Chapter 12

100 4 0
                                    

Heart just got broken


Hindi ako pinatulog ng konsensya ko kagabi. What time na ba ako nakatulog? 4am? Kaya heto ako ngayon sa office, umiinom ng pang apat na kape. Hindi ako pwede antukin ngayon dahil may mga reports akong dapat ayusin. Lalo na at tumaas ang sale for this month. I need to focus.

Pero hindi eh.

Pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi ni Rouche ay inihatid niya na ko sa condo.

Kakainis naman! Lalo na kapag na-aalala ko yung huli niyang sinabi sa akin.

"I want you back Magie. Magsimula muli tayo. Liligawan kita. Ibabalik ko ang nawalang feelings mo sa akin. I assure you that."

Oh diba nakakainis? Binasted ko kasi siya kagabi. Gusto niya kasi na makipag-balikan sa akin. Medyo natagalan nga lang daw dahil hinintay niya muna matapos yung annulment. Gusto niya daw ay malaya daw siyang makipag-balikan sa akin, para wala daw akong rason upang pagdudahan siya.

Tapos iyan yung sinagot pa niya.

Determinado? Hays. Napa-hilot ako ng sentido ng wala sa oras.

Magie, focus sa laptop. Okay?

I heard someone knock the door. Pagkasabi ko ng come in ay agad itong bumukas. Napatayo ako ng makita ko si Gy, kasama ang boyfriend slash soon to be husband.

Akala ko ba 2 months siyang mawawala dito sa office?

"Hi Gy! Kamusta ang shop?" Magiliw na sambit niya. Iba ang awra niya ngayon. Ang blooming ah?

"Okay naman. Maganda ang sales this month. Anyways, akala ko ay dalawang buwan ka maglileave?" I tried my best na parang walang iniisip na problema sa love life. Pero tignan mo nga naman, naasiwa ako sa ginagawa ni Gy. Hinawakan niya ang ibaba ng mga mata ko.

"Seryoso? Eyebags ba to? Kailan ka pa kinulang ng tulog?" Sabi niya. Pinunas niya pa yung panyo niya sa mga mata ko. Umiwas ako sa ginagawa niya. Kakalokang babae to.

"Sungit. Chinicheck ko lang. Baka kasi make up. Pero eyebags nga! Nag oovertime ka ba?" Curious na tanong nito. Napa-iling na lang ako sa sinabi ng kaibigan ko at ngumiti.

Kung alam mo lang Gy kung ano ang mga bagay ang hindi nagpapatulog sakin..

Hays.

Una yung problema ko kay Sir Alex. Ngayon, kay Rouche naman.

"Hindi. Nawiwili na ako sa panonood ng KDrama. Nga pala, babalik ka na sa office?" Tanong ko naman sa kanya. At tingan mo nga naman ang dalawang love birds, magkatabi lang sila sa sofa pero kung magtitigan, parang walang tao dito sa opisina ko.

"Hoy. Office to, hindi condo." Natawa si Gy sa sinabi ko. Nakita ko din na natawa yung soon to be husband niya. Inakbayan pa nito si Gy at hinalikan sa pisngi.

Tss. I rolled my eyes. Seriously? PDA lang ampeg?

"Bumisita lang kami Gy. May pupuntahan kasi kami ngayon. Sabi ko kay Esteban na daanan ka muna namin. Anyways, kamusta naman si Alex? Hindi ba siya sakit ng ulo sayo?" Oo nga pala! Ngayon ko dapat kakausapin si Sir Alex! Argh! I forgot!!

Napansin ni Gy na hindi ako makasagot agad. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Kaya napa-iling na lang ako, enough for her to understand na wala naman problema. Pero deep inside, meron.

"Oh siya, alis na kami. Yung sa kasal namin, wag mong tutulugan ha?" Sabi nito sabay titig kay Esteban. Hays. Iniinggit ba ko ng dalawang to?

Sana all in love. Haha.

She's Awake! (Abuevo Cousins Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon