Chapter 9

58.2K 1.5K 112
                                    

Cindy's POV

Mag kasama kaming nag lalakad ni Ashron ngayon sa gilid ng kalsada ng madilim na lugar na ito. Hindi ko talaga alam kung saang parte ito ng bayan namin. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at ngayon lamang ako nakapunta dito.

Wala ni isang sasakyan ang dumadaan kaya naman naglalakad lang kami ni Ashron ngayon. Kaya rin siguro dito ako dinala ng driver na iyon dahil walang masyadong dumadaan na jeep at madilim din. Hindi ko na lang siya irereport sa pulis. Hahayaan kong maging lesson sa kaniya yung nangyari sa kaniya kanina.

Pupunta kami sa kung saan man na may masasakyan.

Ayaw kong umabsent para bukas kahit pa ganito ang nangyari sa akin ngayon dahil first exam namin bukas para sa sem na ito. Hindi ako pwedeng umabsent.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita kaya ang tahitahimik ng paligid. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Hanggang ngayon ay gulat parin ako sa mga pinagsasabi sa akin ni Ashron kanina.

Hindi daw niya kakayanin na may mangyari sa aking masama o kapag may humawak sa aking iba? What? Anong ipinaglalaban niya?

Hindi ko siya maintindihan at ayaw ko rin namang magtaning dahil baka isipin niya masyado akong curious at baka nag aassume ako.

Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos nung nangyaring hindi maganda sa akin. First time na nangyari sa akin ito at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang medyo nanginginig ako dahil doon. Muntik na talaga ako kanina. Kung hindi dumating si Ashron, hindi ko na alam. 
Sa kabila ng mga iyon, nag-papasalamat ako kay Ashron dahil kung hindi sa kaniya, baka kung ano na ang nangyari sa akin doon at baka may nangyaring masama na sa akin.

"May masakit ba sayo?" tanong nito sa akin at medyo nagitla pa ako sa bigla niyang pagsasalita.

Grabe, akala ko hindi na mag-sasalita 'to.

"Wala," sagot ko at nakatingin lang sa dinadaanan namin.

"Pagod ka na bang mag lakad?" tanong pa nito sa akin.

Malamang pagod na ako, kanina pa kaya  kaming nag lalakad dito. Nasaan ba yung mga sasakyan dito? Malayo pa ba?

Tinanguan ko lang siya dahil wala talaga akong ganang magsalita buhat ng mga nangyari kanina.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako at tiningnan siya na parang nagtataka.

Nag squat siya patalikod sa aking harapan. Para bang sinasabi niya na sumakay ako sa likuran niya.

"Sumakay kana, pagod ka na pala, hindi ka man lang nag-sasabi sa'kin." sabi nito sa akin. Hindi ko magawang kumilos.

Bakit ba kase ganito itong lalaking ito ha? Anong nakain nito at mabait sa akin?

"Ano, hindi ka ba sasakay? Nakakangalay magsquat, Cindy." sabi niya at bahagya akong nilingon.

Kahit nag-aalangan pa ako ay sumakay na ako. Nang makasakay na ako sa may likuran niya wala akong nagawa kundi mapayakap sa may leeg niya para sa suporta. Tinanong niya ako kung ayos na daw ba sabi ko ay oo. Naramdaman ko ang paglagay niya sa aking hita sa kaniyang braso upang hindi ako malaglag. Parang mag kuryenteng dumaloy bigla sa aking katawan na hatid ng paghawak niya sa akin.

Dahan dahan siyang tumayo upang magsimula ng maglakad.

"Grabe, ang bigat mo pala." anito.

"Ang kapal, magaan lang ako." sabi ko sa kanya pero imbis na sumagot siya sa akin ay narinig ko ang kaniyang paghalakhak. Posible palang humalakhak pero hot pa rin 'no?

Living With The Three Hot Vampires   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon