Cindy's POV
Matapos ang concert namin ni Alex sa sasakyan nila ay nakarating na kami sa mall. Ito ang mall kung saan kami namili dati ng mga damit ng tatlong lalaking kasama namin ngayon.
Habang naglalakad kami ay kitang-kita ko na naman yung mga babae nakatingin sa tatlo. Nakita ko ang mukha ni Alex noong may nakita siyang babaeng nakatingin kay Xander. Like what dapak? Anong nangyayari sa babaeng ito? Nasabihan lang ng 'Miss beautiful' tsk tsk tsk... MARUPOK.
"Saan ba tayo kakain?" tanong ko kay Alex. Rinig na rinig ko ang marahas na paghinga niya. Sinarili ko na lang ang aking tawa dahil baka mahampas ako ng wala sa oras dito.
"Kahit saan, basta walang mga babaeng nakatingin kay Xander." sagot niya. Nakabusangot pa rin ang mukha niya habang nagsasalita siya.
"Okay. Libre mo ba?" tanong ko sa kaniya at dinungaw pa siya. Siya kasi ang nag-yaya sa amin dito kaya baka sagot niya, 'di ba? Malay natin.
"Oo."
Nice one!
Ilang minuto din kaming nag-hanap ng pwedeng makainan. Hanggang sa nauwi kami sa isang hindi naman gaanong sikat na restaurant dito sa loob ng mall. Sa third floor ito at malapit sa may elevator. Mukha namang masarap ang pagkain nila dito kaya ayos lang.
Filipino foods naman ang tinda dito kaya hindi na mahirap pumili dahil alam naman namin lahat ng iyon. Ewan ko lang sa tatlong bampirang kasama namin kung type ba nila ang pagkain. Pero parang ayos lang naman sa aknila dahil hindi sila nagreklamo.
Kaya rin namin napili ito dahil tahimik nag paligid at dahil maarte itong si Alex, ayaw niyang may titingin kay Xander. Tss, grabe akala mo naman jowa niya.
Umorder ako ng kanin with Adobong Manok, halo-halo - libre naman eh, kaya lubusin na natin - at isang ice cream na siyempre cookies and cream ang flavor. Iyon lang ang inorder ko. Parehas kami ni Alex dahil tinatamad siyang pumili ng kaniya.
Ang tatlong lalaki naman ay ng hati-hati sa isang bowl ng Sinigang na Hipon. May halo-halo din sila. Ang kinaibahan lang ng halo-halo nila may ube ice cream as toppings. Sa amin ni Alex ay hiwalay.
Nag-simula na kaming kumain. Wala munang usap-usap mga gutom kami ngayon. Talo-talo muna mga tol. Una muna ang pagkain bago ang chika.
Ilang sandali pa ay natapos na kaming lima na kumain. Siguro inabot rin kami ng isang oras kahit hindi kami nag-uusap.
"Hays, sarap!" sabi ni Ashron.
"Ngayon lang ba kayo nakakain ng pagkaing Pilipino?" tanong sa kanila ni Alex na ngayon ay hawak na ang kaniyang cellphone.
"Hindi ito ang una, nag-luto kasi noong isang araw si Cindy ng Adobo e. Pero itong Sinigang na Hipon, ngayon lang." sagot sa kaniya ni Xander na ngayon naman ay pinupunasan ang kamay gamit ang isang tissue.
"Ah okay... So, saan niyo gustong pumunta ngayon?" tanong ulit sa kanila ni Alex.
"Mamaya na tayo umalis dito. Kakakain lang natin. Magpahinga muna tayo rito." sabi ni Harold. Straight na straight ang kaniyang pagkaka-upo sa upuan.
Galing ba sila sa isang royalty family? May ganoon ba sa kanila? Pero sa mga movies may ganoon kaya baka may ganoon talaga?
Kung mayroon man at kabilang sila doon, ang astig! Sana all may royal blood!
"Oo nga naman. 'Tsaka maaga pa naman." sabi ko sa kaniya.
"Okay, sige. Maya-maya na lang." wika ni Alex.
Natahimik ulit kaming lima pagkatapos noon.
"Restroom lang ako." paalam ko sa kanila at tumayo na. Naiihi kasi ako e. 'Tsaka kailangan kong mag-polbo at liptint. Haggard na ako e.
BINABASA MO ANG
Living With The Three Hot Vampires
VampirosVampire Duology 1 Sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala ni Cindy Villacorta ang tatlong bampira na babago sa kanyang buhay. After her mother died, she feels like she was seeking for something. She knew about the vampires still existing in th...