Chapter 21

43.6K 940 35
                                    

Cindy's POV 

Kyaaaaah kinikilig ako kila Alex at Andrei! 

Si Andrei 'yung tipo ng lalaki na ma-effort talaga as in, loyal na, gwapo na, dancer pa, singer rin, nagra-rap na, at joker pa kaya saan ka pa? Halos lahat yata ng gusto ng babae ay nasa kanya na. Hindi rin siya mahirap mahalin dahil sa sobrang bait niya at nakapa-understanding na tao. 'Yung tipong, kapag siya ang karelasyon mo, mapapasabi ka na lang na ang healthy ng relationship ninyo. Hindi man perfect, healthy naman. 

Isa pa, kapag sinabi niyang gusto ka niya, gusto ka niyang talaga at wala ka nang magagawa doon. Kahit anong iwas ang gawin mo sa kanya, mapupunta at mapupunta siya sa harapan mo. Tsaka lang siya titigil kapag talagang seryoso ka sa pagpapatigil sa kanya. Hindi rin siya papayag na may kahati siya sa'yo. Sino nga naman ba ang papayag na may kahati siya sa taong mahal niya, hindi ba? At higit sa lahat, kapag sa kanya, sa kanya lang dapat. 

Si Alex naman, siya 'yung tipo ng babae na hindi ka pagbabawalan sa mga bagay na gusto mo as long as nag-eenjoy ka dito pero dapat alam mo kung hanggang saan ang limitasyon mo. Hindi siya mahirap suyuin, pagkain at konting lambing lang, solve na. Siya rin 'yung tipo ng girlfriend na nandyan palagi sa tabi mo sa mga oras na kailangan na kailangan mo siya. Kahit hindi mo kailangan, nandyan pa rin siya sa tabi mo. Kahit nga sa mga kaibigan niya ay ganoon siya e. Sobrang mapag-mahal din. Sa madaling salita siya ay isang certified girlfriend material.

"Waaaahh! kinikikig ako sa inyong dalawa!" Ani ko kay Alex na katabi ko lang peri kung makasigaw ako akala mo ay nasa kabilang baryo pa siya. 

Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung mababalitaan mong in a relationship ang dalawa mong kaibigan na deserve talaga ang isa't isa, hindi ba? Biruin mo, iilan na lang ang lalaking ma-effort sa mundong ito tapos hindi pa mapansin 'yung iba kasi may mga babaeng sobrang manhid. 'Yung tipong ayan na sa harapan nila ang mga effort ng lalaki, hindi pa makita! 

"Grabe, congrats sa inyong dalawa! Stay strong!" sabi sa kanya ni ni Xands dahilan para palihim ko siyang tingnan. 

Ayos lang ba talaga kay Xands? Baka naman nakikitawa at nakikibati siya sa amin pero nasasaktan na pala siya.  

Xands' POV 

Hi everyone! I am Maria Cristina Alexandra Montecillo! Xands for short. 

Kasalukuyang nagke-kwento si Alex sa aming dalawa ni Cindy kung paano baging sila ni Andrei. Hindi na ako nasasaktan dahil wala na sa akin ang nangyari sa nakaraan. Nakamove on na ako sa mga nangyari sa pagitan namin ni Andrie. 

Masayang-masaya ako para sa kanilang dalawa ni Alex. Sobrang deserve nila ang isa't isa. 

Balang araw, makakatagpo ko rin ang para sa akin. Puhon. 

FLASHBACK

(ito 'yung araw na nag usap-usap sila sa bahay ni Xands.) 

Ngayon ay nagke-kwentuhan kaming tatlo nina Cindy at Alex. 

So, wait, what? Vampire? Adik ba itong si Alex? Bamipira at kasama niya pa sa iisang bahay? Nasobrahan na siya sa ice cream.

Pero teka nga, ang astig ha! Ang astig dahil nakasama niya pa sa pagshoshopping.

"E, baka naman kasi mabigla kayo 'no! Baka mamaya mabigla kayo na may dala-dala akong mga lalaki sa mga lakad natin." nakisubo pa siya sa ice cream na sinandok ni Alex bago magsalitang muli. "Nga pala, nakasalubong ko pala si Andrei at Kaizer kahapon sa mall." Wika niya.

Tama naman siya na baka nga mabigla kami ni Alex lalo na at bampira pa ang isasama niya. 

Bahagya namang natigil sa pagsandok ng panibagong ice cream si Alex dahil sa sinabi ni Cindy. Habang ako naman ay hindi ipinahalata ang naramdamang kilig nang banggitin ni Cindy ang pangalan ni Andrei. 

Living With The Three Hot Vampires   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon