ako sa office ko ng may narinig akong sigawan sa may shop.

"Look what you've done! Alam mo ba kung magkano ang bili ko sa blouse na to?! Mahal pa to sa isang taon mong sahod dito!" Sabi nung babaeng nakatayo sa table niya, sinisigawan ang crew namin. AAgad akong lumapit sa kinatatayua nila. Agad kong sinuri ang suot nitong blouse na may mantsa.

Tss. Wag ako girl, meron din ako niyang suot mong blouse. Iba nga lang ang kulay. Naka sale yan sa mall.

Mabuti na lang at konti pa lang ang customer dito. Narinig ko din naman ang reason ng pagsisisigaw ng babae na sa tingin ko ay kaedaran ko rin.

At hindi halatang mamahalin ang suot niyang blouse.

"Good morning Ma'am, I'm sorry for what happened. Let's proceed po to my office. Doon na lang po natin pag usapan." I tried my best para hindi ako mainis dahil sa way ng pagsasalita niya, halatang filthy rich bitch ang isang to.

"No! I want her to pay for what she did! Fire her!" Luh? Fire daw. Ikaw ang boss? Ikaw ang supervisor? Sinulyapan ko naman ang crew namin na nakayuko at halatang humihikbi.

"Doon na po natin pag usapan ma'am sa office para po maayos po natin ang problema." Pilit kong kinalma ang sarili ko dahil habang maaari, pinipigilan ko na ang nangyayaring commotion once na nagpaka-OA pa ang babaeng ito.

"I want you to fire her NOW! Or else, I'm going to slap you for being an incompetent supervisor!" She said. Potangina sa incompetent? Alam niya ba pinagsasasabi niya? Pumikit ako at nagbuntong hininga. When I opened my eyes, nakita ko ang kamay ng babae na handa na akong sampalin ng biglang may nag salita.

"What's happening here?" Boses iyon ni Sir Alex. Hindi natuloy ang pagsampal sa akin ng babae. Napalingon ako sa likod.

Naagaw niya ang atensyon ng lahat. Even this crazy bitch girl, napatulala sa kanya. Tss. Ano girl, gwapo niya diba?

Lumapit siya sa amin at nagtanong kung ano ang nangyayari.

"A-alex!" Sabi nung babae pagkatapos niyang mamesmerize sa looks ni Sir Alex. Wow, magkakilala sila?

"Leona? How are you? Kanina ka pa ba nandito?" Tanong ni Alex sa babae. So Leona pala pangalan ng babaeng to.

After that, nakumbinsi ni Sir Alex na sa opisina pag usapan ang nangyari. Napaka-eskandalosa naman kasi ng babae na yan. Akala mo siya ang may nagmamay-ari ng buong building na to!

"Sir, hindi ko po talaga sinasadya na matapon yung coffee sa blouse niya. Kasalanan ko din po sir. Hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko." Pagpapaliwanag ni Remi, isa sa mga service crew namin na nakabangga sa babaeng ito.

"See? She admitted her mistake! If I am the boss here, I won't tolerate those crews na parang kinulang sa training kung kumilos!" Pagkasabi niya nun ay napalingon siya sa akin. At ano gusto niyang palabasin? Na hindi ko tinitrain ng maayos ang mga staff namin dito?!

Umiinit na ang ulo ko pero hindi ko lang iyon pinapahalata. Samantalang itong si Sir Alex, tinitimbang parin ang pangyayari habang pinaglalaruan ang hawak nitong ballpen sa kanyang mga daliri.

Magsasalita na sana ako ng magsalita si Sir Alex.

Napapansin ko din na parang ayaw akong pagsalitain ni Sir Alex.

"Okay. We'll talk about it later." Sabi ni Sir Alex. Tumingin siya sa akin at kay Remi, sinenyasan na pwede na kami umalis sa opisina niya. Nakuha naman ng crew ang ibig nitong sabihin kaya umalis na rin ito. At ako naman, parang na magnet ang mga paa ko sa sahig. Gusto ko magsalita. Ako dapat ang nag aayos ng problemang ito dahil ako ang Supervisor dito.

Bakit ako aalis? Eh hindi pa ko nakakapagsalita?

"Camry? We'll talk about this later. I'll just talk to her first." Sabi niya at pagkatapos ay sinandal ang likod niya sa swivel chair.

Sigh. Bakit ang bilis niya kong mapasunod sa utos niya.

Eh kasi boss siya. Alangan naman na suwayin mo.

Sabagay..

Labag man sa loob ko ay lumabas na ako.

Bago man ako makalabas ng pinto, narinig ko pa ang huling sinabi ng babae.

"Babe, please fire her too."

-------------

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon