Chapter 16

49.3K 1K 47
                                    

Cindy's POV

Ilang sandali pa ang nakalipas ay lumabas na ang tatlo sa room kung saan sila nagtake ng exam. Napatayo kami ni Alex nang makalabas ang tatlo. Nagtaka namana ko dahil hindi ko manlang nakakitaan ang tatlo na nahirapan sila sa exam na tinake nila kanina! Samantalang ako, nang matapos ko ang exam na iyon ay parang nawalana ko ng tinik sa dibdib. Kulang na lang ay mahiga ako sa sahig tuwing hindi ko alam kung ano ang sagot doon sa tanong. Pero kahit na gusto ko na siayng gawin, hindi ko pa rin ginawa dahil baka mamaya ay isipin ng mga kasama ko doon na siraulo ako.

Halos wala akong tulog nung bago ako magtake ng ecam na iyon dahil nga sinabi s akain na mahirap daw talaga. Doon daw nakabase ang magiging section namin kaya naman abot abot talaga ang kaba ko! But all of the sleepless nights is worth it! Nasa pilot section ako kasama ang dalawa kong kaibigan.

"How was the exam?" tanong ko sa kanila and they are all chilling! Chillin' like a Villain ang peg!

Paano nila nagagawangg magmukhang-relax sa kabila ng hirap ng exam na iyon? Baka naman binasta-basta lang nila! No! Hindi pwede dahil ayoko nga silang mapunta sa lower section!

Masaya naman sa lower section dahil hindi ganoon kataas ang expectation sa kanila. Kung ako din naman kasi ang papapiliin, mas gugustuhin ko sa lower section. Kahit naman kasi nasa lower section ka dito sa university, mataas pa rin expectation sa'yo dahil nga college student na.

"Bakit ang dali ng exam dito?" tanong ni Ashron sa akin kaya halos mahulog na ang aking panga sa gulat.

Malilintikan sa akin ang tatlong ito kung binasta-basta lang nila ang exam!

"Oo nga, it's too easy for us." sabi naman ni Xander.

Jusko po! Anong utak mayroon ang mga ito? Sana gano'n din ang akin. Sana all brainy.

Halos mamatay ako sa entrance exam na iyon tapos sila, wala pang isang oras tapos na? Ano 'yon? Paano 'yon?

"May part 2 ba yung exam?" dito talaga ako tuluyang napanganga.

Hihirit pa si Harold ng part two? Ano ito, movie? Siya na lang mag-isa ang kumuha! Kung gusto niya, siya na din ang gumawa ng exam!

"Hindi manlang kayo nihirapan sa exam na 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. They looked at me na para bang sinasabi na 'bakit naman kami mahihirapan sa madaling exam na iyon?' grabe! Oo na, ako na itong halos mamatay sa exam na iyon.

"Hindi," sabay-sabay nilang sabi kaya napahawak na lang ako sa aking noo. Lalagnatin yata ako ah!

Grabe! Sana all talaga! Napapasa ba ang talino nila? Kung napapasa kasi ay magpapapasa ako. Ayos lang kahit ma-full storage ang utak ko sa sobrang katalinuhan! Charot!

"Wow! Ang gagaling niyo naman!" puri sa kanila ni Alex na nakasigaw na naman as always.

Hindi yata talaga napapaos si Alex. Kahit yata buong araw siyang sumigaw at dumaldal ay hindi mauubos ang boses niya e.

Naalala ko last year pumunta kami sa library dahil may ipinapasearch sa amin yung isang subject teacher namin. Parang group project gano'n at kaming tatlo ang magkakagrupo. Tapos, itong bruhang ito, hindi napigilan ang kaniyang pag-tili dahil nakita niya ang crush niya sa loob ng library. Engineering student yung crush niya noon.

Kaya naman ang ending, pinalabas kami ng librarian dahil sa lakas ng pagtili ni Alex na nakaabala yata sa lahat ng taong nasa loob ng library. Kaya kami na lang ni Xands ang natira sa loob at sinabihan na lang namin si Alex na mag-stay na lang muna sa cafeteria. Nung una ay ayaw niya pa dahil naroroon nga sa loob ng library yung crush niya.

Living With The Three Hot Vampires   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon