(CHASE’S POV)
10 PM
Ano ba. Late na akong nakarating. Andami ng tao dito. Punung-puno ng mga nakmaskara.
>___< Paano ko ba mahahanap si Sweetie dito?
May hawak akong purple na roses. Peace offering sana. Sinusunod ko yung payo ni Alexandria. Mahal ko si Sweetie eh. Kung kailangan lumuhod ako, mapatawad nya lang, gagawin ko.
May nakita akong apat na magkakapartner. Yung mga babae, may naka-peach, blue, silver at purple.
Si Sweetie kaya yung nakapurple??
Ba-thump. Ba-thump Ba-thump.
Hindi. Hindi. Hindi. Si Sweetie yun. Mukhang couple yung babae at yung kasayaw nya eh. Magkamatch pa nga sila. Tapos may hawak na purple rose yung girl na halatang bigay ng partner nya.
Tama! Imposibleng si Sweetie to.
Nagikot-ikot pa ako.
Hmm… nasan kaya sya?
Biglang may tumapik sa balikat ko na lalaki.
“Hinahanap mo sya di ba?”
“Huh? Sino ka?”
Teka… parang naaalala ko to. Isa ata sya dun sa mga magpapartner na nakita ko kanina.
“Di na mahalaga yun. Alam ko kung nasan yung hinahanap mo.”
“Sino ka ba talaga, ha?”
“Nasa may balcony sya. Nakapurple na gown.”
“Teka. Sino ba-?”
“Puntahan mo na. ayusin mo0 na gulo nyo. Baka maagaw pa sya sayo ng iba.”