Cindy's POV
Ngayon ay nag lalakad na kami sa labas ng bahay. Kaming apat lang ang nasa kalsada. May nakasalubong pa nga kaming nagtitinda ng pandesal. Gustuhin ko mang bumili, hindi na ako bumili dahil busog na ako at hindi ko rin nadala ang wallet ko. Naiwan ko doon sa loob ng aking kwarto. Itong tatlong ito naman, sa palagay ko ay wala ring dalang pera.
Wala namang makikitang bago dito sa barangay namin. Puro kabahayan, mga tindahan, at mga talipapa. Tipikal na barangay. Ang hindi lang tipikal ay ang pangalan nito, Lemmitown kahit barangay lang. Kung sa harap ng bahay namin merong minimart, sa likod naman ng minimart mayroong park. Park para sa mga bata at sa katulad ko.
Doon ako nag pupunta kapag kailangan kong magrelax at kapag pagod ako sa school, payapa kasi doon. Makakakita ka ng mga batang nag lalaro sa ilalim ng napakagandang araw, nag lalaro nang nakangiti.
Ang saya lang nilang tingnan. Kasi parang wala silang iniisip na problema, laro lang. Pumupunta rin ako doon sa park kapag gabi at umuupo ako doon sa swing. Pakiramdam ko ay nasa isang music video ako kapag gano'n tapos may background music pa.
Nalibot na namin lahat ng narito sa barangay na pwedeng puntahan, maliban lang dito sa park. Dito na lang muna kami mag papahinga. Yung tatlong ugok halatang napagod. Wala kasi silang ginawa kundi mag-asaran nang mag-asaran.
Pero ang nakakatuwa lang sa kanila ay yung kung mag asaran sila ay parang mga bata. Mga batang ugok. Hindi mo aakalaing mga bampira itong mga ito. Dahil sa kulay, pangangatawan, kilos at marami pa. Hindi mo rin mahahalatang bampira dahil sa kaingayan nila. Sa mga napapanood ko kasing vampire movies, hindi sila palasalita at itong tatlo naman kabaliktaran na kabaliktaran.
"Dito na lang muna tayo Cindy! Nakakapagod!" wika ni Xander na tinataas taas pa ang sando niya dahil sa banas na nararamdaman.
"Oo nga! Pawisan na kaming tatlo!" sabi naman ni Ashron na ngayon ay nag papaypay na ng kaniyang sarili gamit ang mga kamay niya.
"Sige, dito na lang muna tayo." sabi ko sa kanila.
Naupo kami sa bakanteng upuan na nag kalat dito sa park. Hindi naman maliit itong park, hindi rin malaki, tama lang. Kinuha ko ang tubig na dala ko at uminom doon. Buti na alng at nagdala ako ng tubig, wala pa kasing masyadong bukas na tindahan ngayon at kung pupunta naman kami sa minimart, iikot pa kami. Mas matatagalan.
"Whoo! Napagod ako!" sabi ni Xander na halatang init na init na.
Pasikat pa lang ang araw ngayon kaso hindi namin matanaw dahil may mga matataas na bahay na nakapalibot kaya wala rin.
"Sino bang hindi mapapagod kapag naglalakad habang nag aasaran?" tanong ko sa kaniya matapos kong uminom ng tubig. Isinara ko na ang lalagyan at ipinatong ito sa aking gilid.
"Oo nga naman. Itong si Xander kasi napakaingay. Maglalakad na nga lang, mag iingay pa." sabi ni Ashron na ngayon ay umiinom ng tubig kagaya ni Harold. May dala rin pala silang tubig, hindi ko napansin.
Nahiya naman ako sa kaniya ha. Pinapatulan niya rin kasi si Xander kaya mas lalong umiingay at makikidagdag pa si Harold.
Nabalot kami ng katahimikang apat.
Buti na lang talaga at wala kaming pasok ngayon. Hindi ko ramdam na gusto kong pumasok ngayon at noong mga nakaraang araw. Siguro kasi may kasama na ako sa bahay? Hindi na ako mag-isa? Noon, kaya gustong gusto kong pumasok kasi naroon sina Xands at Alex na makakausap ko sa school. Ngayon naman, dumating itong tatlo kaya parang medyo nabawasan yung pagiging excited ko sa school. Pero hidni ko naman sinasabi na mas better itong tatlong ito kaysa doon sa dalawang bruhang iyon. I'm not comparing them. Pantay lang ang pagtingin na meron ako sa kanilang lima at iyon ay 'kaibigan' lamang.
BINABASA MO ANG
Living With The Three Hot Vampires
VampireVampire Duology 1 Sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala ni Cindy Villacorta ang tatlong bampira na babago sa kanyang buhay. After her mother died, she feels like she was seeking for something. She knew about the vampires still existing in th...