Chapter 25

43K 1K 47
                                    

Cindy's POV

Nagising ako dahil sa paang lumanding sa pagmumukha ko. Hindi naman masakit, sadyang nagitla lang ang katawan ko kaya nagising ako. Bukod pa doon, masakit din ang ulo. Iminulat ko ang mga mata ko at  laking gulat ko nang makita ko itong mga kasama ko na nakahiga rin sa sahig kasama ko. 

Ano bang nangyari kahapon? Uminom kami tapos? Ang tanda ko nag-inuman kami iyon lang. 

Sikat na sikat na pala ang araw, jusko! Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang paligid ko at nakitang paa pala ni Alex ang lumanding sa mukha ko.

Ang dalawang bampira naman magkayakap na! Teka, bakit dalawa lang? Nasaan ang isa? Hinanap ko si Ashron ngunit wala siya sa sala buong sala. 

Ang dalawa namang magkaibigang si Kaizer at Andrei, kulang na lang ay magising sila para magpsapakan, ang kamay ni Kaizer ay nasa mukha ni Andrei habang ang dalawang paa naman ni Andrei nakapulupot sa katawan ni Kaizer. Napapa-face palm na lang ako. 

Ang dalawa ko namang kaibigan, ayun mga tulo pa ang laway. Jusko 'yan. May dumaan bang bagyo dito at ang gulo-gulo ng apartment ko?

Nilingon ko ang wall clock ko at nakita kong alas-otso na pala ng umaga! Kaagad akong tumayo sa pagkakahiga, dahilan para magdilim ang aking paningin at mahilo ako. Matutumba na sana ako nang may mahawakan ako para maging suporta ko nang hindi ako tuluyang matumba. 

Huminga muna ako nang malalim at minulat ang aking mga mata. Nang tuluyang magliwanag ang paningin ko ay tsaka ko lang napagtanto kung kanino ako napahawak. 

Nagtagpo ang aming mga mata at kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya. May hindi maipaliwanag na pakiramdam akong naramdaman sa may tiyan ko at kasabay nito ang pagtibok nang mabilis ng puso ko. 

"Oh, ano? Ayos ka lang? Hilo ka pa ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Inalalayan niya akong maglakad papunta sa may dining area para makaupo ako. 

"Nahilo lang ako bigla," wika ko. Hindi ko na iniisip ang pagkahilo ko, mas iniisip ko ang nararamdaman ko tuwing magtatama ang mga mata namin. Hindi na normal 'to e. 

Ialng saglit pa ay inabutan niya ako ng tubig at mabilis ko naman itong ininom. Kinuha niya ang baso at ipinatong ito sa dining table. Nasa harapan ko siya at nakatayo habang ako ay nakatungo nang bahagya. Hindi ko na kayang tingnan siya sa mga mata niya. 

"Huwag ka kasing tatayo bigla kapag bagong gising ka lalo na't nag-inom ka kagabi, kaya ka nahihilo e." sermon niya sa akin. 

"Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya kaya naman pumunta siya sa kusina para magtimpla. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Kahit presensya niya, iba na rin ang epekto sa akin.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Ashron mula sa kusina dala ang tinimpla nyang kape. 

"Oh, inumin mo habang mainit pa oara mainitan din ang tiyan mo." sabi niya sabay lapag ng kape sa may dining table. Hinawakan ko ito sa handle at tsaka ininom. Hindi pa man nakakaabot sa lalamunan ko ang kape ay naibuga ko na ito dahil sa init! 

"Ang init!" sabi ko habang pinapaypayan ang dila ko. Bakit sobrang init?! Napaso tuloy yata ang dila ko! 

"Epekto 'yan ng alak. Alam mo namang kaoag kape, mainit. Mainit tapos dinire-diretso mo ng inom tapos hindi mo pa hinipan." sermon niyang muli sa akin. Napairap na lang ako. 

Umayos ako ng upo bago magsalita

"Aba, ang sabi mo inumin ko habang mainit pa! Edi ininom ko!" sabi ko sa kaniya. Akala ko ay dadagdagan niya ang sermon niya sa akin, nagulat na lang ako nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. 

Living With The Three Hot Vampires   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon