Cindy's POV
Matapos ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming apat, nagsalita si Xander.
"Your a fangirl, right?" he asked me. Tumango naman ako kaagad.
Kapag wala akong magawa pati na rin itong tatlo, pinapakita ko sa kanila yung ilang pictures ng KPOP boy group na ini-istan ko. And I think they are already familiar sa mga faces nung pito.
"For how many years na?" dagdag na tanong niya.
"I think for about 2 years already? Nadiscover ko sila dahil doon sa isa kong classmate and 'yon, doon na nagsimula." I answered and he nodded naman. Yung dalawa ay nakikinig lang sa usapan namin ni Xander.
He also asked kung worth it ba yung pag-stan ko doon sa boy group and I answered yes. It's very worth it. Marami pa siyang tinanong about doon at sumagot naman ako.
And after that we became silent again. Not until I felt something above my head. Kinapa ko ito and it was a bubble!
Tiningnan ko ang tatlo sa may likuran ko and glare at them. Tatawa-tawa pa si Xander nung nahuli ko siyang kumukuha ng bula mula sa washing machine. At may pag-apir pang nalalaman kina Harold at Ashron!
"What..." mabilis akong kumuhang bula mula sa washing machine at tinangkang babatuhin rjn sila pabalik nang buksan naman nila ang pintuan at pumasok sa loob ng apartment.
"Ayan na siya!"
"Ilag, gago!"
"Magsitago kayo!"
Nagkakagulong wika nilang tatlo habang nagpapaikot-ikot sa may salas, hindi alam kung saan pupunta dahil sa taranta.
Kung makasabi naman sila ng "ayan na siya!" e para akong halimaw na hindi malaman!
Napuno ng tawa ang buong apartment at pati na rin ng bula. Kahit pa nakailang iwas at takbo papalayo sa ain ang tatlo ay nakabato pa rin ako ng bula sa kanila.
Ngayon ay kapwa kaming mga nakahawak sa mga tiyan namin dahil sa pagtawa nang sobra. Ayoko na, ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.
Si Ashron ay sa mukha napuruhan ng bula at kasalukuyan na niyang inaalis ang mga ito. Tinulungan ko siyang alisin ang mga bula dahil baka mamaya ay pumasok sa mga mata niya.
"Ang usapan, maglalaro ng bula, bakit tayo bibigyan ng bebe time?" wika ni Xander kaya natawa ako.
Ikalma niyo, kami lang 'to.
Maging si Xander ay may bula rin sa katawan niya at pati na rin si Harold. Ilang segundo pa yata ang lumipas bago alisin ni Harold ang tingin niya sa mga bulang nasa palad niya.
"Why are you staring at the bubbles?" I asked him. Tiningnan naman niya ako at parang nahiya pa.
"This is my first first time, I mean our first time to play with bubbles." he answered.
"Eh? Bakit ngayon lang? Hindi niyo ba 'yan ginagawa sa lugar niyo?" curious kong tanong and they shook their heads.
I somewhat feel bad for them. Para bang hindi nila naenjoy yung pagkabata nila. I mean, oo, bampira sila at hindi sila tumatanda kaagad hindi katulad ng mga normal na tao. It makes me wonder kung ano ang mga ginawa nila nung mga bata pa sila. Do they had a fun and memorable child days?
"Hindi naman kasi kami ganito sa lugar namin. Ibig kong sabihin, may royal blood kasi kaming tatlo at dahil doon mas marami kaming pribilehiyo kesa sa ibang mga bampira. Hindi kami basta-bastanv hinahayaan na gumawa nang gumawa ng mga bagay dahil siyempre, royal blood nga."paliwanag ni Xander at tumatango-tango naman ako.
BINABASA MO ANG
Living With The Three Hot Vampires
VampireVampire Duology 1 Sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala ni Cindy Villacorta ang tatlong bampira na babago sa kanyang buhay. After her mother died, she feels like she was seeking for something. She knew about the vampires still existing in th...