Blaze's P.O.V
Nandirito na ako sa mundo ng mga tao,natatakam na ako't naglalaway. Mukhang nagwawala na ang halimaw ko saking katawan,wala na akkng ibang inisip kundi ang makainom ng dugo!
Gabi na kaya hindi na masyadong aninag ang mukha ko kakaunti lang rin ang tao,sa di kalayuan nakakaamoy na ako ng masarap na dugo,sa sobrang sarap ng amoy nito ay hinayaan ko nalang ang aking sariling sundan ang amoy...kakaiba ang kanya at gustong gusto kong tikman 'yun. Ewan ko but i feel something special in her blood that i want to own.
Nakasuot ito ng pang-uniforme na mukhang kakagaling lang sa eskwelahan. Nagtiim-bagang ako,nakatalikod itong babae saakin kaya hindi ko mamataan ang kaniyang hitsura.
Hindi na ako makapaghintay,agad akong nagtago sa sulok sulok at mas pinagaan pa ang sarili upang hindi niya mapansin. tumakbo palapit sa babae na mahigpit ang pag-akap sakanyang bag.
Kaya lalo kung naamoy ang dugo nya,lalo akong natatakam.
"I want to own her blood". Tanging nasambit ko bago siya sunggaban.
Nilabas ko ang matutulis kong pangil,aamba sana akong kakagatin siya ng bigla itong humarap. Nakita ko ang magaganda nitong mata na pumukaw saakin ngunit napalitan ng isang takot na takot na expresyon ng makita ang aking kabuuan.
Labis kong ikinatutuwa ang kaniyang reaksyon. Mas exciting para saakin ang ganito,mas gusto kong tinatakot muna ang aking pagkain bago kainin.
Habang palapit ako ng palapit ay siya namang pag atras niya.
Lalo pa syang natakot ng ipakita ko ang mapupulang kong mga mata. Nakita ko ang pagdausdos ng luha nito mula sa kaniyang mata.
Mabilis akong lumapit sakaniya upang sunggaban siya."Akin ka na!". nahinto ako ng bigla itong nagsita,sige nga pakinggan natin ang binibini.
"Please,please,wag mokong saktan! May pamilya pa ako maawa ka!". pag mamakaawa sakin ng babae,pinaglapat nito ang dalawang kamay.
Nagpapatawa ba ang isang ito? "Hahahahha sa tingin mo maawa ako sa mortal na kagaya mo? Ngayon pang sabik na sabik ako makatikim ng dugo". Nanlilisik kong sigaw sa babae.
Halatang halata na takot sya dahil sa panginginig ng kanyang katawan. Wala akong pakialam sakaniya, tanging nasa isip ko ngayon ay makainom ng dugo.
"Please,kahit ano kahit ano gagawin ko pakiusap!" Patuloy siyang nagmamakaawa saakin,nanginginig na ang kanyang labi.
Hmm marami na akong mortal na alipin sa bahay pero pare-pareho lang ang amoy at lasa ng kanilang dugo. Ang isang ito iba eh,kukunin ko nalang sya bilang personal na alipin ko upang unti untiin ang kaniyang dugo. Dahil ang ibang mortal kong alipin ay pinatay ko na.
"Let me think first, What's your name,lady?". Pormal kong tanong sakaniya,patuloy pa rin ito sa panginginig.
"A-athena!".
"Oh,a name of greek goddess,what a name. Okay,i'll give you a chance dahil kakaiba ka.". Lumapad ang ngisi ko sakaniya.
Umakto itong lalapit saakin,ngunit nalinlang ako ng bigla itong tumakbo at nagsisigaw.
Akala niya siguro ay tanga ako para hindi siya mahabol,nakakalimot ba siyang isa akong bampira at mas mabilis ako kaysa sakanya?
Damn! Binibigyan ko na nga ng pagkakataon ay tatakasan pa ako!
Hinila ko ang buhok nya sabay kinagat ang leeg nya. Sobrang sarap..
Habang sinisipsip ko sya,sya naman ang pagpupumiglas nya.
Aaaaahhh tama na! sigaw nya pero di kalaunan ay nanghina na sya at namatay.
Para akong nabuhayan ng dugo,ang mga balat ko ay bumalik sa dati,ang mga mata ko'y bumalik sa pagiging mapungay. Pakiramdam ko binuhay muli ako.
"Tsk! Sinungaling ka! Tatakasan mo pa ako huh! Sigaw ko sakanya kahit na alam kung patay na sya".
Hinagis ko ang malamig nyang bangkay sa gilid ng kanto.
Panigurado bukas ay lalangawin na ang bangkay nya hahahahaha.
BINABASA MO ANG
I own your blood
VampireHighest Rank #2 in Thirst #6 in Vampire's love Sypnosis: A vampire is an creature from folklore that feeds by blood of living. Blaze is one of the best example of vampire--he sucks blood but to only one person,Athena. In ab...