Chapter 20

135 5 0
                                    


Can you be my..


Pagkatapos niya akong maihatid sa condo kagabi ay nagluto ako ng aking dinner. Babawi na lang daw siya next time dahil nagkaroon daw bigla ng emergency sa opisina nila. Hindi naman ako nag eexpect na yayayain niya pa ko mag dinner dahil hindi ko naman mabilang kung ilang beses niya ako nalibre kahapon. Pati iyong pang-regalo ko kina Gy ay siya pa ang nag bayad. Ayoko sana siya pagbayarin kaso masyado siyang makulit. Cold pa naman siya kahapon kaya hindi na ko nakipag-kulitan pa sa kanya.

Kinaumagahan ay pumasok ako ng trabaho. As usual, tambay ako sa loob ng office ko at nagchecheck ng mga datas and emails.

The email sent by my father caught my attention. Kailangan niya daw ng mag aasikaso sa negosyo naming hotel and resort doon dahil magreretire na din daw siya.

Kaya ko na bang akuin ang mga responsibilidad na ipapasa sa akin ng mga magulang ko?

Ang pamilya namin ay kilala pagdating sa negosyo, particularly in hotels and resorts. Not to mention that we owned more than 100 hotels and resorts here in the Philippines only. Despite of that number, they still want to expand and extend it worldwide. Actually, we already have hotels in the Europe and some part of South East Asia. They are planning now to extend it in the US.

Sino ang mag-aakala na ang isang hamak na supervisor na tulad ko ay isa palang Heiress ng isang Altamirano Hotel and Resorts Empire?

Ito ang buhay na tinakasan ko. Pagkatapos hindian ni Kuya ang position sa kompanya ay sa akin na mismo isasalin ang malaking share ng  kompanya. May sarili na ring business ang kapatid ko sa ibang bansa at balita ko ay maganda ang nagiging resulta nito. Sa pagkakatanda ko ay gusto niya magtayo ng isang Pharmaceutical company. Hindi siya nag alangan na gamitin ang lahat ng mana na binigay sa kanya ng aming magulang.

At dahil sa hindi tinanggap ng kapatid ko ang posisyon, walang ibang choice ang magulang namin kundi ipaubaya ang lahat sa akin.

Hindi ko alam kung kakayanin ko na bang akuin ang tinakasang responsibilidad.

I sigh. I love doing my job here and I am contented with what I have now. Gusto ko lang naman mabuhay katulad ng mga normal na tao tulad ng mga nakakasaluma ko. No one in this shop ang nakakakilala ng tunay kong pagkatao. Well, except sa mga friends ko.

I snapped out when I heard my phone rang. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hello Rouche! Napatawag ka?"

"Hi Mags! Mukhang hindi pa ako makakauwi ngayon jan. Busy parin ako dito sa main office. I'm sorry."

"Naku ano ka ba, okay lang yan. Just tell me kung kailan ka babalik, okay? And don't forget, malapit na ang kasal ni Gy. Wag kang mawawala doon." Mahabang linya ko. Invited din naman si Rouche doon. Kahit papaano ay naging kaibigan naman siya ng mga friends ko. It's just that, nag iba nga lang ang ihip ng hangin ng nalaman nila na niloko niya ko noon. But it's all in the past. Lahat ay naka move on na.

"I know. Babawi ako promise. What do you want for pasalubong?"  Sabi nito sa kabilang linya. Napa-isip bigla ako ng marining ko ang salitang pasalubong. Mabuti naman at nakapag-isip agad ako.

"Santan na lang siguro Rouche." Sabi ko sa kanya. Matagal na din kasi ako hindi nakakatikim nun.

"Santan lang?" Pag uulit nito.

"Haha. I know mayaman ka na pero that's all what I want. Since hindi na ako nakakatikim ng Santan. Just bring... siguro 50 jars of santan para maishare ko din dito sa mga staff dito sa shop." Yep, naisipan ko din na bigyan ang mga crews para matikman nila ang isa sa mga pride ng Bicol, ang Santan. In English, Coco Jam. It is made of sangkaka and sugar with Pili nuts. I can't help myself but to drool. How I missed the taste of that.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon