EPILOGUE

56.2K 897 62
                                    

(UNEDITED)

Cindy's POV

Habang nag hihintay ng tulong nina Ashron may narinig akong mga putok ng baril. Shet sina Ashron na ba iyon? Sana sila na nga.

Tumayo ako mula sa pag-kakaupo ko sa sahig. Lumapit ako sa may pinto.

"Ashron! Ashron! Nandito ako! Shet!" sigaw ko.
Kinakalampag ko na ang pinto para marinig nya ako.

"Ashron!" sigaw kong muli pero imbis na sagot mula sa kanya ang narinig ko puro daing sa sakit ang narinig ko. 

"Ashron? Ashron? Shet!" sabi ko. Si Ashron ba yung nadaing? Shet!.

Maya-maya pa ay may narinig akong mga yabag ng tao palapit sa direksyon ko. Nang makalapit sila pilit nilang binubuksan ang lock ng pinto kung saan ako naka-kulong.

"Cindy? Cindy?" tanong nung tao mula sa labas. Kilala ko ang boses na iyon si Ashron!

"Ashron? Ashron!! Nandito ako!" sabi ko. Naiiyak ako. Naiiyak ako ngayon. Nandito si Ashron. Nandito si Ashron para iligtas ako. Nandito 'sya. Halos mapaluhod ako sa pag-iyak ko. Nanghihina ako na hindi ko alam.

"Cindy? Okay ka lang ba? Sinaktan kaba nila?" tanong nya sa akin. Hindi ko magawang sumagot tanging pag hikbi lamang ang nagawa ko.

"Cindy lumayo ka sa pintuan dahil sisipain ni Harold para makapasok kami." sabi nya kaya naman dahan-dahan akong unalis sa likuran ng pintuan. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. At nakita ko si Ashron, si Harold at isang lalaking hindi pamilyar sa akin.

"Hush baby... Nandito na ako 'wag ka nang umiyak please? Nandito na ako, okay?" sabi sa akin ni Ashron habang mag-kayakap kami.

"A-Ashron..." sabi ko.

"Sinaktan kaba nila, huh? Anong ginawa nila sayo?" tanong nya sa akin. Pinahid nya ang mga luhang napupunta sa aking pisngi.

"'Yung isang lalaki sinampal ako ng malakas, 'yun lang." sabi ko rito.

"Namumukaan mo ba yung taong dumukot sayo?" tanong nung lalaking hindi pamilyar sa akin.

"Hindi kasi naka mask sila. Pero mayroong lalaking pumunta rito sa kwartong ito. Sabi nya sa akin papatayin daw nila ako para makuha sa inyong mukia ng trono. Anong trono ba ang sinasabi ng lalaking iyon?" sabi ko sa kanila. Nakita kong medyo nangunot ang noo nung lalaking nag-tanong sa akin.

"Si Chase...." sabi ni Harold. Chase? Huh?

"Sino si Chase?" tanong ko naman. Pero hindi nila sinagot ang tanong ko. Tinayo ako ni Ashron at inakay palabas ng kwarto.

"Tsaka na namin ipapaliwanag sayo. Kailangan muna nating makaalis dito sa lugar na ito." sabi ni Harold.

At tuluyan na kaming lumabas ng kwarto. Pero maya-maya pa habang nag-lalakad kami patungong hagdan ay may mga lalaking sumugod sa amin.

Nakita kong agad na kumuha ng baril ang tatlong lalaking kasama ko.

Ang mga lalaking dapat susugod sa amin ay hindi na tuluyan pang nakalapit dahil lahat sila ay naka-handusay na sa malamig na sahig ng bahay na ito.

"Tara na." sabi nung lalaking hindi talaga pamilyar sa akin.

Bumababa na kami sa hagdan at napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa nakita ko. Dobleng dami ng mga lalaking susugod sa amin kanina na nasa sahig at mga walang malay. O baka patay na.

"Okay ka lang ba may masakit ba sayo?" biglang tanong sa akin ni Ashron.

"A-Anong n-nangyari dito?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Hindi ko inakalang makakakita ako ganiting sinaryo sa buong buhay ko. Ano bang nangyayari? Bakit? Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin?

"Mamaya na ako mag papaliwanag sayo. Promise ko sayo mag papaliwanag ako pero hindi ngayon dahil kailangan na nating umalis agad dito." sabi nya sa akin at tumango naman ako nang bahagya.

Lumabas na kami ng bahay o rest house? Ewan basta bahay at nakita kong seating pretty si Xander at isa pang lalaki na hindi ko kilala. Kamukha sya nung isang lalaki na kasama namin sa loob kanina.

"Tagal nyo ah." bungad sa amin ni Xander. Hindi sya pinansin ng tatlo kong kasama.

"Tara na umalis na tayo dito." sabi ni Harold.

"Wait nakita nyo ba si Chase? Yung tatlong Villaroel? Napatay nyo?" sunod-sunod na tanong ni Xander sa amin. Villaroel? Huh?

"Wala sya. Natakot ata ang gago sa mga narinig nyang putok ng baril." sabi ni Ashron. Napahalakhak naman ng bahagya si Xander.

"Ay sayang! Gusto ko pa man din pahirapan ang tatlong iyon." nanghihinayang na sabi ni Xander.

Okay. So maraming i-e-expalin sa akin si Ashron mamaya.

"Tara na nga." sabi nung lalaking kasama namin sa loob ng bahay kanina.

Sumakay kami sa isang sasakyan na kulay itim. Halatang yayamanin. Kanino kaya ito? Yaman ah.

"Ashron sino ba silang dalawa?" tanong ko kay Ashron.

"As sila. Iyong lalaking kasama natin sa loob kanina ay si Duke tapos ito namang kasama ni Xander ay si Barett. Mag kapatid sila." sabi nya sa akin at tumango-tango naman ako. Ah kaya pala sila mag-kamukha.

Si Duke ang nag-drive ng kotse katabi nya sa unahan ay si Barett habang kamung apat ay narito sa likod.

Hindi ko maiwasang hindi mapamura habang nasa byahe dahil sa sobrang bilis ni Duke mag maneho. Hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Nag paalam na iyong mag-kapatid na uuwi na sila. Nasa loob kami ngayon ng apartment ko at kasalukuyang naka upo sa sofa. At nag papahinga.

"Sayang talaga 'yung tatlong iyon e!" nanghihinayang muling sabi ni Xander. Problema ba nitong lalaking ito?

"Hayst hayaan mo na nga atleast walang nangyaring masama kay Cindy." sabi ni Harold sabay kindat sa akin.

"Woi! Woi! Woi! Ano yan ha? Ano yang kindat-kindat na yan ha? Ikaw Harold ha! Umayos ka kung ayaw mong magkagulo tayo dito." sabi ni Ashron sa kanya. Habang kaming tatlo naman nina Harold at Xander napailing na lang sa inasal ni Ashron.

"Umayos ka nga, ano bang nangyayari sayo?" tanong ko dito.

"Eh kasi itong si Harold kinikindatan ka." batang tono na sabi sa akin ni Ashron. Awww so cuteeee... Nang bigla kong narinig yung dalawa.

"*ubo* *nasusukang sound*" sina Harold at Xander.

(a/n: sorry hindi kasi ako magaling sa mga sound-sound ganern ih kaya pag pasensyahan nyo na. HAHAH)

"Umalis nga kayo dito! Mga bwiset!" sabi ni Ashron sa kanila at tumawa lang namang itong dalawabg ugok sa sinabi ni Ashron.

Silence.

Nakain ba kami?

"Okay ka na ba, love? May masakit pa ba sayo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ashron.

"Okay na ako." sabi ko rito.

"Promise ko hinding-hindi ko na hahayaang mangyari pa ito sayo. Sorry." sabi nya sa akin.

"Okay lang iyon, kaya wag ka nang mag sorry." sabi ko naman.

"Dapat talaga sinamahan kita para hindi na ito nangyari. Hindi ka safe." sabi nya. At bahagyang yumuko.

"Huwag mong sisihin ang sarli mo. Walang may kasalanan, okay? Safe ako, alam ko 'yan. Because I'm living with the three hot vampires." sabi ko.







Living With The Three Hot Vampires   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon