Chapter 3

155 5 0
                                    

New boss






Monday.

Maaga ako ngayon sa shop dahil may tatapusin pa akong report na hindi ko natapos nung last Friday. Hindi ko kasi ugaling mag-uwi ng trabaho sa condo. Wag niyo na tanungin kung ano ginagawa ko kapag Saturday and Sunday dahil natutulog lang din ako niyan. Pero kapag nasa trabaho ako, gising ang diwa ko.

Sinong hindi magigising sa 5 cups of coffee sa loob ng 8 hours?

Hindi ko alam pero gustong-gusto kong matulog. Walang iniisip na problema. At saka maganda sa pakiramdam kapag kumpleto ang tulog mo. Hindi ka aantukin talaga sa work. Haha. Pero siyempre, tatapusin ko muna mga household chores bago matulog. Minsan nanunuod ako ng Kdrama pero nakakatulugan ko lang din.

While busy working, biglang may kumatok.

"Come in." Sabi ko. Agad naman bumukas yung pinto at pumasok yung isang crew namin at nagtungo sa tank ko. Hindi naman kasi kalakihan ang office ko dito sa shop. Sapat lang ang laki.

"Ma'am, may mag-aapply daw po." Sabi nito. I totally forgot na may schedule pala ako ngayon. Nag post kasi kami ng hiring since may maglileave na isang cashier namin. And bago pa man siya mag leave, gusto ko ay may papalit muna sa kanya at ng matraining na din.

"Okay, papasukin mo na." Sabi ko doon sa crew.

**

Pagkatapos kong mainterview ang mga applicants ay nagtimpla muna ako ng kape. Inantok ako eh. Haha. Pwede na siguro yung isa na nainterview ko. Sinabi ko na lang doon na maghintay na lamang ng text kung kailan ang final interview since next week pa ata uuwi si Gy. Abala kasi sila ngayon sa paparating nilang kasal ni Saff.

"Wag mo na ako hintayin Mag. Pwede mo na siya itraining. Matatagalan pa kasi ako makauwi jan. Mga 2 months pa ako makakabalik ng work. Ikaw muna bahala sa lahat." Sabi ni Gy sa kabilang linya. Tinawagan ko kasi siya regarding sa applicant.

"What? Ang tagal naman Gy." Pagrereklamo ko. Saan kayo nakakita ng Supervisor na nagrereklamo sa owner ng pinagtatrabahuhan niya?

"Sorry Mag. Ngayon lang to. Babawi ako. Don't worry, Alex will help you there. I already told him na siya muna umupo sa table ko habang wala pa ako." What? Si Sir Alex?!

"Luh? Seryoso ka ba jan?" Ngayon pa lang, kinakabahan na ko. Palagi naman ako kinakabahan kay Sir Alex kapag binibisita nun si Gy. Ewan ko ba.

Don't get me wrong, hindi ko siya crush. It's just that...parang may something kay Sir Alex na talagang  hindi ka mapapakali. Nakaka-intimidate kumbaga.

Tapos naalala ko nung last Saturday na nakita ko siya sa Grocery. Kingina naiinis ako. Oo alam ko kapos ako sa height pero sympre truth hurts kaya naiinis ako. Di ako makapaniwala na nasabi niya iyon sa akin. We're not even close! Hindi niya man lang naisip kung maooffend ako or what.

"Yep. I'm serious. Sa kanya mo na rin ipa-interview yung mga na-screening mo na." Napahawak na lang ako sa aking sentido.

"Wala ba siyang trabaho sa kompanya nila?" Hindi naman sa pagiging curious pero bakit niya naman aakuin ang trabaho ni Gy? Hindi ba siya busy sa kompanya nila?

"He's not a CEO yet. Ibibigay lang yun sa kanya kapag may asawa na siya." Ganun ba yun? So wala siyang trabaho ngayon?

"Wala ba siyang position sa kompanya nila ngayon?"

"Meron. Pero willing naman daw siyang tulungan ako. Kaya siya muna papalit sakin jan for 2 months." Sabi niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil ngayon pa lang, naiimagine ko na yung mukha ni Gy. Baka sabihin nun, curious ako sa kaibigan niya.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon