(JAM’S POV)
“Miss Jamie, lunch na po.” Sabi nung maid.
“Okay lang ako. Di pa ako gutom.” Sabi ko.
Narinig ko yung footsteps nila palayo. The whole time kasi naka-lock yung door ko. Lahat ng tao, bawal pumasok. Pag gabi lang ako lumabas para makakuha ng dagdag na food supply sa kwarto ko. Di ako nagpapakita sa kahit na sino. Dumating na din si kuya at si ate pero sobrang busy sila ngayon kaya, sa phone ko lang sila kinakausap. At iniiwasan ko lahat ng topic na connected kay Chase. Tapos, kunwaring cheerful ako on the phone. Nakakailang tawag na rin sina Clara, Clarice at Whitney. Pati na nga si Sef tumawag na saken pero pag sila, di ko sinasagot. At nung nawalan na ng battery si cellphone, di ko na chinarge uli.
Ang buhay ko?
Puno ng pagpapaka-emo at pag0iyak ang buhay ko ngayon. Nagpapaka-senti ako at lahat ng kanta sa iPod ko, puro sad songs. Pati mga painting ko, mukhang nagd-drama yung gumawa.
*BOOM*
*BOOM*
*BOOM*
Hala! Ano yun?? Parang may kumakatok na ewan na ang plano ata eh, sirain ang door.
“JAM!! BUKSAN MO TOOO!!!!!!!!”
O_____O
Patay.
Ito na nga ba yung kinatatakutan ko eh. Ang pagsugod nila.
“JAMIE NICA REYES!!! BUKSAN MO TOOO!!!!!!!!!!”
“Miss Clara, Miss Whitney, Miss Clarice, wag nyo naman pong sirain yung pinto.” Sabi nung maid.
Tumigil nman sila. Yun nga lang, in-interrogate naman nila yung kawawang maid.
“Kelan pa yan nagkulong sa kwarto nya?”
“Nung.. nung 27 pa po. Pero nung umaga naman, okay sya eh. Kasama pa nga po nya si Jerry eh.”
“Nasan na ngayon si Jerry?”