(JAM’s POV)
8 AM, gumising na ako. Then, nagjogging kami ni Jerry. Tapos, nagdecide kami nung mga maid na gawan ng damit si Jerry. After a few hours, nakagawa na sila ng anim na damit para kay Jerry.
Ba’t nga ba Jerry?
Kasi..
Gusto ko lang. Haha. JK.
Ang reason ko kasi, cartoon character si Twety at ganun din si Jerry. Si Tweety, malapit sa ‘Sweetie’. Si Jerry naman, daga. Kaya mahilig sa cheese. Kaya Cheesy sya. J
Weird ba? Naalala ko lang kasi yung kay Chase. Kung si Tweety pinangalan nya saken, eh di di Jerry sa kanya nakapangalan. Normal lang naman yun dib a?
Napuno yung dSLR ko ng pictures ni Jerry sa iba’t ibang outfit. Syempre Masaya ako noh? Ang cute cute kaya ng anak ko.
Pagdating ng 3:00 PM, pinasala ko na si Jerry sa maid sa guest room. Para naman may magawa din ako, nag-Facebook ako. As always, puno na naman ako ng notifications. So, isang oras din ako naglike, comment, tag, etc. pero the whole time, iisang tao lang nasa isip ko. Mamamatay mona ako bago ko aminin to sa kanya pero, nacu-curious ako kung ano ang ginagawa ni Chase. Ewan ko ba. Siguro nahawaan na nga ako ni Chase ng pagkaabno… este, ‘special’ nya.
Kinuha ko yung phone ko.
Di nman siguro weird kung tatawagan ko sya di ba? besides, hindi naman ito yung first time na tinawagan ko sya so, ano namang ikaka-weirdan nito di ba?
Pero… nung tinawagan ko sya sa beach, may reason ako. I needed to borrow a shirt. Ngayon, ano ang reason ko? Gusto ko syang makausap?
Haayy…
Bahala na.
Calling…
SWEETIE KONG SUPER GWAPO <3
“Sweetie?”