Chapter 1 - Thirst

551 105 26
                                    

Blaze P.O.V


"Shit! i'm so damn thirsty! I want some blood!". hindi ko na mapigilang mapamura dahil sa labis na pagkauhaw at pagkasabik sa dugo.

Ilang araw na rin akong hindi nakakatikim ng sariwang dugo hindi ko na kaya pa na may sumunod pang araw na hindi ako makatikim ng dugo.

"Prinsipe kaunting tiis nalang pwede ka na ulit makatikim ng dugo". nakayukong saad ng isa sa alipin na nasa gilid ko.

Hindi ko siya pinukulan ng tingin.

"THE HELL! Hindi ko na kayang magtiis! Go and get some fresh bloods from humans! Or else dugo mo iinumin ko!". Bulyaw ko sa panget kong alipin. Kaagad itong umalis saking harapan upang sundin ang ipinag-uutos ko.

Ilang araw na akong hindi nakakatikim dahil labis na ipinagbabawal na uminom ng dugo ng tao kapag kakainom lang ng dugo ng bampira dahil maaaring ikamatay namin ito sanhi ng lason na taglay ng dugo ng bampira.

"I can't hold it anymore,gustong gusto na ng pangil kong mangagat! kung hindi lang nakipag away si Viper saakin,edi sana nakakainom na ako ng dugo dahil lang naman sa inis ko sakanya kaya ko ininom ang dugo niya!.  Gigil kong wika sa sarili,nagtiim-bagang ako sa sobrang kainisan.

Damn that Viper! naiisip ko paang ang mapang-asar niyang mukha at nakakainis niyang boses ay tumataas na anh dugo ko.  Kahit kaylan napakalakas mang-asar at manginis sakin ng kumag na 'yun. Walang araw na hindi n'ya pinaiinit ang ulo ko! kung may paraan lang sana para mapaalis ko s'ya rito sa aming kaharian edi sana matagal ginawa ko ng ginawa,pasalamat sya't may kaunting awa pa ko dahil magkadugo kami.

"Blaze,calm down. Kapag naging okay kana at natunaw na ang dugo ni viper sa iyong katawan,kahit anong dugo ay pepwede mo ng matikman".  mahinahong ang pagkakasaad ni malificent,humawak ito saking braso kaagad ko iyong tinanggal sa pagkakahawak niya at kunot-nuong pinalisikan siya ng mata. wala siyang karapatan upang diktahan ako sa mga gagawin ko!

Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa inis,ba't ba ang hilig niyang makialam sa problema ng iba? mas matutuwa ako kung mas pagbibigyang pansin niya ang sarili kaysa saakin.

"Tsk! hindi na ako
makapaghihintay pa! Gusto ko na ng dugo!". saad ko sa kawalan,tumayo ako upang kunin ang aking jacket na nasa gilid lang ng aking upuan.

Kaylangan kong pumunta sa lugar ng mga tao at humanap ng mabibiktima ko,hindi ko na matitiisan pa itong pagkauhaw ko sa dugo ng tao. hinahanap hanap ng aking katawan ang lasa at tamis ng dugo. Sakto ang ganitong oras upang maghanap ng mabibiktima.

Sumunod ito saakin ngunit hindi niya ako mahabol dahil sa mas mabilis ang kilos ko kaysa sakanya.
"Blazeeee! Baka ikapahamak mo yan!". hindi ko pinansin ang pagsigaw ni malificent na umaalingawngaw sa buong palasyo. hindi ko na sya nilingon at sinagot manlang.

Si malificent ang reyna sa kaharian naming mga bampira. Siya ang namamahala at nagpoprotekta saming bampira.

Tago ang aming lugar kung kaya't kakaunti lang ang napapadpad na mortal dito. sekreto ito at pawang mga kapwa bampira lang ang tanging nakakapasok,kung sino man ang nagtangka ay hindi na nakakalabas ng buhay ang iba nama'y nagiging alipin na namin. Sa kaharian namin mayroong regulasyon,kapag hindi ito  sinunod ay paghandaan mo na ang mga nakaatang na parusa dahil paniguradong magiging mabigat ito.

Kahit hindi ako sumunod alam ko namang wala silang iaatang na parusa sakin dahil ako ang Prinsipe ng Vandesia hindi nila ako madidiktahan ng anumang regulasyon dito dahil isa ako sa namamahala,ako ang masusunod sa lahat ng kagustuhan ko. Ako ang magpapatakbo ng sarili kong rules,walang sino man kundi ako.

Lumabas ako ng kaharian,malayo pa man ay batid ko na ang awra ng isa sa kinamumuhian kong bampira,si Viper  na may ngiting aso na palagi nyang ginagawa kapag nakikita ako.

Nagtiim-bagang ako't nagkuyom ng kamak.

"Ano,uhaw kana ba my Dear Brother? Kawawa ka naman,tanging ang pag amoy nalang sa sariwang dugo ang pwede mong gawin". Lalo nitong nilaparan ang ngiti at mapang-asar na tumingin.

Sinamaan ko siya ng tingin."Who the hell told you that i'm not going to drink? Walang makakapigil saakin! Ako ang batas! Kung ano ang gusto ko ay makukuha ko kahit ano pa man 'yan,tandaan mo!". Umalingawngaw sa paligid ang saking pagsigaw. hindi ko na napigilan ang sarili at malakas na itinulak siya na nagpatilapon sakaniya sa pader,nagkaroon ng matinding pinsala ang kanyang tinumbahan ngunit siya ay parang hindi manlang nasaktan.

Dahan dahan itong tumayo na parang walang nangyari at mukhang natutuwa pa sa nangyayari.

"Malakas ka parin blaze,manang mana ka sa hari. O'sige uminom ka! Tingnan natin kung anong mangyayari". May pang-aasar sa tinig nito at kumindat saakin.

Nagsidatingan din ang ibang alipin upang tignan ang kaguluhan at tignan ang kalagayan ni Viper. 

Tinignan ko sya ng masama,mata sa mata sa huling pagkakataon bago tuluyang umalis upang lumipad patungo sa mundo ng mga tao.

I own your blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon