Chapter 14

110 5 0
                                    

Say my name



Pinilit kong alisin sa sistema ko ang narinig ko kanina. Tama ba yung narinig ko? Did he just said something that could make a girl not to sleep early? Char.

Pero sabi niya ay 'nothing' naman diba? Baka umaandar na naman ang pagiging assuming ko. Jusko naman Magie! Can you please stop assuming things? Nawiwili ka na masyado.

It's already quarter to six kaya inasikaso ko na ang table ko dahil uuwi na ko. Bago kasi ako umuuwi, inaayos ko muna ang table ko para hindi naman ako masabihang makalat. May pagka-oc din ako sa mga gamit ko. Gusto ko ay nakalagay ang lahat ng bagay sa dapat na paglagyan. Pati din sa condo ko, hindi ko hinahayaang nakakalat ang mga gamit ko.

Pagkalabas ko sa office ay nag-paalam na ako sa mga staff when there is someone called my name from a distance. Nilingon ko ang direksyon kung saan galing ang pagtawag sa akin.

"Rouche.." bulong ko sa sarili ko. He's here again. Pagkatapos kasi ng gabing nagka-usap kami, palagi niya na ako sinusundo dito sa shop at niyayayang magdinner. At palaging libre niya. Hindi niya ko hinahayaang mag share ng bill sa kanya. Minsan ay kumakain naman kami sa restaurant nila, kapag may gusto siyang ipatikim sa akin na bago nilang menu. Sinasabi niya na kailangan niya daw ng feedback galing sakin para maimprove yung food kung sakaling may kulang sa lasa.

I already told him na friendship lang ang maiooffer ko sa kanya. He agreed. Hindi na niya pinilit na manliligaw siya. Sinabi ko kasi na kapag manliligaw siya, iiwasan ko siya ng bonggang-bongga. Ex is an ex. Hindi ako yung tipo ng babaeng binabalikan ang ex. Pero handa akong makipag-kaibigan kung gusto nila. At saka, ayokong umasa siya dahil ayoko siyang masaktan. Kahit papaano ay naging magkaibigan din kami. Oo nasaktan ako pero noon iyon. Nakalimutan ko na yung sakit at natuto na kong magpatawad. All these years of moving on, natutunan kong kalimutan ang feelings ko for him. Ni hindi nga ako nakakaramdam ng kilig ngayon. Siguro kung sa ibang babae niya to gagawin, baka nahulog na sa kanya. Nakikita ko muli sa kanya yung Rouche na kilala ko. He's gentleman, caring, handsome, whatever you call that, just name it. Siya ang tipo ng lalaking papangarapin ng lahat ng mga babae. Kapag magkasama nga kami ay hindi magkaugaga ang mga babaeng nakatingin sa kanya at pilit na nagpapa-pansin sa kanya.

Despite of those things, gustuhin ko mang ibalik ang nararamdaman ko sa kanya noon, pero sadyang sa iba na tumitibok ang puso ko.

I sighed. Think again Magie. Are you falling for the wrong person? Nandyan na si Rouche, inaalayan ka na ng pagmamahal pero todo tanggi ka naman. Mas gusto mo pa talaga mahulog doon sa taong hindi ka sigurado kung sasaluhin ka once na mahulog ka na ng tuluyan.

Duh? Kaya nga pinipigilan kong mahulog diba?

Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin at kinuha ang shoulder bag na dala ko at binitbit iyon.

"Let's go?" Sabi niya. Ramdam kong nakatingin sa amin ang mga crews except kay Saria na walang expression ang mukhang nakatingin sa amin. She stiffened ng tapiin ni Remi ang balikat nito. Yung ibang crews ang humiyaw pa ng "yeeeeee". I shook my head at nag wave sakanila.

***

After dinner ay hinatid na ko ni Rouche dito sa building my condo. Wala yatang araw na hindi kami magkasamang mag dinner. Ang pinag-uusapan naman namin ay tungkol sa mga bahay bagay sa negosyo. He's also giving me a hint na kukunin niya ako as Head Supervisor sa restaurant nila. Agad ko naman iniiba ang topic kapag ganoon. Hindi ko pwede tanggapin ang offer niya dahil napamahal na din sa akin ang shop ni Gy, pati ang mga crews and staff doon. Sa pag-iiba ng topic ko, minsan ay napapadpad kami sa usapan mula sa nakaraan. Well, wa naman kaso sa akin iyon. It's all in the past after all. Siguro kung tulad ako ni Georgette, baka ngayon ay kinikilig na ko. Pero hindi, it feels like casual, like normal people does.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon