Chapter 1

274 6 0
                                    


Tower



Thank God its Friday! Ito talaga ang pinaka-favorite kong araw dahil bukas ay Sabado. Day off ko. Pati Sunday ay day off ko rin sa shop ni Gy. Meron naman Supervisor dito kapag day off ko so wala akong dapat alalahanin.

"Good morning Maam." Bati ko sa isang Customer. Ngumiti ito sa akin at nag good morning din. Dumiretso ito patungo sa may cashier at doon namili ng cake na bibilhin niya. May mga naka-display din kasing cake na malapit sa may cashier.

Wala naman bago sa buhay ko. Ako yung tipo ng taong 'bahay-trabaho-bahay-tulog'. At kapag ganitong Friday, ito din yung araw na tatadtarin ako ng mga kaibigan ko ng text na..

Magie ! See ya later. ;)  - Georgette

Magie ! Sunduin ka namin mamaya. Wear something sexy not boyish. Okay? ;) -Marune

Magie ! hunting tayo mamayang gabi ng pogi. Hahaha - Ivy

Napa-iling na lamang ako sa kawalan. Ganyan talaga kapag mga single ang kaibigan. Not like Gy, na malapit nang ikasal. Parang kailan lang nung sinumulan niya mag business, I think 3 years ago? So 3 years na din ako dito sa shop niya. Hindi nga ako makapaniwala dahil siya ang mauunang ikasal sa aming magbabarkada. As far as I know, siya yung babaeng happy go lucky. Siya yung babaeng walang makakapigil sa kanya sa mga bagay na gusto niyang gawin. Kinuwento niya rin sa akin kung ano nangyari after hindi matuloy ang kasal. Lahat nga kami naghintay sa wala doon sa simbahan. Well, that's her. No one can stop her.

Napangiti na lang ako sa kawalan. Buti pa siya, nahanap na niya yung taong para sa kanya.

Pumasok muna ako sa opisina ko at nagcheck ng email. Nasa probinsya parin kasi si Gy.

What if bumalik rin ako ng probinsya? Baka doon ko rin mahanap yung makakatuluyan ko.

Hahaha. Just kidding.

Nasa probinsya pala yung taong yun.

Napalingon ako sa may pinto ng may kumatok.

"Come in." Agad naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang cashier namin.

"Yes Jessa? Is there any problem?" I asked. Every time kasi na may pumapasok na crew sa office ko, it's either may problema or magpapa-assist. Parang kinakabahan siya ngunit ngumiti lang siya sakin at may ibinigay na letter.

A leave letter. Dalawang leave letter, para sa akin at para kay Gy.

In-approve'an ko ang letter niya at ngumiti sakanya. Ibibigay ko na lang kay Gy yung letter. Tutal, next month pa naman siya maglileave.

"Ilang months na ang baby sa tyan mo?" I asked her. Medyo nahihiya pa siyang ngumiti sa akin bago niya ako sagutin.

"Three months po. Magpapacheck up lang po ako kung kamusta po ang baby sa tyan ko Ma'am." I smiled at her. She's only 20 years old, at magkakababy na siya. And me? I'm 7 years older than her and yeah..still single.

Tumango na lamang ako at sinabihan siyang mag iingat palagi sa kinakain para maging safe ang panganganak niya sa kabwanan niya.

And after ilang kwentuhan, nag-paalam at lumabas na siya ng aking opisina.

Napangiti ako sa sarili ko. I'm 27 years old and still single. Not to mention na virgin. HAHAHA. Ilang kembot na lang ay lalagpas na rin sa kalendaryo ang edad ko. Sana naman ay walang expiration ang hymen diba?

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon