Chapter 1

103K 1.5K 25
                                    

(This is the scene po bago mangayri ang nasa prologue. This is the scene doon sa flashback ni Cindy sa may mini mart.)

Cindy's POV

Whoo! Sa wakas! Natapos na rin ang ilang oras na pamamalagi sa school!

Pagdating ko sa bahay, wala si daddy. Tanging mga katulong lang namin ang nasa loob ng mansion namin. Hays, nasa work na naman siya. Sinabi ko na sa kaniyang magpahinga muna siya. He's tired and stressed about everything happened to us.

Pumunta na ako sa kwarto ko at bago ko marating ang kwarto ko umakyat muna ako sa pagka-haba-habang hagdan. Pwede bang mag patayo ng escalator dito or kahit elevator manlang? Nakakapagod din e. Kung pwede lang din akong lumipad, nagawa ko na.

Nang marating ko na ang aking kwarto, agad akong humiga sa malambot at malaking kama. Hays ang sarap mahiga.

Ano kayang magawa bukas? Saturday naman bukas e. Yayain ko kaya sila Alex at Xands? Mag sho-shopping na lang kami. Eh ano namang isusuot ko? Bahala na bukas.

Hindi ko na alam ang mga sumunod kong naisip dahil ako ay nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Nagising ako dahil sa ingay sa baba ng masion. Nag palit muna ako ng damit dahil naka-uniporme parin pala ako at nag ayos ng sarili. Nang makababa na ako sa sala ng mansion. Nakita ko si daddy na nag-wawala. Halos araw araw syang nag-wawala simula nang mamatay si mommy dahil sa heart attack.

It's been a month since my mommy passed away. For me my mommy is the best mother out of all the mother in the whole wide world. She supports me in everything. My mommy is a good mother to me even to our maids. She loves to help people. She loves to cook, that's why I learn how to cook. She teach me to live independent since I enter high school.
Mommy loves my daddy very much!
I wonder why daddy always shout and drunk everyday he go to our mansion.

How I miss my mommy. Kung kaya ko lang siyang ibalik sa mundong ito ay nagawa ko na. Kaso imposible. Napaka-imposible.

Bigla akong nagulat nang ihagis ni daddy ang isang vase sa sahig, kaagad itong nabasag.

"Daddy! Please, stop na po. Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo." sabi ko at nag-lakad ako papunta sa kanya.

"For what!? Cindy!? Tell me for what!? Anong silbi ng kwartong 'yon kung pupunta pa ako dun!? Halos sa bawat sulok ng mansion na ito nakikita ko ang mommy mo! Tell me!" sigaw ni daddy sa akin. Alam ko naman na miss na miss na niya si mommy at ganun din ako.

"Please, daddy you need to rest..." Marahan kong sabi at lumapit sa kanya kaso napahinto ako sa paglapit sa kaniya nang magsalita siyang muli.

"Alam mo, kasalanan mo ito! Kung hindi mo sana niyaya ang mommy mo na umalis, hindi sana siya aatakihin sa puso! Kung hindi dahil sa'yo namatay ang mommy mo! Kasalanan mo ito Cindy! Kasalanan mo!" sigaw niya sa akin na dahilan para matigilan ko.

Why? Bakit ako? Alam kong merong sakit si mommy pero that time naman ang sigla-sigla niya that's why I ask her to join me shopping and she said yes. So I thought... It will be alright... I thought...

"Daddy! Hindi ko naman po alam na aatakihin si mommy that day!" sabi ko kay daddy. Naglandas ang mga luha mula sa mga mata papunta sa aking mga pisngi.

"Hindi! Pinatay mo ang mommy mo! Kung hindi mo sana siya niyaya sa walang kwentang shopping-shopping na 'yan! Hindi sana siya mawawala! At sana masigla pa ang bahay na ito ngayon!" sigaw nyang muli sa akin.

Para akong tinutusok ng ilang libong kutsilyo sa dibdib ko. Hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ni daddy na wala na si mommy. Naiintindihan ko naman iyon. Pero hindi naman kasi siguro tama na sa akin niya isisi ang nangyaring iyon dahil hindi ko rin naman alam. Walang may alam na aatakihin siya sa puso that day.

"Daddy 'wag naman po ako ang sisihin niyo!"

"Eh sino ang sisisihin ko?! Ako!? Sino ba ang kasama niya nang mangyari 'yon!? Hindi ba't ikaw!?"

"Please naman daddy 'wag ako yung sisihin mo. Yes po, alam kong mayroong sakit si mommy. Pero daddy hindi naman po ata tama na ako ang sisihin niyo dahil lang sa ako ang kasama niya nang atakihin siya. Daddy, nawalan din ako! Nawalan ako ng nanay! At alam kong kahit anong gawin ko hinding-hindi ko na siya maibabalik pang muli! Kaya daddy please! Sana naman maintindihan mo ako. Nasasaktan din ako..." pahina nang pahina kong sabi kay daddy. Nasasaktan din naman ako. Tao din ako pero bakit parang kasalanan ko? Hindi ko naman alam e. Wala sa amin ang may alam kung kailan aatakihin noon si mommy.

Sana pala hindi ko na siya isinama sa mall. Sana 'yung mga kaibigan ko na lang. Edi sana buo pa kami ngayon at hindi sana kami nag sisigawan ni daddy ngayon dito sa sala ng aming mansion.

"Lumayas ka dito! Hinding-hindi na kana makakabalik dito! Nang dahil sayo nawala ang mommy mo! Lumayas ka dito! Ayaw ko nang makita ang pag mumukha mo simula ngayong araw! Huwag na huwag ka ng babalik dito! Layas!" sigaw ni daddy sa akin at itinulak ako.

"Daddy please, please 'wag daddy." pagmamakaawa ko. Hindi ko na mapigilan ang mga luhang nag uunahang pumatak mula sa aking mga mata.

At ang kinaiyak ko lalo ay ang ipagtabuyan ako ng aking sariling ama.

Iniwan ako ni daddy na mag isang nakaupo sa malamig na sahig ng aming sala. Wala akong lakas upang makatayo mula sa aking pag kakaupo sa sahig. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Sarili kong ama ay pinalalayas ako.

Hanggang ngayon hindi ko maisip na sinabihan ako ni daddy ng ganun. Unang beses niya akong sinigawan. Nung mga nakaraang araw naman ay wala siyang imik sa akin. Siguro dahil nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Noong buhay naman si mommy masaya si daddy. Hindi nila ako pinagagalitan. Pinag-sasabihan lang nila ako at hindi ako kailan man sinigawan at pinagbuhatan ng kamay.

Nang makalipas ang ilang minuto na pag pasyahan kong tumayo na kahit na nanghihina parin ako. I wonder kung bakit ni isa sa mga katulong namin ay hindi ako tinutulungan iyon ay siguradong dahil inutos ni daddy. Alam kong gustong-gusto nila akong lapitan kaso wala silang magawa. Ramdam ko at kita ko ang awa sa kanilang mga mata. Nang madaanan ko sila ay mapait akong ngumiti.

Nang makarating ako sa aking kwarto. Dun ko itunuloy ang aking pag iyak. Totoo ba talagang pinapalayas niya ako? Totoo ba talaga? Nananaginip ba ako? At kung nananaginip lang ako, sana ay magising na ako...

Siguro ay seryoso nga siya. Sino nga naman ang makakatiis na manirahan kung kasama mo sa iisang bubong ang taong pumatay sa mahal mo sa buhay?

Hindi nag tagal nag simula na akong mag empake ng mag damit ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko namang abalahin ang aking mga kaibigan. Ayoko namang makituloy sa kanila dahil alam kong pati sila ay madadamay. Magagalit sa kanila ang mga magulang nila. At baka magaya pa sial sa akin.

Nang maayos ko na ang lahat ng aking dadalhin bumaba na ako sa hagdan. Dumiretso ako sa kusina alam kong nandoon lahat ang mga maids namin.

"Hija..." ang tanging nasabi sa akin ng mga maids namin. Alam kong naawa sila sa akin ngayon.

Mapait akong ngumiti sa kanila
"O-Okay lang po ako... Kaya ko po sarili ko... Salamat po sa inyo dahil inalagaan niyo po ako...k-kami. Mag iingat po kayo. Aalis na po ako p-pakisabi na lang po kay... Daddy." 'yan na lang ang mga nasabi ko dahil sa mga nag babadyang luha na papatak.

"Hija pasensya kana... Dahil hindi ka namin natulungan manlang kanina... Sige hija, wala na rin naman kaming magagawa, basta hija, mag-iingat ka ha? Kontakin mo kami kung maaari." sabi ni manang Minda. At tumango na lang ako sa kanya.

Bago ako umalis tiningnan ko ang aming mansion. Ang mansion na ito ang saksi sa aking paglaki ko at pag kakaroon ko ng isip. Saksi ito sa mga oras na ako ay nasaktan.
Saksi ito sa pag mamahalan ng aming mga magulang. Saksi ito sa mga tawa namin. Kaya kahit sa huling pag kakataon inalala ko ang mga ito.
Mukhang ito na nga ang huli.

Paalam...

Living With The Three Hot Vampires   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon