(CHASE’S POV)
Ilang araw na ang dumaan. Di pa rin ako pinapansin ni Sweetie. Tuwing tumatawag ako sa cellphone nya, lagi nyang nire-reject yung call. Pag sa landline, lagi daw wala. Pag sa text, di nagrereply. Pag naman sinusubukan ko syang i-Skype, nag-ooffline. Sa Facebook din, hindi nya na ko friend.
Ang tanga ko kasi! Shit!
Pumayag na nga syang umalis ako at iwan ko sya. Isa na nga lang kondisyon nya, di ko pa natupad. Bakit ganun? Siguro.. siguro di talaga sang-ayon si tadhana na kami. Lagi na lang kasi na kapag lumalapit na ako, lalayo sya. Ngayon, sinabi nya na nga saken na ‘I like you’, nagkaron pa ng rason na ako naman mapalayo sa kanya.
I don’t deserve her.
Sinaktan ko si Sweetie. She doesn’t deserve someone who would make her cry, someone who would make her wait, someone who would make her feel so much pain and bitterness. She deserves someone who would make her smile, someone who would wait for her no matter how long it takes, someone who would only make her feel joy and contentment for all the days of her life. I want to be that guy but it looks like i can’t be that guy.
Konti na lang kasi eh. Konti na lang, makakarating na ako agad sa kanya.
Bat kasi iniwan ko pa sya in the first place? Kailangan nga ako ni Lex pero si Sweetie ang mahal ko. Sya yung dapat na makasama ko. Pero di ko agad naisip yun eh. Yan tuloy, ngayon nire-regret ko ang lahat.
Siguro tama nga sila.
Minsan, akala natin sapat na yung panahong binibigay natin sa isang tao. Pero, in the end, kulang pa rin pala. Hindi dahil dapat mas matagal natin silang kasama kundi dahil pagdating pala ng panahon na sobrang kailangan nila tayo at saka tayo wala para sa kanya.
Ang tanga!!
Siguro, tama na rin na ganun ang nangyari. Karma na saken. Ang daming beses ko na kasi sinaktan si Sweetie. Di ko man lang sya inisip. Masyado akong umasa na kaya nya na sarili nya kaya wala ako lagi sa tabi nya.
RING RING
Calling..
My one and only Sweetie <3
^___________^