chapter twenty five

4.7K 98 101
                                    

AN: Hi. Hohoho. Finally, another update. Nakaka-insppire kasi ang pagkapanalo against FEU last Sunday. So yay! Thank you sa pagbabasa. VLC. :)

PS. Next chapter na ang POV ni Chase :">

Chapter 25

(Jam's POV)

Nandito kami ni Love sa Pangasinan \:D/

Super saya. Kaso syempre umaga kami dumating. Madaling araw, actually. Kaya matutulog na lang daw muna kami.

Pagkadating naming kanina ni Love, sinalubong agad kami nina Lola Ester at Lolo Rudy. Sabi nila, yun daw ang itawag ko sa kanila. Sila kasi yung nagbantay at nagpalaki kay Sef nung maliit pa si Sef eh.

"Hija, ditto muna kayo matulog sa kwarto na ito. Di pa naaayos yung sa loob eh. Nandun pa yung mga sako ng bigas." Sabi ni Lola.

"Ah. Okay lang po. Thank you po." sabi ko.

"Sige. Magpahinga muna kayo dyan." Umalis na si Lola at si Lolo. Kami naman ni Sef, humiga na sa kama. Sanay naman ako. Komportable akong kasama si Sef at wala naman syang ginagawang masama.

Nilaro-laro niya yung buhok ko. "Sleep ka muna, Love."

I closed my eyes and drifted off to sleep.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

(Sef's POV)

Cute ni Love. Haha.

Syempre sya ang una kong babanggitin sa POV ko. :))

Gising na si Love kanina tapos ayun, una nyang hinanap, pagkain. Sakto naman ditto kasi masarap magluto si Lola tapos fresh lagi yung pagkain para naman tumaba si Love. Nangangayayat na siya sa stress sa Manila eh. Natawa nga ako nang makita nya yung mga manga na kaka-harvest pa lang nila Lola. Sobrang tuwa nya eh. Ang dami kasi talaga.

Actually, mayaman naman sina Lola eh. May pinamana naman sa kanila na sarili nilang property pero nasa ibang bansa na yung mga anak nila. Yung pag-aalaga naman saken, natutuwa lang rin daw sila. Kasi wala silang apo na inaalagaan kaya ganun. Ilang hectares din tong property nila kaya malawak talaga. May sariling garage pa nga eh.

Sa likod nung bahay, may bundok. Sa harap, kalsada tapos ilog. Actually, medyo Malaki yung bahay. Sa 'loob', parang hinati sa two rooms. Sa extension ng bahay yung room na tinulugan naming, living room, dining, kitchen at CR. Sa labas naman ng bahay may kubo na pwede ring tulugan. May ilaw rin dun kaya di naman awkward tulugan.

Cheesy at NBSB (100 day deal book two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon