chapter twenty three

3.1K 67 23
                                    

(JAM’S POV)

It’s been a month since it happened.

And marami na ring nangyari. Actually, binalik ko na rin si Jerry kay Chase. Si Sef mismo ang naghatid sa kanya. Yung condo namin ni Chase, wala na akong balita kung anong nangyari. Wala na rin naman akong susi eh.

My parents also bought me my own condo. Sa Alabang na nila ako pinatira para daw malapit sa office. Si Sef naman, lumipat din at naging ever-friendly neighbor ko. Kahit hindi sabihin ng parents ko, alam kong ang goal nila eh para ilayo ako kay Chase.

Yung friends ko, ayun pa rin. Si Clara, bookworm pa rin. Si Clarice, aso’t pusa pa rin sila ni Kuya Mike. Si Whitney, sina-stalk pa rin si Kuya “secretly”. Si Chris, mysterious pa rin. Si Alexandria, medyo close kami. Shopping buddy ko yun. Pero ang pinagkaiba lang, lahat sila, iniiwas na banggitin sa akin si Chase. Parang biglang hindi sya nage-exist sa mundo. Ang hindi nila alam, nakakausap ko pa si Kuya Mike about him. Nangangamusta ako. And based sa kwento ni Kuya, mukhang masaya sya. Sa Facebook ko na lang nakikita si Chase eh. Ilang beses ko na rin naisip na kausapin sya pero hindi ko magawa-gawa. Kaya, in the end, naglo-log out lang din ako.

Si Sef naman, tinupad nya yung sinabi nya. This past month, never nya ako iniwan. Lagi syang nakabantay sa akin. Ma-effort si Sef pero hindi sya yung OA na parang katulad ni Chase. Isang tawag nga lang, pumupunta na agad yun eh.

He never made me feel alone.

He made me feel loved.

The first week was really hard. Nagstay lang ako nun sa loob ng kwarto. Nagmumukmok. Wala akong kinausap. Lahat sila, pinaalis ko. Pero si Sef lang yung nagtyaga. Halos tumira na sa condo ko yun. Sya lagi yung nagdadala ng pagkain to make sure na buhay pa ako. Sya lagi yung tagabantay sa akin kaya siguro ganun na lang yung family ko sa kanya. Kahit alam kong si Chase pa rin gusto nila, unti-unti na rin naman silang umo-okay kay Sef.

Nagtataka siguro kayo kung bakit kay Chase pa rin sila boto eh kung anu-ano na ginawa ni Chase.

Simple lang.

Hindi nila alam.

Ang alam nila, nadepress ako kasi nagsink in na saken na break na talaga kami.

“Love.” Si Sef pala.

Tinignan ko sya tapos nginitian.

“Nandito ka na naman pala sa rooftop.”

“Ah. Oo. Boring sa baba.” Sabi ko.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Nags-sketch lang.”

Tumabi saken si Sef.

“Love.”

“Hm?”

“Gusto mo na ba bumalik sa office?”

“Huh?”

“Wala lang. Para lang di ka mabore dito.”

“Ewan. Okay lang.”

“Kaso, baka mastress ka. Tapos, kukunot yung noo mo na ganito.” Then nagacting sya na parang stressed na ewan.

“Baliw ka talaga, Sef.” I laughed.

Napangiti sya. “Yan. Tumawa ka rin.”

“Thank you, Love. Ikaw kasi... nandyan ka eh. Thank you.”

“Sus. Yun lang naman pala eh. Thank you din. Ako dapat magpasalamat.”

“Bakit naman?”

“Kasi binigyan mo ako ng chance.”

Cheesy at NBSB (100 day deal book two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon