Chapter 28

39.3K 860 15
                                    

Cindy's POV 

Naalimpungatan ako kaya tuluyan na akong nagising. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at nakita kong nakatulog na ang katabi ko. 

Tiningnan ko ang mga tao sa unahan namin, pero wala na sila. Saan naman nagpunta ang mga iyon? Nasaan na ba kami? Sumilip ako sa bintana ng van at nakita ko nasa labas na kami ng resort. Nasa Batangas na paka kami! Ilang oras ba kaming nakatulog ni Ashron?

Binalingan ko ulit si Ashron at ang himbing ng tulog niya. Napatingin ako sa pilik mata niya, ang ganda pala lalo na kapag kita mo ang mga mata niyang kulay hazelnut. 

Bago pa ako tuluyang malibang sa pagtitig sa mukha niya ay napagpasyahan kong gisingin na siya. 

"Uy, Ashron gising na," paggising ko sa kanya at hindi siya nagigising. Ang himbing ng tulog e.

"Hoy!" sabi ko sa kanya. Nabigla naman ako nang higitin niya ako palapit sa kanya at niyakap.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko! 

Hindi ko alam kung bakit hinahayaan kong halikan niya ang ulo ko at yakapin ako. Hindi sumusunod sa akin ang buong sistema ko. Wala akong magawa.

"Five more minutes," he said with sleepy tone. Napabuntong hininga na langa ko at pinagbigyan siya. 

Lumipas ang limang minuto at ginising ko na ulit siya. 

"Oh, tara na, tapos na ang five minutes mo," sabi ko at inaalis na ang pagkakayakap niya sa akin, ngunit mas lalo nya pang hinigpitan dahilan para hindi ako makatayo at makaalis. 

"Mamaya na..." wika niya.

"Anong mamaya na? Tara na at tayo na lang ang tao dito sa van oh! Lahat sila nasa loob na ng resort. Baka kumakain na ang mga iyon," ani ko sa kanya. Para akong isang nanay na pinipilit na ayain ang anak para umuwi. 

"Let's stay this way muna for three minutes. After this, we'll go inside na." and so we stay that way for three more minutes. 

I didn't hug him back. I don't know where to put my hands. Pakiramdam ko, kaunting galaw ko ay maririnig niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

Naka-lipas ang ilang minuto ay siya na rin ang kusang kumalas sa pagkakayakap sa akin. 

"Nasaan na ba sila?" tanong niya sa akin. Inaayos niya ngayon ang buhok niya gamita ng kanyang mga kamay. 

"Nandoon na panigurado ang mga iyon sa loob ng resort." wika ko at inaya na niya akong lumabas ng van. Nakita namin sa hindi kalayuan ang mga kaibigan namin. 

"At iyon! Gising na ang dalawa! Salamat naman at makakapasok na tayo sa loob." sabi nila sa amin. 

Akala ko naman ay nasa loob na sila at kumakain na. Iyon pala ay hinintay nila kami dito sa may entrance ng resort. 

"Bakit hindi pa kayo pumasok kanina?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

"Sabi kasi nina Alex sabay-sabay na raw tayong pumasok sa loob at baka mamaya ay magkaligawan pa kaya ayun, hinintay na namin kayo." sabi ni Andrei at tumango na lang ako sa kanya. 

Pumasok na kami sa loob ng isang beach resort na kung tawagin ay Laiya. Madami ang nagsasabi na ang ganda nitong Laiya at hindi naman sila nagkamali. 

Ito ay matatagpuan sa Laiya-Aplaya, San Juan, Batangas. Popular rin itong beach destination sa buong Pilipinas. Kilala ito sa puting buhangin at clear waters. Naging isa na rin ito sa one if the most famous and most visited beaches in the country, particularly for those from the National

Capital Region. Nakakarelax tingnan ang payapang dagat. Mga batang naglalaro sa ilalim ng init ng araw sa napaka gandang punting buhangin. Sobrang napakaganda nga dito. First time ko ngang makapunta rito e. 

Dumiretso na kami sa isang hotel doon kung saan nagpareserve sina Alex kanina habang nasa byahe kai. Basta galaan talaga napaka bilis ng mga ito. Napailing na lang ako sa naisip ko. 

Bale dalawang kwarto ang inorder naming lahat. Ang nasa room 1 ay lahat ng boys at sa room 2 naman ay lahat ng girls. Ang sagwa naman kasi kung sama-sama kami sa iisang kwarto, 'di ba? 

Pumunta na kami sa kani-kaniya naming mga kwarto uoang mag-ayos. Magkatabi lang naman ang room namin. Naunang pumasok si Alex sunod si Xands at pinaka huli ay ako. Agad kaming pumunta sa kwarto kung saan mayroong kama. Gusto ko na ulit matulog!

Napaigtad ako nang bigla akong kurutin ni Alex sa aking tagiliran. Problema nitong babaeng ito? Napaupo tuloy ako.

"Ikaw ha! I smell something fishy sa inyong dalawa ni Ashron! Anong meron sa inyong dalawa ha?" pakikichismis niya sa akin habang hindi inaalis ang nanunuksong ngiti sa kanyang mga labi. 

"Gaga, wala 'no." sabi ko sa kanya. Hindi siya naniwala at hinampas niya ako ng unan. Hindi naman masakit 'no. 

"Sus! Wala raw! 'Yung mga tingin niya sa'yo hindi pwedeng walang ibigsabihin, Cindy! 'Wag ako!" Pagpupumilit niya pa. 

"Sige, hampasin mo pa ako ng unan. Wala nga sabi e." Wala naman kasi talaga. Umayos ako ng upo, "Hindi ko alam doon kung bakit siya gano'n maningin. Hayaan niyo na. Wala naman iyon." sabi ko sa kanila. 

Wala naman kasi talaga. Kung meron man, wala akong pakialam. Bawal kami para sa isa't isa. Hindi naman kasi kami si Edward at Bella ng Twilight, ano. 

"Pero aminin mo, nakakaramdam ka ba ng something para sa kanya?" tanong sa akin ni Xands. Isa pa itong babaeng ito e.

"Nakakaramdam ng ano? Something?" 

"Something d'yan sa puso mo kada magkakalapit kayong dalawa gano'n! Jusko naman Cindy! Para ka namang hindi nagkaroon ng crush e!" sabi sa akin Alex. 

"Crush lang, hindi boyfriend! NBSB ako!" sabi ko rito. 

"Pero seryoso Cindy, nakakaramdam ka ba ng gano'n??? Kasi kung oo..." sabi ni Xands. 

"Yes-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinaghahampas na ako ng dalawa kong kabigan. 

Sinasabi ko na nga bang mabubugbog ako dito e.

"Hep! Tama na, masakit na! Bakit ba kayo nanghahampas?! Inaano ko ba kayo?!" sabi ko sa kanila at huminahon naman ng 'kaunti' ang dalawa kong kaibigan. 

"In love kana!" magkasabay nilang sabi sa akin. 

"In love? Paano n'yo naman nasabi?" tanong ko sa kanila. 

"Ay, wala! Bahala ka d'yan sa buhay mo!" sabi nila sa akin. Ano bang problema ng mga ito? 

"Ano nga?!" 

"IN LOVE KA KAY ASHRON!" sigaw nila sa akin. 

What?!

Living With The Three Hot Vampires   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon