Chapter 26 - Crimpson

80 29 0
                                    

"A-anong ginagawa mo rito?!"

Gulat at taka kong tanong.

Nginitian naman nya ako bago sumagot. "Nararamdaman ko kasi na kaylangan mo ng tulong kaya pumunta ako" Malumanay nyang saad.

Nanlaki nalang ang mata ko. "P-pero teka! Paano ka nakapasok dito!?" Sigaw kong saad sakanya.

Muli na namang kumurba ang ngiti sa labi nya.

"Syempre,i'm a vampire what do you expect?" Malumanay nya paring saad.

Napataray nalang ako. Di ko naman sya kaylangan eh.

Nakita ko na papalapit sya saamin kaya hinarang ko ang kamay ko

"A-anong gagawin mo?!" Utal kong tanong.

Tiningnan nya ako ng deritso sa mata. "Alam mo wala akong balak na masama sayo at sa kasama mo. All you need is to trust me" nakangiti nyang sambit.

Gumaan naman ang pakiramdam ko. Tama naman sya eh,ang kaylangan ko lang ay ang magtiwala lalo na kaylangan ko ng tulong. Pero ano namang maitutulong nya?

Pumunta muna ako sa unahan ng sasakyan para di masyadong masikip.

Binabantayan ko lang ang bawat pag-galaw nya.

Nakita ko na may inilabas sya sa bulsa nya.

"Ano yan?" Taka kong tanong.

"Isa tong orasyon" giit nya.

Huh? Ba't may pa orasyon pa?

Nakita kong sinindihan nya ito at agad ring pinatay kaya naman ang daming usok na nagkalat sa loob ng kotse.

Mabuti nalang tinted to kung hindi mapagkakamalan talaga kaming baliw!

"Ang init naman rito!" Rinig kong usal nya

Kaya naman binuksan ko yong aircon. Tama nga sya ang init di ko alam ba't nagtitiis pa ko eh pwede namang buksan 'yung aircon.

Pagkatapos maglaho ng usok may kung ano syang binibigkas na di ko maintindihan.

In just a snap of finger bigla nalang nagising si blaze. Wow! Ano yun magic?

Nakita nya namang namangha ako kaya napangiti nalang sya.

Si blaze naman parang nagtataka ang mukha. "A-anong nangyari?" Taka nyang tanong at kinusot kusot pa ang mata.

Napadako sya kay crimpson kaya agad itong napakunot nuo.

Hinagisan ko naman sya ng maliit kong unan.

"Ano ba?!" Reklamo nya.

"Ano kaba! Sya tumulong sa'tin tas susungitan mo pa!" Reklamo ko.

"Tsk tsk!" Rinig kong pag tsk nya.

Kahit kaylan to si blaze!

"Okay lang. Masaya akong makatulong" nakangiti nyang giit.

Nginitian ko rin sya. "Hays mabuti naman. Ang laki kayang pabigat nyan ni blaze!" Giit ko

Nakita ko naman ang lalong pagkunot ng nuo ni blaze. "Anong sinabi mo!" Malakas nyang bulyaw saakin

Tinarayan ko naman sya. "Ang sabi ko ang laki mong pabigat! Tsk ang hirap mo kayang buhatin buti nalang may tumulong sakin!" Reklamo ko at taray pa.

Nakita ko naman na napayuko sya. "Sorry athena tsaka thanks na rin" nakayuko nyang saad.

"Tsk oo na! Matitiis ba kita?" Sabi ko at napangiti na rin.

"Una na ako sainyo ah? Uy blaze! Ikaw ng bahala kay athena" sabi ni crimpson sabay kindat. At bigla nalang syang naglaho na parang bula.

"Ano ba kasing nangyari?" Taka nyang tanong.

Lumapit ako sakanya "Bigla ka nalang kasing natumba" giit ko sakanya.

Nakita ko naman ang katakahan sa mukha nya. "Talaga? Di ko kasi matandaan eh" saad nya

"Akala ko nga nananaginip lang ako eh" dagdag pa nya.

Lumapit ako sakanya dahil alam kong nagugutom na sya.

"Di ako gutom!" Sagot nya sa iniisip ko.

Ts kahit kaylan talaga tong so blaze! Tapos pag natumba na naman sya ako na naman mahihirapan.

Lumapit parin ako sakanya na para bang inaalok ang leeg ko."Bilis!" Giit ko

Nakita ko naman ang pag-aalinlangan sa mukha nya. "Ayaw ko nga! " giit pa nya

"Ayaw mo talaga? Bilis na baka magbago pa isip ko!" Pagpilit ko sakanya.

Wala naman syang nagawa kaya inilapit nalang nya ang bibig sa leeg ko.

Papakagat na sana sya nang biglang......

"Blaze! Anong nangyari kay blaze?" Bungad ni knight sa labas habang niyuyugyog 'yong kotse.

"Bwisit naman oh" rinig kong bulong ni blaze.

Tsk kunyari pa syang ayaw kanina,gusto naman pala.

"Labasin ko muna" giit ko.

Tumango naman sya.

Pagkababa ko lumapit kagad sakin si knight.

Ang ingay nya kaya nagsign ako na tumahimik sya.

"Shhhh! Ingay mo! Ang tagal mo dumating kaya may iba ng tumulong sakanya! Alis di ka na namin kaylangan!" Saad ko

Nakita ko naman ang paglaki ng mata nya at pansin ko ring pawis na pawis sya.

Leather jacket pa more! Lam ng init sa pinas may pa leather pa!

"Huh? Sigurado kaba?" Taka nyang tanong.

Tinanguan ko lang sya. "Alam mo bang nagmadali ako at pagod na pagod tapos ngayon papauwiin mo ulit ako ng ganon ganon nalang?" Reklamo nya

Luh? Makareklamo wagas ah?

Nakita ko na lumabas si blaze mula sa kotse.

"May problema ba dun?" Giit ni blaze

Napayuko naman si knight. Ayan ha! Kala mo! Tss

"Wala po. Babalik na nga po ako eh" saad nya sabay alis.

Hahahaha duwag naman pala si knight eh.

Humarap ako kay blaze ng nakangiti.

"Tara na" saad ko.

Nakita ko naman na nagtaka sya dahil sa reaksyon nya.

Tss slow.

"Ahh tara pasok ka na sa loob,gawin na natin" giit nya sabay ngiti ng nakakaloko.

Luh! Parang iba 'yung dating para sakin eh.

Pumasok na ako sa luob at ginawa na namin.

Syempre 'yong paginom lang ng dugo! Ayun lang at wala ng iba.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person's P.O.V


"Ma'am hindi kayo pwedeng pumunta sa mundo ng mga tao!" Giit ng utusan ko.

Na ngayo'y hinahabol ako. Punong puno na rin sya mg pawis dahil isa lang syang mortal na gaya ng iba kong alipin.

Bitch please? I can do what i wanted to do.

Napataray nalang ako. Ba't ba ganyan sila? Kunyaring concern pero hindi naman. Kahit na magpakabait sila papatayin ko parin sila!





"I don't fucking care!" Galit kong saad na nakapangewang pa.


Umalis na 'ko bago pa maabutan ni dad. Tiyak yari na naman ako dun baka ikulong pa ako sa kwarto ko. At hindi ako papayag na mangyari yun!



"I need to find that girl! That girl is getting into my nerves grrr!" Inis kong sambit bago lumisan.

Makikita nya ang hinahanap nya. I will never let her get what's mine. Kung kinakailangang patayin ko sya gagawin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I own your blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon